
BAKIT LABIS KITANG MAHAL
DingDong Avanzado
Mula nang makilala ka
aking mahal
'Di ako mapalagay
Sa kakaisip ko sa 'yo
Lagi na lang ikaw
ang alaala ko
Kahit nasaan ka man
Larawan mo'y natatanaw
Maging sa pagtulog
ay panaginip ka
Pagkat ang nais ko sana
Kapiling ka sa t'wina
Ano ba'ng nakita
Ng puso kong ito sa 'yo
Kapag ika'y kasama
Anong ligaya ko sinta
Refrain:
Bakit labis kitang mahal
Yakap mo'y 'di ko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man iniibig kita