TANGING PAG-IBIG
Kailan lang nang tayo’y muling nagkita
Kailan lang tayo’y huling nag-usap
Sa itinakdang araw na iyon ewan ko ba,
Parang ako’y nangangarap
At sa araw na iyon parang ako’y isang baliw na
Walang ginawa kundi maghanap
Simula noon at kahit hanggang ngayon,
Ikaw ang lagging laman sa tuwi-tuwina
Sa tuwing haharap ako sa kaliwa at kanan,
Ikaw ang lagging nakikita ng aking mga mata
Pati sa isip at puso ko ay parang sumisigla
Bakit ganon? Ako ba’y umiibig na?
Hindi ko maintidihan ang aking mga nararamdaman
Sa tuwing matutulog ako, ikaw ang siyang lagging laman
Wala akong magawa kapag ikaw ang aking iniisip
Hindi ko lang alam kung ito nga ba ay pag-ibig
3 taon ang aking nilaan upang ikaw ay aking malimutan
pero bakit ganon, mas higit at lalo pa kitang minahal
Ang problema ngayon, ito ay hindi mo alam
At sa turing mo sa akin ay parang inosente at musmos pa lang
Na akala mo ako’y nakikipaglaro lang
Inaamin ko namang lahat ng aking kamalian
Pati ang aking mga katarayan at sobra-sobra kong kakulitan
At dahil doon ikaw ay nagging ubod ng sungit at
Akala mo hindi ka na babait
Pinagsisisihan ko kung bakit ka nagkakaganyan
Na halos patayin ako sa lamig ng boses mo diyan sa iyong kinalalagayn
Pero eto ako hinihintay kita upang muling magbalik
Kahit alam kong sobrang hirap ay kakayanin kong tiisin
Kahit sabihin pa nila na ako’y isang tanga at martir
At gagawin kong lahat at kakayanin kong tiising huwag umimik
Kahit alam kong may iba kang minamahal at may mas higit
Sadya bang ganyan ako Katanga pagdating sa pag-ibig?!…
<<Back Home Literary Collections