
HINDI MAGBABAGO
Randy Santiago
Nang matapos na'ng lahat ako'y nahirapan
Nalaman ko na ikaw ang tanging kailangan
Pinag-iisipang husto sa naiibang mundo
Kay hirap nang wala sa piling mo
Ginawa ko na'ng lahat para sa atin
Ngunit ika'y nagbago ng hangarin
Kahit wala na tayo at masakit man sa puso
Ay hindi nawawala mga alaala
CHORUS
At hindi nagbabago ang gusto ng puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili 'to at hindi magbabago
Ginawa ko na'ng lahat para sa atin
Ngunit iba pa rin ang nangyari
Walang-walang tatalo sa lahat nang dinanas ko
Pagnanais na ika'y mapasa-aking muli
REPEAT CHORUS
Kahit malayo na'y malapit ka pa rin
sa aking puso
At hindi nagbabago ang gusto ng puso ko
Wala nang hahanapin pa kundi pag-ibig mo
May hiwagang natanto mula sa una pang tagpo
Mananatili 'to (3x)
At hindi magbabago