Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

NGAYON AT KAILANMAN
Basil Valdez

Ngayon at kailanman, sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman, hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman, sa hirap o ginhawa pa
Asahang may kasama ka sinta
Naroroon ako twina, maaasahan mo twina
Ngayon at kailanman

Dahil kaya sa 'yo
Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman ikaw ay mapaglingkuran hirang
Bakit labis kitang mahal, pangalawa sa Maykapal
Higit sa aking buhay

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay 'di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at 'di na gumalaw
Subalit isang araw pa matapos ang mundo'y magunaw na
Hanggang doon magwawakas, pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

Labis kitang mahal
Tangi sa Maykapal
Ngayon at kailanman

bar

Jewel's Midi Collection Original Pilipino Music