
KAHIT NA
Zsa Zsa Padilla
Kahit na ikaw pa ay lumisan
Halik mo 'di ko na malilimutan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay
Kahit na ikaw pa ay lumimot
Mundo ko'y tutuloy sa pag-ikot
Ang bituin, akala mo'y naglalaho
'Yun pala sa ulap lang nakatago
Katulad ng pag-ibig mong mapaglaro
REFRAIN:
Di ba sa simula sinabi mong
walang matitiyak
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y
isiping 'di magwawakas
Di kita pipigilin kailan man
magbago ng isipan
Habang kapiling ka
Ligaya'y walang hanggan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay
REPEAT REFRAIN