
Ang mahiwagang mundo ng Avelzar (Valenzuela) ay binubuo ng apat na kontinente. Ang malawak at magubat ng lupain ng Galbota sa timog, ang madagat at mamahikang baybayin ng Wateru sa kanluran, ang mabundok at makwebang kontinente ng Char Pyres sa silangan na inuusbungan ng mga bulkan at iba pang anyong lupa na naglalabas ng init na nanggagaling sa pinaka looban ng Avelzar, at ang mapayapa at mapreskong tahimik na lugar ng Windrea sa hilaga na naghahawak sa daanan patungo sa iba pang realm sa iba pang dimension na isinara ng mga dating tagong order ng mga mahikero para mapigilan ang isang di tiyak ng pwersang pwedeng makahasik ng lagim sa Avelzar. Napagdidikit-dikit ang tatlong kontinente (Windrea, Wateru at Char Pyres) sa pamamagitan ng mga WAYPOINT na itinayo pa dati ng mga ANCIENTS. Kalat ang mga ito sa ibat ibang metropolyo sa tatlong kontinente, munit ang iba ay hindi ganoon kalayo ang mararating.
Magsisimula ang ating storya sa isang POGING binatilyo na si ZETARO, na lumaki bilang isang magnanakaw sa mga Public Market sa Wateru, kasama ang isang 50-50 kung papasa bilang assasin na si Aspollo, ang bigo sa pag-ibig na si Rachia at ang malokong di maintindihan na si Goyoy. Isang araw, nang naglalakad ang apat sa mataong kalye ng Wateru, nasilayan nila ang isang poster na nagpapahayag ng isang parada mula sa hari ng Windrea. (si Lazarus o maskilala bilang "MANI" dahil sa di kumpirmadong pangtri-trip ng iba dyan) Ang parada ay magsisimula sa muninsipal ng Avalon sa Windrea patungo sa metropolyo ng Census (sa Laruna) sa kontinente ng Wateru. Nainganyo ang apat na maki join at makigulo, baka nga naman maka-score sila este makakupit ng datong sa mga mayayamang dadalo sa parada, kaya naghintay sila at doon sila natulog sa rinerentahan nilang bahay o tinatawag na H.Q. dumating ang biyernes at magsisimula na dapat ng bandang 6:00 pm ng hapong madilim ang parada, 9:00am ginising nila goyoy at aspollo sina rachia at zetaro, magalit-galit na bumangon si rachia habang di naman umimik si zetaro. 12:00 na ng tumayo si zetaro, munit umalis sina aspollo... natulog uli si Zetaro. 3:00 na ng bumangon si Zetaro, sakto andoon ang tatlo, nag-ayos si zetaro at lumarga na sila para magabang sa Waypoint ng Wateru para masilayan ang parada. 6:00 na, nagdatingan ang mga sikat na banda, woohoo party na, sigawan ang lahat ng tao, dumaan ang karwahe ng grupo ng merfolk na banda na kilala bilang SALBAKUTAH!!! jamming lahat, make sum noise!!!, tuk sa long taym, batuhan ng mineral, patagong hipuan, itaas ang kamay!, sabay iwagayway! halos nakalimutan na nila Zetaro ang mga pangiiskore este pagnanakaw sa mga mayayaman, buti nalang may dalawang grupo sa malayo, na nagkainitan at nagriot, dumating si SPO4 guardmage super galon, dinisburse niya ang riot sa pamamagitan ng model 123T-WO-74/Hy Bronco, isang makapangyarihang artipak! na hinahanda ng imperyo ng wateru para sa mga sitwasyong kagaya noon. Ang bronco ay hindi laruan lamang, isa itong malakas na sandata na maaaring makagawa ng dimasisikmurang sakit ng katawan kung ito man ay mapunta sa MALING KAMAY.Tumuloy na ang tatlo at hinanap ang karwaheng sa palagay nilang may kayamanan, sakto, isang karwahe, walang bantay (naka park) kumikinang at parang may laman na kayamanan sa loob. Di napigilan ng apat at nilapitan nila ito, dahan-dahan binuksan nila ang pinto, ginulat sila ng isang tambak ng purong gintong...gintong gunting??? umangal ang tatlo, munit sadyang may kakaibang pagtingin si rachia sa mga gunting, tutal ginto na rin naman yon, call, hinakot nila ito munit nakita sila ni BUTCHER, ang kapitan ng mga Dark-ION mage ni MANI, nagtakbuhan ang apat, habulan sa kabuoan ng publicmarket ng Wateru, nagkanya kanya sila, munit isa isa rin silang ginamitan ng flash powder ng mga bantay. hinuli sila, binuhat sila ng mga gwardya at hinarap kay Butcher, may sinabing babala si butcher at iba pang bagay, di iyon masyado narinig ni Zetaro. maya maya ay ikinulong sila sa isang karwaheng parang selda na di ko maintindihan, doon nagsisihan ang apat. maya maya ay may narinig ang lahat na pagsabog, nagalisan ang mga bantay nila. sinindihan ni goyoy ang padlock ng gate gamit ang naipon nyang pulbura ng Flash powder. (maalala ko nga pala, ELLA yuong padlock na hinihangi ni sister, magdala ka raw, dalawa) Nakatakas ang apat, aalis na dapat sila munit di nila napigilang makigulo at usisain kung ano ba yuong pagsabog na narinig nila, naisip din nilang may mga gwardya doon, munit baka kasi salbakutah live nanaman yuon, tumuloy ang apat. Doon nagulat ang grupo, may isang pulang wyvern na umaatake, habang si MANI ay may hawak na scepter, at parang kinukuryente niya ang palaatakeng wyvern, walan naka aalan kung saan nang galing ang wyvern, munit may napansing mamang nakaitim si Aspollo, tinignan sya nito, tinuro nya kay goyoy, nagkatitigan si goyoy at ang misteryosong nilalang, lumampas ang labing isang segundo ng pagtitigan nila at napakurap si goyoy, nawala ang mama. Dumating si SPO4 guardmage super galon, hawak ang model 123T-WO-74/Hy Bronco, munit bago pa nya mahampas ito ay na hagip sya ng buntot ng wyvern, tumalsik ang bronco, at ang isang mamang parang nakaklown ang dumamapot nito, mayamaya ay nakaramdam ng pagyanig nang lupa ang apat, isang stampede ng mga Wumpus ng papalapit sa kanila, tumakbo ang apat, at nabalutan ng alikabok ang kalye, maya maya ay may nasilayan si Zetaro na parang isang Angel na may hawak-hawak na staff(di bronco) umilaw ang staff, munit napansin ni Zetaro na may papalapit pang stampede at sakto mahahagip ang misteryosong prinsesa, nilapitan ni Zetaro ang prinsesa, munit hindi ito umimik, lumapit din ang tatlo, munit di umiimik ang prinsesa, dumilat ang mga mata niya, at nakaramdam ng di maintindihang tapang si Zetaro, hinugot niya ang kahoy niyang ispada, tumindig nang pang depensa na parang magagawa nyang harangan ang paparating ng mga Wumpus, Kahibangan daw ang ginagawa niya, munit di talaga maintindihan ni Zetaro ang ginagawa niya, basta ang alam lang nya ay maprotektahan ang prinsesa. dumating ang stampede, nawala ang ilaw sa staff ng prinsesa, at sa isang kislap mata, naayos ang lahat na parang walang nangyari, nagpasalamat ang prinsesa, munit hinimatay ito bago pa maka pagsabi ng iba. Nakita ni Mani ang lahat, at inimbitahan sila nito sa pagpupulong. binigyan sila ng kwarto sa isang inn sa Census.
Bukas nang hapon sila inaasahang makadalo sa pagpupulong, kaya lumabas muna ang tatlo at naglibot-libot sila sa mga palengke at mga sing-along (may sing-along sa Avelzar, medyo lo tek nga lang) Kinabukasan ay araw na ng pagpupulong... sa totoo lang ay pagod na ako mag type, at medyo boring naman yuong pagpupulong kaya basta tapos na kunwari yuong pagapupulong, pinatawag sila sa kwarto ni mani, doon ineksplika ni lazarus kung gaano kahalaga si ________ ang prinsesa. Medyo mahaba to, dahil parang flashback yuong ikwekweto ko. Sa avelzar, namumuno ang labing dalawang elemento na nagkokontrol at nag babalanse ng mga pisikal na aspeto sa buong Avelzar. Ang mga elemento ay gumagamit ng mga dragon para makontrol ang mga klima, takbo ng dagat, at iba pa. sa bawat elemento ay may tagi-taisang dragon. si genova sa apoy, si cronus sa lupa, si remora sa tubig, si epsilon sa kuryente, si crizalon sa yebe, si mitora sa araw, si hidelon sa dilim, si exhora sa himpapawid, si aurora sa Dagat, si rhycera sa bato, si Zygot sa halaman at si Malory sa hangin. munit hindi lang iyon ang mga elemento, ang elemento nang kabutihan at kasamaan ay ang dalawang elementong nasa mga taga Avelzar ang pagbabalanse, munit yuong ang naging problema ng mga ancients. Ang Dragon ng kasamaan ang nakacorrupt ng pinuno ng isang kalat na organisasyon at dahil dito nagawang sirain ng elementong to ang kabuuan ng Avelzar. Nagkaroon ng rebelyon ang mga natirang mabubuting mamamayan ng Avelzar, at doon nahingan nila ng tulong ang labing dalawang dragon, ang labing dalawang pinaka magigiting na kampyon ng lahat ng imperyo ay naglakbay patungo sa templo ng mga elemento, doon kinausap nila ang mga ispirito ng mga elemento at pinahiram sa kanila ang mga dragon, nagawanilang itago o ikulong ang mga dragon sa pamamagitan ng kanilang mga dalalang mga armas at doon nagawa nilang manipulahin ang mga elemento at nakakuha ng mga kapangyarihan. Bumalik ang labing dalawang kabalyero, dala dala ang labing dalawang dragon sa kanilang mga ispada. isa sa mga magigiting na kabalyero ang nagawang maitago sa kanyang kanang kamay ang dragon ng hangin, at doon si AXELROD ay nagawang makahawak ng tuluyan sa elemento ng hangin. Hinarap nila ang madilim na imperyo ng dating pinuno na si Exceres, nagawa nilang malampasan ang mga pagsubok at mga patibong sa stronghold ni Exceres, hanggang narating nila ang tuktok, kung saan ang dating katawan ni Exceres ay nahaluan na ng maitim at masamang binhi ng dragon ng kasamaan, sinugod ng grupo ang dragon, Pinakawalan nila ang labing dalawang elemento, munit kahit anong gawin nila ay lalo lang nagkakabuhay ang kalaban, nakakukuha ng lakas si Exceres dahil sa mga galit na pinakakawalan ng mga mandirigma, sa huli nubos ang labing dalawa at natira nalang ang apat, si Gunnerson, si Tycoon, si Derjagger at si Axelrod, lumaban si Gunnerson munit masyadong malakas si Exceres at (medyo brutal na ang parteng to, kaya imaginin nyo nalang, basta masama ang nang yari.) Tumalsik ang ispada nyang nababalutan ng dugo. Halos di na nasikmura ni Tycoon ang pangyayari, sinisigaw na nang puso nya na tumakbo, munit bago pa sya maka galaw ay naunahan sya ng takot, dahil dito ay naramdaman sya ni Exceres at hinawakan sya sa kanan at kaliwang kamay at sabay ( censored ulit, pasensya na kung ganito ang nangyari ) namuo rin ang galit ni Derjagger, nasakanila na ang kapangyarihan, munit wala paring kwenta, bakit ba? sinunuod sya ni Exceres (brutal ulit na parte) natalansikan si Axelrod nang mga Dugo, paikot-ikot sa isipan nya ang mga huling salita ni Derjagger, bakit wala silang magawa? napantindig si Axelrod, lumingon si Exceres at naramdaman na ni Axelrod na sya na nga ang susunod, nakaramdam din sya ng takot, munit maya-maya ay may ilaw na tila parang isang patak ng tubig sa kweba ang dumapo sa noo nya, natahimik ang lahat at doon may isang ispirito syang nakausap. Pinaalam sa kanya na hindi matatalo ang kasamaan kung may bahid din ng kasamaan na dadaloy sa dugo ng nilalalang na binansagan tagapagtangol, inaamin ni Axelrod na di perpekto ang puso nya, munit, kahit papaano malamang sa susunod na generasyon ay uusbong ang nilalang na nagtataglay ng sapat na kabutihan, doon sinabi sa kanya na dapat nyang gawin ang dapat nyang gawin, kinapitan nya ng mahigpit ang daladalang Ispada, tumakbo papaharap, simigaw at sabot sila ni malory na nawala bigla, patungo sa ibang dimensyon, kasama si Exceres. Ang mga kaguluhang naganap noong parada sa may kalye ng wateru ay mga senyales daw ng muling pagbalik ni Exceres. Walang nakaaalam kung ano na ang nangyari kay exceres doon sa dimensiong pinagbaksakan nya, munit malamang daw ay unti-unting nakahahanap ng paraan si exceres para makabalik. dahil sa mga pangyayaring ito ay inamin na ni Mani na gugustuhin nyang magaral ang apat ng mga propesyong aangkop para sa paghahanda sa pagdating ni exceres. Nagulat din naman ang apat at parang nakaramdam ng matinding halaga para sa mundo, agad-agad namang pumayag ang tatlo, munit nagdalawang isip si aspollo, masaya kasing maging isang assasin munit alam nilang illegal ang operation ng mga Shadow Master Academy, na pinapasukan ni Aspollo. Tumangi si Aspollo, nagulat naman si mani, lumayo si aspollo at tinawag ang tatlo, sinabi nyang gusto nyang ipagpatuloy ang pagaaral ng assasin, nagkaintindihan ang apat at sinikreto kay mani ang mga balak ni aspollo. Nagpaalam na si aspollo para bumalik sa pyres(isang bayan sa Char pyres) gamit ang waypoint, nagtaka si mani, munit dinahilan nalang ni aspollo na...na... .... kunwari ay naiwan nyang bukas ang gripo. tumulow na si aspollo at pinagtakpan siya nila Zetaro, hinayaan nalang sya ni mani at doon tinanong kung ano ang mga propesyong balak kunin ng tatlo. Ginusto nila Zetaro at rachia na maging kabalyero, munit dahil taga windrea si Zetaro at taga Wateru si Rachia ay pagaaralin nalang si Rachia sa Wateru bilang Waveknight at si Zetaro naman sa Windrea bilang Skyknight, habang si goyoy naman ay nagdesisyong maging isang blue mage o isang mahikerong bihasa sa asul na mahika. natuwa ang tatlo, munit binalaan din sila ni mani na baka mahirapan sila, kailangang maging Skyknight at Waveknight 1st class ang rango nila Zetaro at Rachia sa loob lamang ng tatlong buwan habang kinakailangang ma master ni Goyoy ang pagsusummon at pag"cast" ng Kawnterspell sa loob din ng tatlong buwan. (parang C.O.C.C. ang training, medyo mas triple-triple-triple lang non.)Si Aspollo naman ay bumalik sa TAGONG HIDEOUT ng mga Shadow Master na matatagpuan sa kung-saan-man ng Pyres. nang narating nya ang hideout ay pinuntahan nya agad ang kanyang weirdong-mukang-manyakis-na-halatang-di-mapagkakatiwalaang-tutor na si... ... (Sino yuong kalaban sa Final fantasy 8?, Edea bayon? basta yuon kunwari) si Edea na kamuka nuong killer sa scary movie na lagin may hawak na handy phone, kutsilyo at yuong parang hook sa yelo na...basta yuon na yon. Sa dimalamang dahilan ay binigyan ni EDEA ng pagsusulit si aspollo, nakararamdam kasi ng pagtratraydor si edea, sa isang papel, kung masasagot daw ni aspollo yuong ay kikilalanin sya bilang isang ganap na assasin at ituturo sa kanya ang Pheonix strike (ang isang sikretong teknik ng mga assasin). natuwa si aspollo munit nakadama rin sya nangpagdududa sa kakaibang muka(maskara) ni edea na tila may matang malungkot at bibig na sumisigaw. Ang tanong sa pagsusulit ( test na pala bukas! 2/21/02) : "kung ikaw ay manloloko sa telepono, ano ang iyong itatanong, A. what is your favorite happy movie?, B. halos di kumain makausap lang sa phone, between u and me, until the break of dawn, no one else comes close pangako sa isat-isa pero napatunauyan mo ba ng balikan ka nya?, pinagtapat sa akin na syay mahal parin, anong magagawa ko kundi ikaw ay palayain, Halos isumpa sa sakit na naidulot pero bakit ang katulad nyay di parin malimot, nagmahal ako ng iba munit akoy bigo, sa pagibig ko sayo ako'y bilanggo, tumingin sa salamin naalala ang nakalipas masakit palang maging (what!?) panakip butas pero bago ang lahat ipag tatapat sayo, mahal kita sincerely your zetaro (S2PID!!!) o C. What is your Favorite SCARY MOVIE." nagisip isip si aspollo, di mapagkakailang mahirap ang tanong, para itong tanong sa 1 million sa GKNB? naisip-isip si aspollo, binasa nya muli ang katanungan at ang sagot sa letter B., habang binabasa nya ang letter B. ay parang nadama nyang pamilyar ang mga nakasulat dito, dahil nga naman mahaba, malamang ay ito na ang sagot. Sinagot ni aspollo ang letter B., tinitigan sya ni Edea at sinabing gina@$#% mo ba ko, nagulat si aspollo, nagkainitan ang dalawa at nag away, no match talaga si edea pero dahil ito ang nakasulat sa iskrip, natalo pa si aspollo at nakulong sa mga dungeon sa ilalim ng hideout. Munit di naman sya kinabahan dahil alam nyang hahanapin sya nang mga kaibigan kapag lumampas ang ilang oras, thats wat prends ar por ika nga ng kanta. Sa dakong kalayuan naman ay enjoy na enjoy ang tatlo sa mga pinagaaralan, nakahawak si zetaro ng isang mabigat na astiging buster sword na pang practice, nakilala naman ni Rachia si G-ann na nagaaral ng white magic sa katabing paaralan, habang si goyoy naman ay nagawang makapag cast ng isang wumpus nanagwala sa loob ng paaralan nila. nasuspended sya dahil doon ng ilang oras. napagisip-isip ni Aspollo na sadyang di mapagkakatiwalan ang kanyang mga kaibigan kaya tinext na nya si rachia para sigurado. natanggap naman ni rachia ang text, di na sana nya papansinin ang message, pero baka kasi si g-ann ang nagtext kaya binasa nya to. Sinabi nya agad ito kay goyoy na nasamalapit lang napaaralan munit kinailangan pa nilang sunduin si Zetaro sa kontinente ng windrea para i balita ang pangyayari, sinabi naman nila ito kay mani at ibinuwag ang sikretong hideout ng mga Shadow Master sa pyres. Pinatawag ni mani si butcher at pinaasikaso na ito sa kanya, nagdala naman ng limang Ion Mage si butcher para i raid ang nasabing hideout. nakarating na ang grupo sa Pyres at doon hinanap ang hide out, napakalaki ng pyres kung iisipin munit alam naman nila zetaro kung nasaan ang hideout...medyo nadeley nga lang dahil nakasalubong nila si KISS, ang tinaguriang HARI ng mga BALLS! (walang malisya dito) doon ay kumain muna sila, at nagparefill. umalis na ang grupo pagkatapos sa sapilitang pagaaya ni Butcher, hinanap na nila ang hideout, hanggang nadaanan na nila ang isang kweba, di sila ganoon nakasisiguro kung yuon nga ang hideout, munit na kumpirma din nila ito nang malampasan nila ang isang sign board na nagsasabing " Shadow Master Sikret hideout, observe silence". nilibot pa nila ang buong kweba at SANDALI!!! wala nga palang cellpon noon, kaya...burahin nalang natin yuong parte na maynagtetext, kunwari ay mental telepathy nalang yon. Nakita nila ang Dungeon, tila walang bantay, pinakawalan na nila si Aspollo, minura sila nito. nagkatitigan ang grupo...na mental block lang sila ng sandali...buti nalang ay nagsalita ang isa sa mga nakakulong, ang tanyag...medyo tanyag na pinuno ng mga Wraith Pirate eight (hi-tek sa pangalan!) na si SKULL, minura din nya ang grupo, doon naisipan narin nila butcher na hulihin ang iba pang preso dahil wala silang na raid, (nagaalisan na kasi yuong mga iba pang myembro ng shadow master sa di mamamang dahilan) munit ng buksan nila ang selda ni Skull ay binunot ni skull ang nakatagong SOUL blade, tinamaan ang isang ion mage at nahigupan ito ng enerhiya, nagpasabog si skull sa pader at nakatakas sa nabuong lagusan, hinabol sya nang apat pang ion mage, munit guton na kasi ulit ang lima (butcher, aspollo, Zetaro, rachia at goyoy) kaya binalikan nila si DAKILANG HARING KISS. Pagbalik nila sa Avalon ay nakausap uli nila si mani, at inalok na niya si aspollo kung ano ang balak nyang kunin, dahil gusto rin ni aspollo na maging kabalyero ay pinasok sya sa paaralan sa Char pyres para maging Blazeknight, doon ay kinuha nya ang kakaibang mastery ng Forsiks Blade (mga ispadang parang baril, gunblade sa ff8). Mula noon ay nagtraining uli ang apat, habang tumatagal ay pahirap ng pahirap ang mga pagsubok, pero oks lang kay Zetaro dahil madalas nyang nakikita si J dahil nasa kalapit na gusali lang sya ng parehong paaralan. Tinuturuan si J nang kanyang nanay na guro sa paaralan nila ng White magic.
Dumating ang pangatlong linggo nang pagtratraining at kinaka ilangang maipasa ni Zetaro ang isang pagsubok para mahirang na 1st class. Inutusan sya nang kanyang guro, si Excel, isang Wingcaptain, na bilang huling pagsusulit, kinakailangan nyang makakuha ng isa sa mga gintong balahibo nang tanyag na griffin na si Zuberi, ang pinakasigang griffin sa Raefon. Chicken feed, sabi ni Zetaro kahit griffin payan, dragon, Beedzey, eh kayang kaya nya. nagtungo na sya sa malayong lupain ng Raefon, sakay ng isang AEsthir(isang malaking ibon na parang katumbas nang kabayo sa mga skyknight) Nakita ni Zetaro na may iba pang Skyknight sa Raefon. Sa tuktok nang bundok tigres daw makikita si Zuberi, sabi nang isang Skyknight sa likod nya, lumingon sya at nagulat, isang mamang TABINGI ang LEEG ang nangamusta sa kanya, mabait naman ito ay kahit papaano ay naitutuwid nya rin ang leeg minsan, nagpakilala ito na si Aiyan CT at pareho din nilang kailangan nang gintong balahibo ni Zuberi, medyo may katagalan na si Aiyan sa tigres at makatutulong malamang kung magsasama sila, lalo na't may isang araw na lamang si Zetaro para matapos ang pagsusulit (parang hunter exam) munit di na inalok ni Zetaro si Aiyan, dahil kailangan din nyang mapatunayan sa sarili nyang kaya nyang ipasa iyon. lumarga na si Zetaro at nagpaalam, inakyat niya ang bundok, may mga nakasalubong din syang mga tigre (kaya nga Tigres) at mga Bengalaas (yuong nasa starcraft na parang panther na tigre na neutral units) may ilan syang nilabanan, munit mabuti naman ay sumusuko sa pagatake ang mga ito kapag na susugatan, medyo natagalan sya, pero narating din nya ang tuktok, doon marami syang nakitang mga griffin na lumilipad, pinili nyang magkubli muna para di na mapasabak, masyado marami ang mga griffin at siguradong makukuyog lang sya, naglakad-lakad sya at nakita ang pinaka lair nang mga griffin. sigurado na syang nandito si Zuberi. Dahan-dahan syang naglakad munit nakabanga nya rin ang isang griffin, binunot uli ang spada at tsaka umatake, malakas din ang mga griffin at mabilis kumilos munit no match parin ang mga ito. Medyo nasugatan ng malala ang griffin, pero sinigurado ni zetaro na di ito mamamatay, munit nang aalis na sya ay umiyak yung griffin, tinatawag nito ang iba pa nyang kasama, walang nagawa si Zetaro kundi mag handa, dumating ang lima pang griffin, at salikod nitoy may pito-walo pang iba, sumugod ang unang lima, at nilabanan sila ni Zetaro, nahirapan din siya dahil sinusubukan nyang hindi mapuruhan ang mga ito, munit natuka rin sya sa kaliwang braso, nilabas nya ang kanyang kalasag, at naghanda uli, munit may umungol na sa loob nang lair, natigil ang ibang griffin, nagliparan ang iba, maya maya ay may narinig nanaman si Zetaro na parang tahol, nagtaka rin siya dahil ang mga griffin ay may tuka ay maaari lamang tumili. Dahil nagalisan na ang mga griffin ay pinasok na ni Zetaro ang lair, medyo kinabahan din sya dahil di nya alam kung ano ang naghihintay sa kanya, munit wala na nga naman syang ibang mapagpipilian. sa loob may nakita syang mga buto, munit halata namang sa mga tigre lang ito, naglakad-lakad pa sya, hanggang narating nya ang isang madilim na bangil. Sa di kalayuan ay may napuna syang isang bagay na kumislap, tinignan nya itong mabuti, di nya agad namukaan kung ano ito, munit maya-maya ay pumasok na sa isip nya kung ano, isang kalansay nang taong nakasuot nang Skyknight armor, kinabahan agad si Zetaro, di nya akalaing may namamatay pala sa huling pagsusulit, habang nagiisip sya ay unti-unti dumidilim ang lagusan sa likod nyang pinasukan kanina, nakaramdam sya nang matinding init sa likod nya na para bang may isang malaking griffin na handang kumain sa kanya bilang hapunan, napalingon sya, at meron ngang isang malaking griffin na handang kumain sa kanya bilang hapunan, lumayo agad si Zetaro, kakaiba ang griffin na iyon, sadyang pambihira ang laki nito at may ulo pa itong pang leon, parang leon na may pakpak! lumayo pa si Zetaro at tuluyan pa syang sinugod, napansin nyang makokorner lang sya sa bangil kung aatras pa sya, binuklat nya agad ang kalasag ay sumugod papaharap, nagulat at napalayo ang griffin nang sandali, sapat na oras at distansya para maka labas si Zetaro sa lagusan, tumakbo si Zetaro papalayo sa lair, hinabol sya nang griffin, medyo nakalayo na si Zetaro, munit dahil sa sobrang bilis at sa kakayahan nitong lumipad, hindi lamang sya naabutan nang griffin, kundi nalampasan pa sya nito, nagtaka si Zetaro, 1, 2 ,3, NYEH!!! natawa si Zetaro, munit maya-maya ay napansin nyang nagmaneobra ang griffin, nagulat sya, dahil sa sinag ng araw ay kumislap yuong pakpak nang Griffin, ginto ang mga balahibo nito, bale Griffin+matatagpuan sa lair+gintong pakpak = ZUBERI!!! naghanda agad si Zetaro, kailangan nyang mapatumba ito, yon lang ang paraan para makakuha sya nang gintong balahibo, Ang tinuro sa kanila, ang Blade Gust teknik, na sa kapangyarihan nang ispada at tamang pagbayo nito paitaas, makagagawa sya nang isang malakas na hagip nang hangin, na suguradong makakapagpatumba kay Zuberi, Hinanda nya ang ispada, nagisip sya nang tuwid, lumabas ang marka nang kapangyarihan sa dulo ng hawakan ng 2ndclass service blade nya, lalo pangbinilisan ni Zuberi ang lipad na para bang tinatangap nya ang hamon ni Zetaro, nagasul ang mata ni Zuberi at umilaw ang mga pakpak nya, nagulat din si Zetaro munit wala naman syang magagawa kundi sumugod lang gamit ang teknik, nang nagkalapitan na ay binuhos ni Zetaro lahat nang lakas nya para sa isang hiwa papaitaas, nagulat si Zuberi dahil wala pa sya sa distansya, munit pinagbayaran din nya iyon nang mahagip na sya nang gumugulantang GUST mula sa atake ni Zetaro, sa sobrang lakas ay napatalsik pa si Zuberi patalikod, parang yuong pagpapalapit sayo yuong kalaban sa kawnter tapos binaril mo nang artik, di ba minsan tumatalsik yuong kalaban, yon parang ganoon. Nalaglag si Zuberi sa may di kalayuan, hinanap ni Zetaro kung saan, baka kasi napuruhan ang griffin, nakita nyang nakahiga sa lupa at parang nahihirapang huminga, sinubukan nyang tumulong, munit bigla nalang nagsalita ang griffin, nagulat si Zetaro, sinabi sa kanya na karapat-dapat nga syang makakuha nang Gintong pakpak, may mga iba nadaw na nakakuha nang balahibo ni Zuberi, pero ni minsan ay wala pang nakakukuha nang gintong balahibo, maya-maya ay inutusan syang kumuha nang isa, pumitas si Zetaro at nagpasalamat, nagpaalam na si Zuberi, Oras na daw nya, nagulat si Zetaro at itinanong kung papaano na yuong mga griffin sa taas, ayos lang daw, dahil may dalawa pa naman daw na anak si Zuberi, nagpaalam na sila sa isat-isa, namatay si Zuberi, at nawala na ang kinang sa kanyang mga pakpak. Binalikan na ni Zetaro ang kanyang sinakyang AEsthir at bumalik sa Avalon, pinakita nya kay Excel ang gintong pakpak, nagulat si Excel, miski sya ay hindi pa nakaririnig ng may nagbalik sa kanila nang gintong balahibo, dinala nila ito sa isang Wingmage, nag"cast" ito nang spell at inilipat sa isang maliit na orb ang kapangyarihan nang balahibo, ipinorge (forge) naman nila ang orb sa isang sing sing(parang lord-o-rings na hindi) pinakita nila iyon kay Lazarus, at doon Kinoronahan na si Zetaro Bilang isang Skyknight, 1st class, binigay sa kanya ang singsing, sinuot nya ito at nilapitan sya nang wingmage, itinuro sa kanya ang mga simple paraan kung papaano gamitin ang singsing, gaya nang DATI nyang Service blade, nakokontrol ang singsing sa pamamagitan ng sariling pagiisip at kagustuhan. Inutusan syang palabasin ang pakpak nya (ang mga skyknight ay may pakpak, sa pamamagitan nang kapangyarihan na galing sa pakpak ni Zuberi, nagagawa nang isang skyknight na makasummon nang sarilang pakpak) nagulat ang lahat, ginto ang dulo nang mga pakpak ni Zetaro, natuwa si Zetaro at si Lazarus, at pinagpraktis sya sa labas nang kastilyo, nagpaalam lang nang sandali si Zetaro para Bisitahin ang mga kaibigan. Nangpuntahan nya si Rachia ay di pa daw ito tapos, oks lang dahil palipad lipad nalang ngayon si Zetaro, Hinanap nya sa baybayin ng Laruna si Rachia, nabangit kasi nito dati na dito sila nagtre-treyning pero di rin alam ni Zetaro kung bakit. Nang nakarating sya (medyo pagod) ay nakita nyang may mga taong nakasakay sa parang surf board, doon nakita nya si Rachia na nakasakay sa isang malaking surfboard na kalasag, bilib si Zetaro pero wala parin yon sa pak pak nya. Nag-usap sila at nabangit ni Rachia si G-ann, na hulog daw ang loob nya dito, pero napaka tsope naman nya. Sunod nilang hinanap si goy na nasa Aquaron, medyo naligaw sila galing sa waypoint, wala kasing BurgerMachine. Pero nahanap din nila ang paaralan (pagkatapos nilang maglakad mula kina olops hanggang san simon pabalik sa pelo 2 para makita si suma)Masaya uli si Goyoy nang nakita nila(lagi naman) Isa na syang Blue mage o blue magic user pero hindi pa sya ganap na wizard, dahil ang mga wizard ay kinakailangang makakuha ng kahit konting expirience sa ibat-ibat mahika. I-e-explain nga daw pala ni Goyoy ang mga tungkol sa Ibat-ibang uri ng magic. Click nyo nalang sa baba yuong tungkol sa mga ibat-ibang kulay nang magic (wala pa , next taym ko nalang gagawin, palabas sana yan eh) o punta na kayo agad sa PAGE 2, page 2 na yehey!
Page 2, click here
Mga Kulay nang mahika, click here! (wala pang laman)