Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
« November 2005 »
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30
Entries by Topic
All topics  «
You are not logged in. Log in
Sa Aking Prinsipe

Wednesday, 16 November 2005

Mga Liham Para sa Aking Magiging Kabiyak
Mood:  hug me
Aking Irog,

Isang buwan na ang nakalipas... Inakala ko sa puso ko na nakita na kita... Ngunit isa lang palang malaking pagkakamali. Nagtiwala ako sa isang taong punong-puno ng kasinungalingan at pagkukunwari. Mabuti na lamang at mahal talaga ako ng Panginoon dahil hindi Niya hinayaang magtagal pa ang isang relasyong alam Niyang maglalayo lang sa akin sa Kanya. Kung nagtagal pa yun, isang malaking pagkakamali na naman ang magagawa ko sa yo at sa Kanya. Alam ko...sa puso ko... kaya itinulot ng Lord na matuklasan ko agad ang mga bagay na ito sa pinakamaikling panahon ay dahil ayaw Niya na mangyari ang bagay na yun. Madami na kong nagawang kasalanan sa Kanya at sa iyo kaya ngayon pa lang nilayo na Niya ko sa tukso.

Nalulungkot ako ngayon dahil sa nangyari sa amin. Dahil nauwi ang isang magandang pagkakaibigan sa isang walang kabuluhang relasyon na nagbunga lang ng sakit ng loob sa bawat isa sa amin. Oo, mahal ko, patawarin mo ko kung sa sandaling panahon ay sinubukan kong isugal ang puso ko sa kanya. Dapat sana'y kinilala ko pa sya ng mabuti. Dapat sana'y inalam ko kung totoo nga na ang lalaking nagpapahayag ng pagmamahal sa akin noon ay ikaw talaga. Lahat kasi ng mga salitang lumabas sa bibig nya ay ang mga salitang pinangarap kong marinig mula sa yo. Kasalanan ko rin siguro. Gusto ko kasing magkita na tayo eh. Kaya nung marinig ko mga salitang yun sa kanya, inisip kong ikaw na kausap ko. Ganunpaman, ipinagpapasalamat ko na rin na nangyari ito. Sapagkat mas lalo ko pang napapatunayan ngayon na hindi ako pinababayaan ng Lord. Na habang wala ka pa, wala akong dapat maging dahilan ng pangungulila dahil kasama ko Siya. Siya na tunay na umiibig sa akin. Marahil ay hindi pa tapos ang paghubog Niya sa pagkatao ko kaya di pa Siya handa na ipakilala ko sa yo. Upang pagdating ng araw na iyon, mas maging karapat-dapat ako sa pagmamahal mo.

Sa ngayon... patuloy akong maghihintay sa pagdating mo. Ngunit me kapayapaan at kaligayahan kong gagawin yon. Sapagkat wala ka man sa tabi ko, kasama ko ang Panginoon.

Posted by princess at 10:50 PM
Updated: Thursday, 17 November 2005 10:26 PM
Post Comment | Permalink | Share This Post

View Latest Entries