Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Blog Tools
Edit your Blog
Build a Blog
RSS Feed
View Profile
« September 2005 »
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30
Entries by Topic
All topics  «
You are not logged in. Log in
Sa Aking Prinsipe

Wednesday, 28 September 2005

Mga Liham Para sa Aking Magiging Kabiyak
Irog ko,

Pinakinggan ko na naman kagabi yung isa mga kantang gustong-gusto ko. Alam mo bang ikaw ang naiisip ko pag kinakanta ko ang awiting yon?

"Cherish the Treasure", yun ang pamagat niya. Sana, Mahal, dumating na yung araw na magkasama nating aawitin ang kantang ito.

I cherish the treasure
The treasure of you
Lifelong companion
I gave myself to you
God has enabled me
To walk with you faithfully
And cherish the treasure
The treasure of you

As I obey the spirits voice
And seek to do His will
I then can see
The wisdom of His plans
For as He works His will in me
I then can love you selflessly
And By His Grace
Can pledge my love to you

This sacred vow I make to you
Does not contain an if
Though Im aware
That trials lie ahead
I will love you
And pray with you
And through it all
I will stay with you
Our home will be
A refuge of unconditional love

Sana dumating na yung araw na yun,Irog ko.. Na kasama kita ng mananalangin sa Panginoon. Sabay tayong magpapasalamat dahil ibinigay Niya tayo sa isa't-isa. Magkahawak-kamay nating pupurihin ang Kanyang dakilang pangalan sa pangunguna Niya sa ating pagmamahalan.



Posted by princess at 9:24 PM
Updated: Wednesday, 28 September 2005 9:30 PM
Post Comment | Permalink | Share This Post

Saturday, 24 September 2005

Mga Liham Para Sa Aking Magiging Kabiyak
Pinakamamahal ko,

Sabi ng kaibigan ko, malamang daw, malaking sakit ng ulo ang ibibigay ko sa yo. Mahirap daw kasing magkaron ng kasintahang kasing kumplikado ko.*hehehe* Sabi ko di naman masyado,minsan lang.

Sana huwag ka naman agad na susuko sa akin. Matigas lang naman ulo ko minsan. Mataray daw. Pero pag nagsalita ka at nagpaliwanag ng maayos, makikinig naman ako. Madali naman akong pagpaliwanagan eh. Konting lambing lang, wala na tampo ko. Huwag lang nating hahayaang magkaron ng tayo ng communication gap. Importanteng nasasabi natin sa isa't-isa ang lahat ng nasa kalooban natin para naliliwanagan lahat. Saka, Irog ko, huwag nating hahayaang lumipas ang isang araw na meron tayong di pagkakaunawaan. At pagkatapos nating pag-usapan yun, dapat mas magiging matibay ang samahan natin. Lahat ng mga kasalanang napatawad na ay hindi na pwedeng ungkatin pa sa mga susunod na away ha? deal? Syempre, hihingin natin ang gabay ng Lord sa lahat ng ito. Siya naman kasi ang mangunguna sa relasyon natin,di ba?



Posted by princess at 11:01 PM
Updated: Monday, 26 September 2005 10:22 PM
Post Comment | Permalink | Share This Post

Friday, 23 September 2005

Mga Liham Para Sa Aking Magiging Kabiyak
Irog ko,

Excited na ko. Ilang araw na lang at nasa Pilipinas na ko uli. Sana nga magkita na tayo agad eh. Ipinagdarasal ko talaga yan ke Lord. Pero alam ko naman na magkakakilala din tayo sa tamang panahon. Di naman ako nagmamadali. Alam ko namang darating ka sa tamang oras at araw na kaloob ng Panginoon. Siya lang ang nakakaalam kung kelan yun eh. Subalit tiyak ko na yun ang magiging pinakamagandang araw sa buhay nating dalawa.

Alam mo, naisip ko, kaya rin hindi ka agad ipinakilala sa kin ng Lord eh. Dahil hindi pa dapat. Marami pa kong sugat noon na kailangang maghilom. Marami pang mga karanasang dapat malagpasan. Kinailangan ko rin ngang makakilala ng ilang mga maling lalaki bago ka dumating. Nakasakit pa tuloy ako at nasaktan..

Samantalang ngayon, sigurado akong naghilom na ang mga sugat na dala ng kahapon. Isa na kong bagong nilalang na mas pinatibay ng mga karanasang iyon. Hinubog lang siguro ako ng Panginoon para sa pagkikita natin ay mas karapat-dapat na ko sa pag-ibig mo. Ngayon handa na kong makilala ka. Handa na muli akong magmahal at ipagkatiwala ang buo kong puso at buhay sa isang lalaki. Ngunit sa isang tanging lalaki lamang -Ikaw.

Nung sinabi kong maling lalaki ang nakasama ko noon, hindi ko ibig sabihin na mali sila o na masasama sila. Huwag kang magagalit sa kanila,Mahal ko. Alam kong pinahalagahan din nila ko dati. Nagkataon lang na hindi kami para sa isa't-isa kaya di naging panghabambuhay ang aming relasyon. Sana ay maintindihan mo, Mahal, na naging bahagi rin sila ng buhay ko kaya sa puso ko, hangad ko pa rin ang kanilang kaligayahan. Pero ako, maliban sa Panginoon, isang tao na lang ang kaligayahan ko, ikaw yon.




Posted by princess at 11:01 PM
Post Comment | Permalink | Share This Post

Thursday, 22 September 2005

Mga Liham Para Sa Aking Magiging Kabiyak
Sa Aking Pinakamamahal,

Dalawang taon na ngayon ang nakakalipas simula nang magising ako sa katotohanang hindi pala ikaw ang lalaking kasama ko ng siyam na taon. Hindi ko kasi napansin agad dahil naging masaya naman kami nang mga unang taon ng pagsasama namin. Minahal ko siya at alam kong minahal niya rin naman ako. Nang huling tatlong taon na nga lang pumasok sa isip ko na parang hindi nga ikaw ang kasama ko. Pumapasok na sa puso ko noon ang maraming pag-aalinlangan. Ganundin ang mga pagdududa sa aking isip

Patawarin mo ko, Mahal, kung hindi ko agad tinanggap ang katotohanang yun. Nagbulag-bulagan ako. Ayokong tanggapin na nagkamali ako ng pagpili. Pinilit kong papaniwalain ang isip ko na ikaw siya samantalang kilalang-kilala naman kita. Hindi pa man tayo nagkikita, sa puso ko ay kilala na kita. Siguro natakot lang ako talaga. Masyado na kasing matagal ang samahan namin at marami na ring mga bagay ang dapat isaalang-alang.

Pero mabuti pa rin ang Panginoon di ba? Hindi Niya pa rin ipinahintulot na mapakasal ako sa kanya. Dahil alam Niyang ikaw lang ang tanging lalaking makapagbibigay sa akin ng tunay na kaligayahan. Ang tanging lalaking magmamahal at mamahalin ko habambuhay. Alam na alam Niya yun. Siya kasi ang nagbigay sa iyo sa akin eh.




Posted by princess at 11:01 PM
Updated: Monday, 26 September 2005 10:21 PM
Post Comment | Permalink | Share This Post

Newer | Latest | Older