
NGAYON AT KAILANMAN
Basil Valdez
Ngayon at kailanman sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman sa hirap o ginhawa pa
Asahang may kasama ka sinta
Naroroon ako twina, maaasahan mo twina
Ngayon at kailanman
Dahil kaya sa 'yo
Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
ikaw ay mapaglingkuran hirang
Bakit labis kitang mahal
pangalawa sa Maykapal
Higit sa aking buhay
Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa yo liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas
Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin
ay 'di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig
at di na gumalaw
Subalit isang araw pa
matapos ang mundo'y magunaw na
Hanggang doon magwawakas
pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman
Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas
Labis kitang mahal
Tangi sa Maykapal
Ngayon at kailanman