Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
« December 2005 »
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
Entries by Topic
All topics  «
You are not logged in. Log in
Sa Aking Prinsipe

Tuesday, 6 December 2005

Mga Liham Para sa Aking Magiging Kabiyak
Pinakamamahal ko,

Kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon. Magkahalong takot, pag-aalinlangan at kasiyahan. Takot dahil isang tao na naman ang napapalapit sa kin. Isang taong unti-unting bumibihag na sa puso ko.Nangangamba ako. Paano kung magkamali na naman ako? Kung hindi pala ikaw siya. Sana, Mahal, ikaw na talaga sya eh. Hindi mo lang alam kung gaano ko pinapangarap sa puso ko na ikaw na nga ang nakakasama ko ngayon...

Napakaraming pangamba at pag-aalinlangan pa rin ang naiisip ko ngayon. Mga agam-agam at malalaking katanungang alam ko naman sa puso ko na dahan-dahang napapawi at nasasagot na ng mga salitang namumutawi sa kanyang mga labi. Kaya nga, parang gusto ko ng maniwala,Irog ko, na ikaw nga ang kausap kong iyon. Hindi ba't sinabi ko ng tanging ang pag-ibig mo lamang ang makakapagpawi ng lahat ng mga pangamba sa aking puso?

Ang panalangin ko na lang ngayon, Mahal ko, kung hindi nga ikaw ang lalaking yun..Sana'y ngayon pa lang ay ipakita na Niya sa akin. Kung ayaw pa rin Niya akong ibahagi sa iyo sapagkat may mga bagay na nais pa Siyang ipagawa sa akin. Ngayon pa lamang ay ipaalam na Niya.. Subalit, Mahal ko, masama bang hilingin ko rin na sana...sana, Irog ko, ikaw na nga siya...

Posted by princess at 5:37 PM
Updated: Monday, 12 December 2005 12:46 PM
Post Comment | Permalink | Share This Post

View Latest Entries