Okey, tuloy ang storya!.
Pinuntahan naman nila si Aspollo sa malayong lupain ng pyres, Doon hinanap nila ang paaralan, naligaw uli sila, pero di ganoon kalayo nang kanina. Nakita nila si Aspollo na may hawak-hawak na kakaibang ispada, tinanong nila kung ano to, at sinabi naman ni aspollo na ito daw ay ang Forsiks (B, 4-6) na parang arctic na ispada, pinaglaruan ito nang grupo, bali sinabi rin ni Aspollo na hindi sya nagaral ng pagiging kabalyero, kundi isang SPECIAL forces kung baga na assassin. Hindi daw kasi kasya yuong tatlong buwan nya (buwan ba yon o linggo?) para maging 1st class na blazeknight at pinagaralan pa daw nya yuong Pheonix-strike charges na pwede nyang gamitin sa ispada nya bali 1st class din sya, di ngalang knight kundi parang special na assassin. Nagagawa rin nyang tumagal sa init ng apoy, parte daw yon ng training ng blazeknight. Oks na sila kaya pinuntahan na nila si mani. Gamit ang waypoint, nakabalik na sila sa Avalon at nagpunta sa kastilyo. Nakita nila si mani na nanananching sa mga babae, Natigil si mani. Kinongratulate naman sila ni mani. Doon sinamahan na sila ni mani patungo sa nakatatakot at nakakapangilabot na lupain ng Zhalfir, Bali waypoint muna sila sa Arbalest. habang napadaan sila sa arbalest, gamit ang isang airship, naitanong ni Zetaro kung ano meyroon doon, sinabi naman ni mani na sikat ang arbalest sa mga long range na produkto at paaralan nang mga archer, medyo nainganyo rin si Zetaro sa mga pana. Nang narating nila ang Zhalfir ay pinakita muna ni mani ang kakaibang baybaying nang lupang ito, nakita nila na sa gilid nang Zhalfir ay puro ispasyo lang, walang disyerto, walang dagat kundi tahimik lang na kawalang laman. kaya kinilabutan ang grupo, ano nga naman ang mangyayari kung mahuhulog ka doon. Natahimik ang grupo. Kiniwento na ngayon ni mani ang tungkol sa AERO SEAL na matatagpuan sa isang shrine sa Zhalfir, nang marating nila ang shrine ay binalaan sila ni mani na ang shrine daw na iyon ay ginawa pa noon nang kungsinoman at siguradong tadtad nang patibong, kinakailangan daw nila (kasama si mani) na magtulungan para makatawid ng buhay. Binuksan na nang Gwardya ang gate(si Jocson), at pinasok ana nila Zetaro ang shrine. Medyo madilim sa unang kwarto pero may mga torch naman sa loob. tinuloy-tuloy nila yuong kwarto na parang tunnel, nakapansin sila na parang di natatapos ang nilalakad nila, medyo weirdo. maya maya ay namatay lahat nang torch nang sabay sabay. Nabalutan ang tunnel nang matinding kadiliman at katahimikan, kahit pa paano ay nagkakakitaan naman sila. Tinuro ni Aspollo na para daw may mamang nakatingin sa kanila na nakasabit doon sa may bubong, kinilabutan ang grupo, pati na rin si Aspollo, binatukan sya ni Rachia, niliyaban nya ito pabalik(gamit ang 4-6). dahil sa apoy na galing sa pinaka bibig ng 4-6, nagawa nilang tawirin ang napakadilim na lugar na yon. napadpad naman sila sa isang kwarto na may mababaw na tubig, maya-maya ay bumula ang tubig, at naglabasan ang mga...PALAKA? hindi MALALAKING PALAKA NA MAY MGA PANGIL parang yuong serious sam, sa di malamang dahilan ay may nakita silang limang gatling gun sa may sahig, nagisip ang grupo, medyo natagalan, sandali lang.(nagiisip parin sila)nang kinagat si goyoy nang palaka, nasaktan sya (obvious ba?) pinulot nila ang mga gatling gun at rumatrat nang parang wala nang bukas. naubos ang mga palaka, tumakbo papalabas nang kwarto ang lima, paglabas nila ay napadpad sila sa isang parang malawak na Disyerto, walang katao-tao, nagtaka ang grupo, maya-maya ay naglabasan naman ang mga halimaw-na-walang-ulo-na-may-hawak-na-bomba o mas kilala bilang... HEADLESS KAMIKAZE riot nanaman ang grupo, ratrat dito ratrat doon, naglabasan din ang mga halimaw na... basta parang alien na malikse, tawagin nalang natin si lang MASSACRE ratrat uli, may mga Wumpus, Scorpionknights, Malalaking gagamba, malalaking Robot, pero no match lahat yon sa mga gatling gun nila. nakaalis na sila sa mga kwarto hanggang narating nila si bossing. May hawak itong missle launcher at laser sa dalawang kanan nitong kamay, at bumubuga nang fireball, rinatrat ito nang grupo, pero wa epek ang gatling, napansin nila na may parang spaceship...spaceship?!!? sa ibabaw, at may pindutan sa apat na sulok nang kwarto, pinindot nilang apat ang button, maya-maya ay tumira ng napakalakas na lazer ang spaceship sa ibabaw, nagualat ang grupo, napagisip-isip nilang siguradong todas ang bossing pagtinamaan sya noong lazer, sakto, lima sila, apat ang pipindot ng button at isa ang pa-in para tamaan si bossing(malikot kasi sya) dahil napagtripan nila, si rachia ang naging pain tutal bigo naman sya sa pagibig, umangal si rachia, pero hinabol na kasi sya kaya napatakbo nalang sya, tinapat nya sa gitna si bossing, pinindot ang mga button, Tapos si bossing. natahimik ang grupo. May pintong bumukas sa isang sulok, pinasok nila ito at doon nakita nila ang pinakapindutan nang shrine, parang yuong sa 5th element pero isa lang. Inaral nila yuong parang shrine sa gitna, wala itong pindutan, tinamad ang grupo at nagober-night sila sa shrine, nabwisit si bruce willis kaya lumapit sya at hinipan yuong tuktuk nuong shrine, May fireworks at isang recorded na boses ang nagsabi na bukas na ang aero seal, nagulat ang grupo ah! ganoon pala iyon! minura sila ni bruce willis sabay umalis, natapos na nila ang Aero seal! natuwa ang grupo, at napansin nilang may back entrance ang shrine, at napansin nilang pwede palang doon nalang sila dumaan noung una pa, pero masaya naman, nakahawak sila nang gatling gun, pahinga ang grupo, hinanap nila si Haring Kiss.Pagkatos noon ay hinanap na nila young airship nila para makabalik sa Avalon. Sa avalon, pinagusapan ng grupo na pumunta sa Laruna para itanong kay haring AElstorm ang tunkol sa Aqua shrine, narinig sila ni _______ na bumisita at nagatanong kung pwede syang sumama, Di sumang ayon si mani, pero nagpumilit si ______, kinumbinsi naman ni Zetaro si mani at nangakong babantayan nya si _______. Pumayag si mani pero pinatawag nya si butcher para sumama. Tuloy ang lakad, linapitan ni Zetaro si _______ at tinanong ang dahilan kung bakit gusto nyang sumama, sinabi naman ni ________ na gusto raw nya kasing makalakbay, medyo nababato na kasi sya sa kastilyo, alam nyang mababaliwala daw ang lahat kung malalagay sa peligro ang buhay nya, pero pabiro nyang sinabi na nandoon naman daw silang...anim-lima para protektahan sya. Umo-o si Zetaro at natuwa, para nasyang nasa langit noong mga kapanahunan noong paguusap nila. Pinagpahinga naman sila ni mani at bukas na daw tutuloy. Kinabukasan ay Nagkita-kita ang grupo sa kastilyo nang Avalon. May mga bitbit na gamit si mani, nakahanda daw sya dahil baka tumagal ang lakad, baka daw ikitin pa nila ang buong Wateru para lang sa Shrine, wala kasi daw nakaaalam kung saan ito nabaon, nabalita daw na kasama sa paglubog nang ATLANTIS ang shrine, baka kailanganin pa nilang sisirin ang nasabing lugar. May mga dala namang kakaibang armas ang alalay ni mani, tinawag nya si Zetaro, At iniabot ang kakaibang medyo may kalawang na Ispada na hi-tek ang dating(i dra-drawing ko minsan) Yuon daw ay isa sa pinaka tatagong kayamanan ni mani na pinasa-pasa pa mula noon namatay si Axelrod. Inaral ito ni Zetaro, lapitan ang grupo, maganda nga, medyo kalawangin lang at parang di na magagamit, napansin din nyang may parang nakaukit na tatak ng dragon sa may blade nito, di rin sya makapaniwala na umabot pa sa kanya ang ganito kalumang ispada, na gamit pa ni Axelrod, Natuwa si Zetaro at nagpasalamat, pero siningil sya ni mani dahil worth 100,000gil daw iyon sa labas, nagulat si Zetaro, di nya kayang bayaran yoon, kaya pahihiramin nalang daw sa kanya yoon, magagamit daw nila kase, di nga lang alam ni Zetaro kung paano at bakit. sakay nang dalawang malaking pangmayaman na F-150 este magarbong karwahe, tumungo sila sa kastilyo sa Laruna, nakausap ni mani si AElstorm, pinakilala din ni AElstorm si Trigger, ang kanyang parang pinagkakatiwalaan na alalay. Tinanong ni mani ang tungkol sa Aqua shrine munit di rin naman alam ni AElstorm ang lokasyon, ayon daw sa alamat na lumubog ito kasama nang ATLANTIS, pero di na daw naniniwala si AElstorm doon, medyo parang nainsulto si mani, napagusapan na ng mga pinuno ng mga bayan na kinakailangan nga ihanda ang buong Avelzar para sa di tiyak na pagdating ni Exceres, Natawa si AElstorm, pero nagpaumanhin din, tinuro nya ang bayan ng Elderoth, na pinamamahayan ng mga Scholar sa mga pagaaral sa wateru, kumalma naman si mani at nagpasalamat, pero binalaan din nya si AElstorm na medyo siryosohin ang mga kaganapan, ang mga kakaibang halimaw na umatake noon, pati na sa parada, ay mga senyales daw na may papalapit na "KAPAHAMAKAN" (nice! isa pa!) "KAPAHAMAKAN" na gugulanta sa Avelzar, nagpaumanhin uli si AElstorm at inalok ang tulong ni Trigger, kabisado daw ni Trigger ang Wateru (medyo) at siguradong makatutulong sya sa pagaangkat ng supplies na gagamitin nila sa byahe, ineksplika ni Trigger ang mga nagagawa nya at pumayag naman si mani. Umalis na sila sa kastilyo at pumunta sa Wateru port para makahanap nang Masasakyan. Sa port ay may ibat-ibang mga barko ang nasilayan nila, balak nilang rumenta nang isang pang private. nagtingin-tingin ang grupo hanggang nasilayan nila ang isang kakaibang Skyship. (ang airship ay medyo limitado ang natatahak at mas "Fragile" lalo na sa mga paibat-ibang kundisyon ng Wateru Ang Skyship naman ay kasing tatag nang bato, matibay, mabilis at may mga private karaoke rooms.) Hinanap ni Trigger ang Kapitan nang Barko, at isang mamang nakasakay sa taas ang nagsabi "ako ba ang hinahanap nyo?" gamit nang isang Pulley na lubid ay bumaba sya mula sa taas, ganda ng entrance, idol, at nagpakilala, "ako, opo, ako, Si ARCHIMEDEOUS, ang kapitan nang SKYSHIP DRAGONWING, lakas nang dating! (yan ah roston, sorry na kung binugbog kanila, medyo naki bulyaw din ako, inaamin ko pero sorry talaga, diba ganoon naman pag nangtri-trip, ikaw din naman may ginawang kasalanan samin, hinubaran mo ko sa harap nila______ pero okey lang yon, kasi biruan lang, siguro medyo napuruhan ka nga nila eric, pero alam ko at alam mo rin naman na kasiyahan lang sana yon, wag kana magtanim ng rice este galit, lahat naman tayo napasaan, ako rin, di ngalang ganoon kalala, kaya sorry talaga, di mo naman kailangang ipitin sila eric, pare-pareho lang naman tayong magkakabarkada.) Enywayz (naiyak ako doon) Pinakilala na ni Arch ang mga krewcut na crew nya, si Emaron (ala ko isip pangalan eh) ang nabigator ng barko, sya ang...basta yuong nakakaalam ng mga mapa, daan at iba pa. si Lugia, isang matematikong na luge, ang tanging nakaiintindi ng mga makinarya ng skyship na inasemble pa na di-kilalang PROPESORA. si Asero, ang headshot na gunner nang apat na mana cannon ng skyship, pagwalang bakbakan, ay taga asikaso sya ng mga bagahe, at tagafishing ng ulam(ha ha). Si Giant, ang astiging callboy este bellboy este basta yuong tumutulong, tagabuhat, ayos, karga, at mga iba pang gawain sa barko na ginagamitan nang matinding "PWERSA". Binangit ni mani na patungo sila sa Elderoth, Natuwa si Arch dahil may ilan daw syang pasahero na patungo rin sa Elderoth, nagulat si mani, ineksplayn nya na balak nilang Tumungo na sila-sila lang, at handa silang magbayad nang kahit anong presyo. Umangal si Arch at pinaliwanag na kinakailangan na marami daw ang pasahero, dahil li-lima lang ang krew, lahat daw nang pasahero ay dapat magtrabaho, pero kapalit naman daw nito ay mababang presyo. Umangal si mani, binangit ni arch na yuon lang daw ang skyship sa buong port, di sya pinansin, sumunod na ag grupo kay mani, munit bago sila makalayo ay binanggit ni arch ang tungkol sa libreng "TIKOY" na may asukal, nagbalikan ang grupo, pati si mani, tinanong nya ang presyo...30gil per head, kahit saan na sila pumunta ay pwede, Call! ayos na ang grupo at nagkarga ng mga bagahe, umalis na si Trigger para mamili ng supplies, aalis ang skyship pagkatapos nang apat na oras, tambay muna ang grupo. Maya maya (pagkatapos ng ilang araw, kompletuhan kasi nang requirements) ay Dumating na si Trigger na may mga dalang "supplies" kasama dito ay mga delatang tuna, just add hot water na mami, just add cold water na de timplang nestea, mga di lutong burger patties, mga frozen fish balls, squid balls at french fries, ilang sako nang bigas, mga itlog, carrot at napakarami pang iba na kung tutuusin ay wala pa noon pero dinagdag ko na dahil di magiging masaya kung wala ang mga ito. Tawagan na ang grupo, sayang lalapitan na sana uli ni Zetaro si ________, wrong timing. Sa loob nang barko, pinakilala ni Arch ang mga iba pang grupo na makakasama nina mani patungo sa elderoth. Ang tumatayong pinuno o parang guro nang mga makakasama nilang "Adept" ay si....(wala ko maisip na pangalan) na mas kilala sa tawag na GOV. Si Mayka naman, ang isa sa mga nagaaral na adept ay lumaki na daw sa elderoth munit pumunta nang laruna dahil masmapapalakas daw nya ang kapangyarihan nyang taglay doon. Iba pa sa mga adept ay sina (ang dami) Aluma(mau), Coco(as coco), Si Ginara(karen), Cellah(clarissa, para kay brofas), ang masayahing si Legeya(joie), (next time ko nalang bibigyan ng pangalan yuong iba) neri, bebang, teng, insan, hessel, jeffspike, at si Donna. Ipinaliwanag ni Arch ang mga trabaho nang isat-isa sa loob nang barko, munit binara sya ni gov at sinabing hindi dapat magtrabaho ang mga babae, Di nakapagsalita si arch, di rin nakapagsalita si mani, tinangap na ni Zetaro na sila nang mga lalaki ang magtratrabaho, malas. okey, ang lahat ay lalaban kapag may dumating na panganib, lahat ng lalaki ay maglilinis ng buong barko bawat linggo, si Lugia na ang bahala sa mga makina, habang sina Aspollo, Asero, Rachia at kung sino pa daw ang gusto ay manghuhuli ng isda. si Arch at si Emaron na ang bahala sa mga ruta, pero nagalay ng tulong si trigger. Lahat nang mga lalaki ay magkakaroon ng "Shift" sa pagbabantay at hindi pwedeng walang matitirang gising pagbantay sa gabi. Dahil may pakpak si Zetaro, naging utusan sya nang mga bagay na nalalaglag sa barko, malas. Yuon lang daw ang mga Major na kailangan gawin, pero tutulong din ang lahat pagdating sa pagbubuhat, tali nang lubid, pagooperate ng layag at iba pa. okey na ang grupo, nagsimula na si Arch at pinaoperate na kay Lugia ang pinaka mana engine, ipinaliwanag ni arch na sa pamamagitan nang mana ay nagagawang lumutang at umandar ng Dragonwing, pinuntahan na ni Arch ang pinaka control room at doon, binuklat nya ang kakaibang layag, dahan dahang namuo ang asul na mana sa bubungan ng skyship, natakapan ang taas nang skyship ng asul na layag, gamit daw nang parang kuryente na imbento ko lang dahil di ko maekpleyn, na hahawakan daw ng Skyship ang kumot ng asul na mana at ginagamit ito para maitulak nang hangin ang skyship, na bilib ang lahat, natuwa si arch, at unti-unting umandar ang skyship, nagpaalam na si Arch sa iba pang mga kapitan na naghihintay sa Wateru port, isa dito si Herartse na kaibigan nya at kapitan nang isa sa barko sa port. Nakita sya ni Gob, medyo type ni gob. Nakalayo na ang Skyship, May pinindot si arch at umandar ang mini kompenent nya na naka-surround sound pa sa buong skyship. Jamming ang lahat.
Nagkwentuhan sina Zetaro, Aspollo, Rachia at goyoy habang nililibot ang buong Skyship, hinanap nila ang tulugan at nakita ang 15 double deck na kama sa isang kwarto, habang may lima naman double deck doon sa kabilang kwarto. Nakasalubong nila ang iba pang pasahero at sinabi ni gob na lahat nang babae ay doon sa isang kwarto matutulog, habang lahat nang lalake ay doon sa kabila na may lima lang na double deck, di nakareklamo ang apat, may matutulog sa sahig. Naging masaya ang buong samahan sa skyhsip, lahat ay madaling naging magkakaibigan, malake ang skyship at ang parang tore nito na kontrol room nuong layag ay sadyang napaka romantikong lugar para sa mga...magjowa. Nakilala ni Goyoy si Aluma, pero di nya sya magawang ligawan. Lumipas ang ilang araw. Ang sarap sa barko, mahangin, presko at may sounds. puro pagrerelaks ang ginawa nila Mani. Tuksuan, Biruan, harutan at takbuhan (parang mga bata) ang ginawa nang lahat. Ilang araw pa ang nakalipas ay Umabot na ang linggo, Shipwash day, di magawang bumangon ni Zetaro sa sahig na naging parang water bed na dahil sa sobrang puyat. Ginising sya ni arch, pero nagtulugtulugan lang kasama si Rachia, sa sahig, unti-unting naramdaman ni Zetaro ang dagundong nang papalapit na si Giant, Di pinansin ito ni Zetaro, maya maya ay binuhat sila ni Giant, natauhan si Zetaro, Dinala sila sa Taas at binigyan ng iskoba. Buong araw silang lahat(mga lalaki) naglinis. noong gabing yuon ay naglaro nang baraha ang lahat, Nagsimula si Butcher at si Giant. bumaba si Zetaro sa ilalim dahil may kukunin lang daw sya, nakita nya si Insan at nagamusta, kinausap nya si Insan at tinanong kung saang bayan sya nangaling, taga Avalon din daw sagot ni Insan, natuloy ang usapan at nalaman ni Zetaro na PINSAN nya pala si insan(kaya nga insan) munit wala kasing pake si Zetaro noon sa pamilya nya dahil iba ang pinaniniwalaan nya kumpara sa pinaglalaban ng tatay nya. Isang gabi ay Ginising ni Goyoy na nagbabantay sina Zetaro, Apollo at nasama rin si asero na gising pa. sa taas pinakita nila Rachia ang Isang Blue Dragon na lumilipad sa dikalayuan, nabighani ang apat, sinabi ni Asero na normal daw ang mga dragon sa dagat, ikinwento nya na noong beses ay inatake nang isang naligaw na red dragon ang Skyship. nagkwentuhan ang lima, Kiniwento pa ni Asero ang ilan pang mga halimaw na matatagpuan sa ilalim, Kiniwento rin ni Aspollo ang mga kakaibang mga bulkan sa Char pyres at ang nang yari sa kanilang apat. Nakatulog ang lima sa ilalim nang mga bitwin. Isang beses ay nagkainitan naman si Mani at si Arch, Nagsuntukan ang dalawa, dahil walang magawa ang iba ay nakisali na sila sa gulo, riot, pati si Goyoy at si Giant ay naghampasan, nagalit ang mga babae at pinagalitan na parang bata ang mga lalake. natulog nang araw na iyon ang lahat na may pasa. lumipas nanaman ang mga araw at dumating ang Linggo, badtrip na naman sina Zetaro, Shipwash day nanaman. nagtulugtulugan muli si Zetaro, pero napabangon na sya nang narinig nya ang mga yagapak ni giant, kalagit naan nang paglilinis, napasok sa maulap na dako ng dagat ang Skyship, kinabahan si Arch, tumigil ang lahat para magpahinga, munit pinahanda ni arch kay Asero ang mga mana cannon, sumama si Aspollo, nagulat ang grupo at nakiramdam, naghanda sina Zetaro, pinagkast ni Arch si Goyoy nang isang spell at nawala ang fog, unti-unting namukaan ni mani ang dalawang barko sa ilalaim, tinignan ni arch, tama ang hinala nya, mga pirata! Habang tago pa sa fog ang Skyship, inutos nya kay Emaron na dahan dahang paliparin ang skyship para makalampas nang hindi nadiditek, pinataas pa nya ang skyship, maya maya ay di na nila nasisilayan ang barko nang kalaban, nakawala na sila sa fog, munit nang akala ni arch na tapos na, sa likod nila ay may parang tumalon na barko, bumuka ang napakalaking mekanismo nang pakpak at dahan dahan naglide pababa ang barko, Tinira nila Asero ang kalaban, maya maya ay tumalon nanaman ang barko, bumuka ang pakpak at may dalawang pangkawit na tinira ang kalaban, dahan dahang nagglide pababa ang barko, dahil nakawit ang bumper ng Skyship, sumama ito pababa, nahirapan ang mana engine, pero bago pa ito maginit ay hininaan na ni Lugia ang pwersa nang paglipad, maya maya ay may parang hagdan na kumawit sa tagiliran nang skyship, lumabas ang ilan sa mga pirata, at naglaban laban muli, may mga pitong piratang nakatungtong sa Skyship, Lumaban sina Giant, maya maya ay pinatamaan ni Aspollo nang mana cannon ang hagdanan, naputol ang lubid, pinaputukan pa ni asero ang mga pangkawit, nakawala ang skyship, Binerst na ni Lugia ang Engine, pero maya maya uli ay nakawit uli sila nang mga pirata, nabwisit ang grupo, at sumugod sina arch gamit ang libid na hagdan patungo sa barko nang pirata, sumunod sina Zetaro, nakalaban nila sa barko nang pirata ang halos labing dalawang crew nito, nagpakawala si goyoy nang Shock wave at tumumba ang lahat, tuloy ang laban, Binabato ni Giant ang mga pirata sa gilid, Pinasok naman nila Butcher at Arch ang isa sa Kwarto, Nalapitan si Goyoy nang isang pirata, Niliyaban nya ito, munit nasanggi ito at nang tatagain na sya at nabalutan nang Vine ang Pirata, tinulungan sya ni Emaron na may konting nalalaman sa green magic o Druid kung tawagin, tuloy ang laban, bayo rito, bayo doon si Zetaro, napatumba nila ang mga Crew, Naabot nila Arch at Butcher ang kontrol deck at ang hinanap ang kapitan, dumating si mani, maya maya ay tumayo si MAFIA, isang malaking mama at nagsabing sya ang kapitan, binayo nya ang tatlo, talsik sina arch, Kinoryente ni Mani si Mafia, nakailag ito at tinamaan ang isa sa makina, maya maya, sa bintana, nakita ni Arch ang isa pang malaking barko, tumolon sa bintana si Mafia, lumabas na ang tatlo at nakita ang iba pang grupo, halos tumba na ang mga kalaban, maya maya nakalapit na ang malaking barko nang pirata, Tinawag sila ni Trigger at nilapit ni Gob ang Skyship, binitiwan ni trigger ang lubid na hagdan at umakyat na ang grupo, munit natamaan ito nang cannon at napilitang lumayo ng skyship, naghanda uli sina Zetaro, may pagkawit na naman ang kalaban, nagdatingan pa ang ilang pirata, laban laban muli, maya maya ay dumating si Mafia, kasama si SKULL ang Pinuno ng mga Wraith Pirate Eight, walo talaga sila, pero si Skull nalang ang natira sa walong pinuno. Naglaban si Butcher at Skull, naalala ni butcher ang Soulblade ni Skull, Humingi nang Serpyente si Rachia kay Goyoy, Nagsummon sya, at Inutusan ito ni Rachia na bang gain ang Barko nang kalaban, sa Dikalayuan nakita ni Zetaro ang Skyship, nagsenyas si Aspollo na parang may gusto syang gawin, Gamit ang taglay nilang lakas, naisipan din ni Zetaro kung kaya nilang pabagsakin ang pinaka barko mismo nang kalaban (ang ARMORY, nakasulat kasi sa gilid nang barko) Gamit ang tornadowing (paggawa nang nakakagulantang buhawi gamit ang lahat na makukuhang lakas sa pakpak, ispada at sa sarili) magagawang mapalubog nila Zetaro na gagamitan din nang kung ano pang teknik ni Aspollo at spell ni Goyoy, pinabanga uli ni rachia sa serpyente ang armory, nayupi ang kanang bahagi ng barko, parang yuong locker nuong nasa fourth floor ng st. jude, yuong lagi nating sinusuntok namay pangalan ni Crush ni leo, Pinuruhan pa ni Goyoy ang barko nang kalaban gamit ang isang spell na pagatake gamit ang isang alon, Doon sina bayan sya ni Zetaro, gamit ang TornadoWing, nabutas ang tagiliran nang Armory, sa taas, naicharge na ni Aspollo nang isang beses ang kanyang 4-6 para sa unang charge na Pheonix Strike, tinutukan nya ang butas, doon, tinira nya ito at isang bulwak nang apoy ang nanggaling sa Skyhip at naheadshot ang Armory, nagulat si Skull at nakita nya si Zetaro, sinugod nya ito at nagway ang dalawa, dahil sa pagkatulala sa lumubog na barko, natalo ang mga pirata, tinapon ni giant ang iba at natira naman ang iba para lumaban pa, malinaw na na talo nila si Skull, di makapaniwala si Skull, tinuloy nya ang pagsugod kay Zetaro, at dahil sa galit ay nagawa nyang itulak ito, munit naka lipad din si Zetaro, Tuloy ang pag atake nya, pero pinigil na sya ni Mafia, natalo ang mga pirata, pero naging mabuti ang pakikitungo ni Arch, inalok nya si Skull nang kalayaan, kung hahayaan nya nang umalis ang Dragonwing, nagdalawang isip si skull, nakita nya ang ilan sa natira nyang tauhan, si (next time nalang pangalan) Dumo, huitzilopoochtili, tabobo at madman. Pumayag na ang mga pirata, medyo lumambot ang puso noon ni Skull dahil sa pangyayari, nawala ang kanyang galit. umalis na ang grupo at hinayaan na nila ang mga pirata, bago nakaalis ay naitanong ni Skull kung saan ang tungo ng grupo, sa elderoth, sagot ni Arch nagpaalam ang dalawang panig, sumumpa si Skull na tatalunin nya rin ang Dragonwing, natawa si arch, natawa si Dumo at nabatukan. lumayag na papaalis ang Dragonwing , Tumalon papalayo ang Wraithship ni Skull. Sa Dragonwing ay nilapitan ni _________ si mani at si Zetaro, napansin nya ang nagdudugong tagiliran ni Zetaro dahil sa atake ni Skull, pinagaling nya ito gamit ang natutunang white magic, natuwa sya nang napagaling nya ang sugat, natuwa rin si Zetaro at nagpasalamat.(nice!) Natahimik ang buong grupo, tinignan ni arch ang lahat, linis time nanaman, akala ni Zetaro ay makaliligtas na sila. Kinabukasan ay pinahayag na ni arch na mga tatlong araw nalang ay mararating na nila ang Elderoth, nagparty uli ang grupo, nagtaka si neri kung nasan yuong binangit ni arch na karaoke(skyship may karaoke) tinanggi ni arch na may sinabi syang ganoon, Binulyawan sya ni Butcher at hinanap ang pinangakong tikoy....at asukal, walang naisagot si arch, tinitigan ng buong grupo si arch, pati sila emman ay nakatitig, nagpaliwanag si arch munit wala nang nakinig, tinapon sya sa barko. Ilang oras ay pinulot din sya ni Zetaro. Nadiskubre ng grupo na meron ngang karaoke sa skyship, pinaayos nila ito kay Lugia at nagjamming muli ang lahat. Kinabukasan ay pinaalam na ni Trigger na ubos na ang supplies nila ng ulam, fishing time na! tinuruan ni Asero ang lahat kung papaano mangisda, unang natuto si Aspollo, nakahuli sila ng mahigit 10 tilapia, sandali, wala pala noon, 10...fylamarid (parang pusit, sobrang laki lang), mga... sige na nga!, limang tilapia at pitong lapu-lapu at isang malaking Sea kraken(malaking malaking isda na hidi maintindihan) na pinagtulungan pa ng buong grupo na muntikan pang tumaob ang buong skyship. Busog ang lahat. Kinabukasan, At last, nakarating din ang grupo sa Marit el marion, ang tumatayong kapital ng elderoth at isang sikat na tourist spot, pagbaba sa skyship ay sinalubong sila nang mga ahente ng hotel, pinagkaguluhan si mani.(hari kasi sya) Naghiwalay na ang dalawang grupo, munit inalok ni mani sina gov. na magstay ng isang gabi sa hotel at magparty muna bago magalisan, pumayag sina gov. binuhat na nila ang mga bagahe at kinausap ni mani si arch, pinaalam nyang kakailanganin din nila ng barko pabalik sa laruna, inimbitahan nya sila arch na sumamasa hotel at kung pwepwedeng sila narin ang maghatid sa grupo pabalik, nagdalawang isip si arch, sinabi nyang may mgapasahero sya pabalik sa laruna, at di nya rin alam kung hanggan kailan magtatagal sila mani sa Marit, bumigay ang kakuriputan ni mani, at inalok na nang 10,000 gil ang pagkontrata sa buong skyship, pumayag agad si arch, jamming lahat sa hotel. nang gabing yuon ay naginuman ang grupo, may mga ilan na hindi tumikim, munit marami rin ang nagswimming sa beer. Hindi uminom si Zetaro, dahil nalulungkot sya, mawawala nanaman sya sa tamang isip kung iinom, ayaw nyang kalimutan ang kalungkutan, at pagnakikita nya ang lasing na si Rachia na paulit-ulit na nagsasabing nahihilo sya at naka anim na baso sya, lalong nawawalan ng gana si Zetarong uminom. Nagkwentuhan ang grupo, sinabi ni Gov na tatakbo syang Grand sage ngayong darating na schoolyear sa paaralan nila, at balak daw nyang i-apprentice si Coco, parang yuong nangyari noong tuesday(happy birthday nga pala uli gov!) at sa di mapaliwanag na kadahilanan ay lumitaw si Herartse, nagulat si Arch, nangamusta, tinignan sila ni gov, maya-maya ay nagliyab si Herartse, parang inincinerate, parang yuong nangyayari sa mga kalaban ni Queen of the damned, unti-unting naging abo si herartse, at natutuwa si gov, halakhak lang sya nang halakhak, maya maya pa ay may tumawag sa pangalan nya, si Legeya, pagtagilid nya ay katabi na nya si Coco, nakahiga, natutulog, at nagising na sya, panaginip lang pala, bumangon si Gov at ginising ang grupo. Sa kabilang kwarto ay pabangon narin ang mga lalaki, linepsi ni gov at nakitang binubuhat nanaman ni giant si Zetaro. ilang oras pa ay nahanda na ang lahat, nakausap nila mani si Mayka at nabanggit nitong ang mga elders sa mga bulubundukin ng elderoth ay makatutulong sa paghahanap nila mani sa atlantis, at dahil doon din naman patungo sila Gov, sama sama na silang pupunta, at dahil mas mabilis ang skyship, gagamitin na nila ang Dragonwing, buhat uli ng gamit sila giant at larga ulit, patungo sa mga bulubundukin sa silangang parte ng elderoth. Ang probinsyang Rudell ay tirahan nang mga Geomancer, o mga taong nagpakadalubhasa sa mga historya nang lupain ng Avelzar, kaya sa Elderoth din unang naitayo ang unang paaralan ng mga Timemage. Sa rudell, naglanding ang Skyship, at kinamusta ni Mayka ang mga kapamilya at mga kabaryo, nagkamustahan ang lahat, pinakilala ni mayka sila gov at mani, nagkainan sa bahay nila mayka at pagkatapos ay nauna na sila gov patungo sa paaralan ng mga timemage, naiwan sina mani at nakausap ang isa sa mga residente, si Alegas, ang tumatayong pinuno nang mga geomancer sa Elderoth. Kinuwento ni Alegas ang tungkol sa Lumubog na atlantis, na ngayon ay pinamamahayan ng mga Merfolk ni Salbakutah. Nagulat si mani, Tinuloy ni Alegas ang kwento, may isla daw sa Di kalayuan ng Marit (makikita sa mapa ang maliit na isla) na may pinto patunggo sa lumubog na atlantis, may mga nagsasabing hindi daw gumuho ang atlantis nang lumubog ito, kundi nalipat ang looban nang pinaka metropolyo nang atlantis sa ibang dimension, Masisisid daw ang labasan ng atlantis, munit nakaseal ang loob nito na nasa ibang dimension, Nagkulong daw ang mga taga atlantis sa loob dahil sa pagdating ni Exceres, o dahil sa AGE OF THE DRAGON WARS noon, munit hanggang ngayon ay wala pang nakaaalam kung bakit di pa ito lumilitaw. Nagplano ang grupo, sunod nilang pupuntahan ay ang Isla, pinaalalahanan sila ni Alegas na maykakaibang misteryong bumabalot sa pagkawala ng Atlantis, may mga nagsasabi daw na nalipat ang atlantis sa dimensyon ng IMPYERNO dahil sa kaduwagan ng mga Atlantean, Kinilabutan nang todo ang grupo, nagtayuan ang mga balahibo, nawala ang tapang nila Mani. Tumawa si Alegas nang parang yong sa Thriller ni MJ, ha ha ha!, Nawala ang kaba nila mani at napansing nangloloko lang si Alegas, umalis na ang grupo at sinundan sina Gov para magpaalam. Sa paaralan ng mga timemage ay nakausap nila ang isang timemage na nagekspleka ng mga kagawian sa nasabing institusyon, di nakinig si mani at hinanap nalang nya si gov, pinalibot sila at nakabanga na nila si Gob, nagpaalam sila, munit sinabi ni gov na magiging masaya at kapupulutan nang aral ang pagsaliksik sa atlantis, kinuwento ni Butcher ang tunkol sa IMPYERNO para di na sumama sila gov, munit ginaya nya ang tawa at nabuking sya ni gov na nanloloko, sumama sila gov, sama sama uli, namili na si Trigger nang supplies para sa dalawang linggo, Lumarga na ang grupo para sa Misteryosong isla. (PAGE 3 na!!!!)
PAHINA TRESE
Picture ng Skyship...