Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
« October 2005 »
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Entries by Topic
All topics  «
You are not logged in. Log in
Sa Aking Prinsipe

Tuesday, 4 October 2005

Mga Liham Para sa Aking Magiging Kabiyak
Irog ko,

Natapos na rin sa wakas ang mga papeles ko. Mamaya na ang alis ko pauwing Pinas. Excited ako na kinakabahan. Magkakilala na kaya tayo pag-uwi ko? *hehehe* Eto na naman ako eh no? nagtatanong na naman. Haaayyy.. naiisip ko lang kasi. Sabi nga nila, hindi raw kita dapat hanapin eh. Dahil darating ka naman sa tamang panahon. Kaya lang syempre, di ko maiwasan minsan eh. Kaya medyo tumatanaw-tanaw ako. Baka kasi naliligaw ka na talaga kaya ka di makarating sa kin. Paano kung mahina rin ang sense of direction mo? *hehehe*

Me ikukumpisal nga pala ko sa yo, Irog, pag-uwi ko kasi me dalawang tao kong gustong makausap talaga. Isa na rito si Mike. Huwag kang magdadamdam, Irog, gusto ko lang syang makausap para maibigay ko sa kanya ng harapan ang pagpapatawad ko. Nais ko rin sana syang pasalamatan dahil kung hindi kami nagkahiwalay, hindi ko siguro mararanasan ang marami pa palang bagay na dapat kong pagdaanan. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi niya ko nasira sa ginawa niyang yun, sa halip ay binigay niya muli sa akin ang buhay ko. Oo, nasaktan ako noon. Subalit mas lalo akong pinatibay ng karanasang iyon. Dahil doon mas napalapit ako sa Panginoon. Napatunayan ko na hindi ko makikita sa tao ang pinakadalisay na pagmamahal. Ang Panginoon lang ang kayang magbigay sa akin nun. Gusto kong mapalaya na siya sa kung anong guilt ang nararamdaman niya pa. Ipaalam sa kanya kung gaano ko kasaya ngayon sa buhay ko kaya't gusto ko rin sanang maging masaya siya at wala ng anumang galit namamahay sa aming mga puso.

Irog, sana dumating ang panahon na maging magkaibigan na ulit kami. Gusto ko talaga yun. Sana nga lang wag kang magagalit kung magkaganun ha. Mahal ko na lang siya bilang isang kaibigan dahil naging bahagi na rin siya ng buhay ko eh. Samantalang ikaw.. iba ka, alam mo ba yun? -Ikaw kasi ang buhay ko.

Posted by princess at 9:51 PM
Post Comment | Permalink | Share This Post

View Latest Entries