*Kung ano ang puno ay sya ang bunga. Ang bayabas ay
hindi mamumunga ng mangga.

* Ang tunay na kaibigan
karamay kailan man.

* Ang tunay na kaibigan,
nakikilala sa kagipitan.

* Ang matapat na kaibigan,
tunay na maaasahan.

* Ang tunay mong pagkatao,
nakikilala sa gawa mo.

* Ang tao kapag mayaman
marami ang kaibigan.

* Magkulang ka na sa
magulang huwag lamang sa biyenan.

* Ang pag-aasawa ay hindi
biro, 'di tulad ng kanin
Iluluwa kung mapaso.

* Ang lumalakad nang mabagal,
kung matinik ay mababaw. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay
malalim.

* Ang hindi lumingon sa
pinanggalingan hindi makakarating sa paroroonan.

* Ang langaw na dumapo sa
kalabaw, mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.

* Maraming salita, kulang sa
gawa.

* Madaling sabihin, mahirap
gawain.

* Wala kang mabubunot sa
taong kalbo.

* May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

* Kung ano ang itinanim,
iyon din ang aanihin.

* Ako ang nagtanim, ang
nagbayo at nagsaing, saka nang maluto'y iba ang kumain.

* Aanhin pa ang damo kung
patay na ang kabayo.

* Kung matigas ay bato, kung
malambot ay tao.

* Pili nang pili, natapatan
din ay bungi.

* Huwag magbilang ng manok
hangga't hindi napipisa ang itlog.

* Kung sino ang unang
pumutak, siya ang nanganak.

* Nauntog akong minsan ayaw
ko nang maulit. Baka sa susunod ngipin ko ang mabungi.

* Huwag kang magbibintang
kung hindi mo nakakamayan.

* Magkupkop ka ng kaawa-awa,
langit ang iyong gantimpala.

* Ang mabuting gawa
kinalulugdan ng madla.

* Kung ang nabasagan ay
hindi nanghihinayang, ako pa kayang nakabasag lamang.

* Kapag bukas ang kaban,
nagkakasala sinuman.

* Ang butong tinangay na aso,
walang salang nalawayan ito.

* Ang utang ay utang, hindi
dapat kalimutan.

* Ang iyong hiniram, isauli
o palitan. Upang sa susunod, hindi ka makadalaan.

* Kung labis ang tamis ang
lasa ay mapait.

* Ang bungang hinog sa sanga
matamis ang lasa.
Ang bungang hinog sa pilit kung kainin ay mapait.

* Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.

* Sala sa lamig, sala sa
init.

* Gawain mo sa kapwa mo. Ang
nais mong gawain niya sa iyo.

* Ang sakit ng kalingkingan
damdamin ng buong katawan.

* Ang mabigat ay gumagaan
kapag pinagtutulung-tulungan.

* Masakit ang katotohanan.

* Madaling pumitas ng bunga
kung dadaan ka sa sanga.

* Ibong sa hawla'y ikinulong
nang mahigpit kapag nakawala'y hindi na babalik.

* Nawawala ang ari-arian,
nguni't ang uri ay hindi.

* Ang pag-ilag sa kaaway ang
tunay na katapangan.

* Bago mo batiin ang dungis
ng ibang tao,
ang dungis mo muna ang tingnan mo.

* Minamahal habang mayroon,
kung wala ay patapon-tapon.

* Ang gawa sa pagkabata,
dala hanggang sa pagkamatanda.

* Ang taong mainggitin,
lumigaya man ay sawi rin.

* Sa taong may tunay na hiya,
ang salita ay panunumpa.

* Walang matiyagang lalaki
sa pihikang babae.

* Walang matibay na baging
sa mahusay maglambitin.

* Ang bayaning nasugatan,
nag-iibayo ang tapang.

* Kung takot sa ahas, iwasan
mo ang gubat.

* Kapag may isinuksok, may
madudukot.

* Matutuyo na ang sapa
nguni't hindi ang balita.

* Ang tunay na anyaya, may
kasamang hila.

* Ang damdaming nasugatan,
gumaling man ay balantukan.
