Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
« January 2006 »
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Entries by Topic
All topics  «
You are not logged in. Log in
Sa Aking Prinsipe

Wednesday, 11 January 2006

Mga Liham Para sa Aking Magiging Kabiyak
Pinakamamahal ko,

Isang malaking pagkabigla sa karamihan nang tanggapin ko nang maaga ang pag-ibig mo. Dalawang taong pinakamalalapit sa puso ko ang nagulat at nag-alala para sa akin.

Ang isa ay iniisip na baka magmukha akong "cheap" -na hindi pa lubos ang pagkakakilala natin dahil sandaling panahon pa lamang tayong nagkakasama at ang isa naman ay nag-iisip na nagmamadali lang akong mag-asawa.

Nasasaktan ako, Mahal, dahil parang nawalan sila ng tiwala sa akin. Hindi nila naisip na pinag-isipan ko naman ito ng mabuti. Ipinanalangin ko rin ito sa Panginoon. Alam ko sa puso ko na ikaw ang kaloob ng Panginoon sa kin. Hindi ko naman kailangan ng sobrang habang taon para makapag-isip eh. Dahil me usapan na kami noon ni Lord, pag nakita na kita, malalaman ko yun..Mararamdaman ko.. Dahil di pa man tayo nagkakaharap, alam ko na mga katangian mo. Karugtong ka na kasi ng buhay ko sapagkat ikaw ang itinakda ng Panginoon na para sa akin.

Ganunpaman ay alam kong mahal din nila ko kaya natutuwa sila na masaya ko ngayon sa piling mo. At talagang masaya ko ngayon, Mahal... Bagama't dumadating ang mga oras ng pag-aalinlangan, napapawi naman yun lagi ng pag-ibig mo.

Posted by princess at 10:34 AM
Post Comment | Permalink | Share This Post

View Latest Entries