
NANDITO AKO
Ogie Alcasid
Mayroon akong nais malaman
Maaari bang magtanong
Alam mo bang matagal na kitang iniibig
Matagal na akong naghihintay
Ngunit mayro'n kang ibang minamahal
Kung kaya't ako'y di mo pinapansin
Ngunit ganon pa man
nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa yo
Nandito ako umiibig sa iyo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo
Nandito ako
Kung ako ay iyong iibigin
Di kailangan ang mangamba
Pagkat ako ay para mong alipin
Sa iyo lang wala ng iba
Ngunit mayroon ka ng ibang minamahal
Kung kaya't ako'y di mo pinapansin
Ngunit ganon pa man
nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa yo
REPEAT CHORUS 2X
Nandito ako