Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
« November 2008 »
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Entries by Topic
All topics  «
Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
You are not logged in. Log in
Mga Tanong at Komento
Tuesday, 16 August 2005
Ang Kalikasan ni Jesus ayon sa Biblia at Quran
Mood:  happy
Ito ang naging paksa ng aming naging debate last Sunday ni Bro. Rashid Indasan isang masipag na mangangaral ng Islam. In my presentation ipinakita ko sa mga nakikinig na ang tinututulan ng Quran ay hindi ang pagiging "1 Person in 2 Natures" ni Jesus kundi ang pagiging Diyos lamang niya ayon sa paniniwala ng mga Monophysites (paniniwalang si Jesus ay Diyos lang at hindi Dios-Tao!). Ito ang laganap na paniniwala ng mga Kristiano doon sa lugar na tinawag na Najran sa bandang Saudi Arabia noon. Kaya sa madaling salita, hindi tinututulan sa boong Quran ang pagiging Dios-Tao ni Jesus bagay na nakapagtataka kung talagang ang Quran ay totoong salita ng Diyos bakit hindi ito ang nabanggit kung talagang mali ang paniniwalang ito ng mga Kristiano tungkol kay Jesus? Isa pa, pinatunayan ko din na ang tinututulan ng Quran ay hindi ang orthodox definition ng Trinity ng mga Kristiano sa halip ay yung distorted view ng Trinity na laganap din sa isang bahagi ng dako noon malapit sa lugar ni Muhammad. Ang "Trinity" na tinututulan ng Quran ay ang pagiging Diyos ni Allah, Jesus at Maria! Hindi din nasagot sa Quran kung bakit kailangan pa ni Jesus na dumaan sa proceso ng "Virgin-Birth" na walang makalupang ama si Jesus kung isa lamang siyang pangkaraniwang Propeta gaya ng mga propetang isinusugo noong panahon. Isa pang patunay na si Jesus ay hindi isang pangkaraniwang propeta ay dahil sa siya lamang ang kinikilala ng Quran at ng kanilang Hadith na "pure" o walang kasalanan! Walang sinomang propetang binanggit sa Quran na gaya nito maging si Muhammad ay inaamin ng Quran na nagkasala! Tinawag din naman sa Quran si Jesus bilang "The Word of God" at "Spirit" of God bagay na hindi man lang nakitang ikinapit sa kaninumang propeta sa Quran at Biblia!

Posted by space2/tinig at 4:36 PM JST
Post Comment | View Comments (2) | Permalink | Share This Post

Newer | Latest | Older