Pahina Siyete

Bago natin simulan ang page nato eh gusto ko sanang batiin si Jastine dahil Birthday nya nung MAY 10, HAPPY BIRTHDAY! Kongrats narin sa mga Cat officers (lalo na kay Jastine) at paalam narin sa mga fourth year na Opiser na sumakabilang pagaaral na. Hi nga pala kay Miyang pinepeste nung librarian, konti pasensya, Manood nga pala kayo, Spider man, opens May 3 2002, at theaters near you, Kung may sukli pa kayo, Bidyoke king, starring badboy robin revilyame, yun lang. Black nga pala backround natin at dilaw yung mga letra, parang gabing mabitwin, para kay jastine, sya kasi unang pumapasok sa isip ko pagtumitingin ako sa langit paggabi, sadyang napaka espesyal. Maligayang kaarawan uli. Salamat din kay sherwin sa mga karagdagan nyang suggestion. Tuloy na! Nagpapakiramdaman ang mga lalaki at yung mga bantay ni Beedzey, habang masaya namang tinutour ni Beedzey ang mga babae, sa malaruin na palasyo ng dating emperyo ng De_Aztec. Malaki ang lupain ng De_Aztec. Dinala sila sa isang parang palasyo, ang tinatawag na Pennies (yung barya) Tower. sa taas, makikita mo pa ang iba pang mga gusali sa de_aztec, tila wala ng silbi dahil sa kalumaan nito. Ang mga tauhan ni Beedzey ang mga tanging tumitira sa mga ruins nato, alam naman ng lahat na ang emperyo ng De_aztec ay ang tahanan dati ng Demonyong Exceres, sabi ni Beedzey. Marami daw nagsasabing may sumpa ang lupain, pero ng napadpad si beedzey doon ay ginawa nya itong parang...night club, doon, pinasunod na sila doon sa isa pang masmababa pero masmalawak na gusali, ang BALL room, pamilyar kay Rachia ang nasabing gusali, kwinento ni Kiss na doon daw sya kumukuha ng supplies... Mukang patay ang Ball room dahil umaga palang. Pinakilala sila ni Beedzey sa kaibaigan nyang si Althea, doon nag meeting muna, para pagusapan ang kadahilanan ng pagpunta nila mani sa emperyo ni Beedzey. Naligaw lang, sagot ni Chiriko, medyo parang nagiba ang expression sa muka ni Beedzey... Di daw kasi nila masyado pinapaboran ang mga ...tan dan dan.... TRESSPASSERS, nagiba ang ihip ng hangin sa loob ng Ball room, May parusa daw para sa mga bagong dating dagdag ni Beedzey, nagulat ang grupo sa biglang pagbabago ni Beedzey, nung una eh parang masaya sya pero ngayon...parang nanglalamang. Dinagdag ni Jebal na tama ang kutob nya, di dapat sila magtiwala sa kakapwa nya...este sa mga weirdo pala. Pinatawag ni Beedzey ang lima nyang heneral, dalin daw ang "Sikret weapon" Pumasok ang tatlong heneral kasunod nung dalawa pa, parang pamilyar kay Triger ang mga kaganapang ito...marami kasing syang napapanood na kakaiba na sila lang ni gob ang mayinteres, kung ano man yon alam na nila yon, rated PG-15 ang kwentong to... Nilabas nang limang heneral ang limang kakaibang Armas, sabi ni Bogarts, V______r? hindi, sagot nila Rachia, Aspollo, Goyoy, Zetaro at si Triger, ang armas ng emperyo ng Wateru, ang (tan dan dan) BRONCO, o yung model 123T-WO-74/Hy na nawala pa noong page one, isa sa tauhan ni Beedzey ang malamang nakadampot nito, nagulat ang lahat, lalo na si Triger, ibat-ibang model and design na ang mga nasisilayan nila, may pink, neon black, mataba, mahaba at yung original na nagbabaybrate para mas malakas ang damage sa kalaban, Tinanong ni Triger kung ano ang balak ni Beedzey, natahimik ang lahat at napatingin sa nakangiting, tila may masamang hangaring pinuno. Lumabas ang grupo sa Ball room ng tila pagod, masaya, gulat at "inspired". Medyo madilim na, sinamahan sila ni Beedzey paakyat sa Pennies tower, patungo sa Guess room, medyo sama-sama ang lahat pero hiwahiwalay naman ang mga "water" bed sa kwarto kaya okey lang, lumabas na si beedzey at nag good PM, humabol si Mani ng isang "Hanggang sa uulitin" Bumangon sila kinabukasan at hinanap na si Beedzey, balak na nilang tumuloy, pero naisip ni arch, kung dito dati nakatira si Exceres...malamang may makita silang kung ano mang bagay na baka makatalo kay Exceres, may punto si arch dagdag ni bot, payag si mani. Pinagusapan ng grupo at ni beedzey ang tungkol kay Exceres at kwinento narin ang malamang pagbalik nito, nagulat si beedzey, kung babalik nga si Exceres eh malamang yari sya, ginawa ba naman nyang discohan ang emperyo nung kalaban... medyo natauhan sya, pero pinilit na wagmaniwala kanila mani, matagal ng wala si Exceres, paano pa ito makababalik. Medyo pinagkait nya ang kooperasyon, pero inalok pa rin nya ng iba pang tulong ang grupo. Maya-maya ay linapitan si Beedzey ng isa nyang messenger, ang mga kalaban sa De_dust, umaatake nanaman, narinig ito na mani at lumepsi sa bintana, nakita nya ang mga halimaw sa gate, ang mga maiitim na parang anino na nakatira sa De_dust, ang mga tinatawag na Phantom, mga ispirito ng mga masasamang nilalang na pumanaw na nagtatambay sa Disyerto, nakita nya si Olivia (yung sabmarine) inaatake, nakita rin nang mga kagrupo ang kalaban, at ang kawawang sabmarine, umaksyon agad ang lahat, nagulat at nabilib din si Beedzey. Sa labas, nagaabang na sila sa may mahikang gate, bago ito buksan, pinagplanuhan muna nila ang sistema ng pagatake, munit bago pa mabalaan ni Beedzey ang grupo ay pumutok na ang gate, riot na. kanya kanyang laban, mukang mahina ang mga kalaban, nilabas na nila ang mga armas, unang humampas si Bogarts ng mahinang atake, nang nadadama na ng grupo ang Meteor ay lumayo na sila, masmaliit ang tumama ngayon, Walang armas si Zetaro kundi ang di panya namamaster na pana at ang isang pangriot na batuta na binigay pa sakanya ng mga wolf, tuloy ang laban, pansin ni jebal ang parang pamimigil ni Beedzey, parang maygusto itong sabihin. Maraming nalusaw sa atake ni Bogarts, munit napakarami ng kalaban, bumato si Aspollo ng Shuriken...pero parang tumagos lang ito sa mga phantom... parang di tinatablan ng physical na atake ang mga halimaw, napansin nya si Zetarong palusob, di pa alam ni Zetaro na immune to physical ang mga kalaban, binayo nya ng batuta ang isa sa mga phantom, nagulat sya at tumagos lang ito, na off-balance si loko at nasubsob(aray naman) Tinitigan sya ng phantom, at tinutukan na nung parang scythe nito(armas ni kamatayan) blinock nya ng sheild nya pero tumagos lang ang parang hangin na armas nito at tinamaan sya sa kaliwang kamay, napasigaw sya sa sakit at dumanak na ang dugo sa kamay nya, badtrip, dumating pa ang isang phantom at tinutukan nanaman sya sa ulo pero...galing sa kung san man ay may humagip sa dalawang kalaban, nagulat sya at bumangon, tinawag sya ni beedzey at binato ng Neon black na Bronco...Model 123T-MsZ-006/Sr, nasalo nya ito at agad bumayo sa nakitang papalapit na kalaban, hi-tech yung bronco, hiwa yung kalaban, nang natigil ay hinanap nya yung nanghagip sa kalaban, sa langit, si Malory, ang letseng dragon na ngayon lang uli bumalik, naisip nya...tatalab kaya sa dragon ng hangin ang bronco...? Tuloy ang laban, puro de mahika ang mga pinangatake ng grupo, ginamit ni Naob ang parang beam na galing pa sa Core nya, epektib. Nagtanim ng mga mina si Chiriko at nagpause...lagay ng sauce, tapos sabay...Epektib. Ginamit ni mani ang scepter nyang nakadikit sa dulo yung Tesla orb at kinoryente yung mga kalaban...parang ghostbuster, epektib.(nakakamis yung ghostbuster, naalala ko noon...next taym) Medyo napaatras si Arch sa kawalan ng epektibo nung armas nya, pero inabutan din sya nang bronco, epektibo. Nilapitan ni Emaron si Zetaro at pinagaling yung sugat, pero bago ito tuluyang maheal eh kinailangan nyang pasabugan nang isang malahangin na atake ang isang pasugod na kalaban (medyo may lahing druid kasi si Emaron...nasabi ko na ba yon?) Binalikan nya si Zetaro, pero pinigilan sya, hayaan nalang muna sabi ni Zetaro(balak nya kasing ipagaling nalang yon kay ______) Kast lang nang kast nang Frozen nova si Goyoy, marami-rami rin syang nadali...epektibo, ang pinaka swerte sa lahat si rachia, inabutan nung orihinal na bronco, kinalikot nya yung buton sa hawakan at namili kung slow, medium slow, meduim, medium fast, fast at ...vanilla fast, ewan, pinili nya yung meduim...aaaaahhhh...medium. tinaas nya ang bronco, nagbaybrate ito nang parang wala nang bukas, automatic, di na kailangang igalaw ni rachia ang kamay, sunod-sunod natarget yung mga phantom at na hampas ng rumaratsadang bronco. Natapos ang labanan at nagpasalamat si Beedzey. linaro nang mga babae ang cute na dragong si malory, ingit sila Zetaro. medyo nagisip-isip si Beedzey at nakonsyensya, humingi sya ng patawag at sinamahan na ang grupo sa treasure room dati ni Exceres. Nagtingin tingin muna sila doon. Naging guide nila si Althea, tila maraming nalalaman ang dalagita sa mga artipact na nakatago sa treasure room. Bumulong sya kay beedzey, parang pumayag si beedzey at inabot ni Althea ang isang lumang sheild, ang AEGIS SHIELD, sing tamis ng wine, sing tatag ng sunshine, isang artipact na nagbibigay proteksyon sa mga Atakeng de mahika, nang iniabot ni Althea ang sheild kay mani eh nagkagulo na agad ang mga lalake at nagagawan, sakatapusan eh di naman nasira ang sheild. matibay ito...hindi, matatag pala. Nagtingin tingin pa sila ng mga gamit at nakita ni naob ang isang asul na diary?...Diary ni Exceres, pero lumang lumang na ito at di na maibuklat ang mga pahina, walang silbi. Nagtingin tingin pa sila, nakita nila goyoy ang isang baol na puro six golden coins, paglingon ni Althea eh wala nang laman ang nasabing baol...na Verum est. Nakita ni ______ ang isang bilog na pendant, mukang ito yung uring may picture sa loob, sinubukan nyang buksan pero naisktak na ito, inabot nya ito kay bogarts, hinampas nya ito ng mateo, takbuhan ang lahat. Walang nang yari(walang meteor) pero nabarag ang pendant, sa loob may litrato... tila parang isang smiling face lang na may korona, ng nakita ito ni aspollo ay nagulat sya...iniabot nya ito kay Zetaro...nakalepsi si butcher...nasindak sila sa nakita, naninikip ang dibdib ni Zetaro...hindi na sya makahinga... ang muka nagulat din si rachia at si goyoy sa nakita, nagtaka ang iba sa mga reaksyon nila Zetaro, tinanong nila kung bakit, tila walang imik ang lima. Lumipas ang tatlong araw eh natauhan din ang lima dahil sa gutom, kwinento nila na yuong picture...napaka sakit, ay litrato ng nagtatangin...pinakadakilang... hari ng mga balls!!! (tan dan daaaaaannnnn) Ano ba, ano ba ang ginawa nila Butcher para parusahan sila ng ganoon, ano ang ginagawa ng litrato ni haring kiss sa isang pendant o locket ni Kalabang Exceres, tatlong araw na nagdilim ang mundo ng lima...di nila akalaing may kinalaman si Exceres sa para na nilang naging amang si Kiss, tumanggi si Zetarong maniwala, hindi, baka mantsa lang yong parang muka. Napatungo ang grupo at humingi na paumanhin sa nadadama ng lima, hindi, sagot ni Zetaro, mabait sya, mabait! at tumakbo papalayo ng umiiyak(ang drama!) It's not time to make a change, just relax, take it slowly, your still young, thats your fault, theres so much you have to go through, find a girl, setlog down, if you want you can marry la la la la... Nagising na ang grupo kinabukasan, araw ng alis, nagpaalam na sila kay Beedzey pero may ibang may mga ideya. Ang susunod nilang pagtutunguan, walang nakakaalam, medyo kailangan na nilang magtravel light, medyo lumalala na ang mga kaganapan na dapat nilang harapin, kailangan nilang magplano ng mabuti. Ang plano nila, kailangang mahanap ang templo...pero bago nila to makikita eh kailangan nila na sasakyan, isang sasakyang panghimpapawid...ang Dragonwing, kailangan nilang balikan ang labi nito sa galbota para maayos, pero kailangan din nila ng mga parts bago ayusin, nagbolonteer si bogarts na tumulong, marami daw silang magagamit sa gaea, lalo na sa pagaayos nung pinaka katawan nung barko, di naman siguro sila makapagdala ng materyales galing pa sa wateru hanggang sa galbota, sa gaea nalang sila kumuha, call ang lahat. Babalik naman daw sila Gob sa Wateru para magreasearch sa S.K.A tungkol sa kinalalagyan ng templo...sumama si Triger...pinagmamayabang nya kasing KASAMA SYA SA RESEARCH TEAM, ewan. Balak namang magpaiwan ni Joan sa De_Aztec, para makasama si Beedzey at kung ano mang kayamanan ang meron doon sa de_Aztec. Pumayag naman ni Beedzey at ang grupo...kung saan ka masaya suportanta ka. Tumuloy na ang grupo at nagpaalam kanila Beedzey, Joan, Althea at ang isa sa heneral ni Beedzey(namamato ng bronco...kilabot, kilala nyo na? si Jebal kilala nya) pinaandar na ni chiriko ang Olivia, para tumungo sa Elderoth, ang pinaka malapit na isla ng wateru sa kanila. Ilang araw din ay narating na nila ang likod ng baybayin ng Elderoth. Lumabas silang lahat sa Sabmarin ng hilo, pati si Malory. Kinailangan nilang iwanan ang sabmarin para makahanap ng matutuluyan, sa pinaka malapit na barangay. Nilubog ni Chiriko ang sabmarin, para walang makakita o makanakaw nito, naghanap sila ng palatandaan, isang puno sa may kalayuan, inukitan nila ito ng mga...kung ano ano. Naglakad ang grupo hanggang narating nila ang barangay ng...dagat-dagatan. Natulog muna sila sa isang motel, habang pinagplanuhan na nila mani ang mga susunod nilang hakbang. Bumangon na ang grupo kinabukasan para maghanap ng sasakyan patungo sa Marit, para doon makahanap ng barko at makabalik na sa Laruna, para makapagwaypoint sa Windrea o sa kung saan man pupunta yung iba. Nakakontrata sila ng isang malaking karwahe na parang kalipornya bus na hatak-hatak ng isang dambuhalang Wurm at nakabyahe na patungong marit. Kalagitnaan ng byahe ay nagpahiwalay si Mayka para bisitahin muna ang pamilya, para umuwi. Napagplanuhan ng grupo na masmakakabuti ngang magsiuwi muna ang lahat sa mga pamilya bago tumuloy sa misyon, ang paghanap sa mahiwagang templo ng mga elemento. Nagbolonteer si Bot na sumama kay micah, tutal wala narin naman syang uuwian, ang tahanan nya ay nasa atlantis at buong buhay nya eh kasama nya lang ang pamilya, isa pa, medyo delikado kung magisang lalakad si micah. Natuwa naman si Micah sa tulong na inalok ni Bot. Bumaba ang dalawa sa isang baryo para makapaghanap ng masasakyan papunta sa Rudell. nagpaalam na ang lahat. Ilang araw din ay narating na ng grupo ang Marit, naghanap na sila mani at arch ng barkong masasakyan pabalik sa Laruna habang nagcheck-in na sila Trigger sa isang hotel. Madilim na. Nang gabing yon ay napagusapan nila goyoy, Zetaro at Aspollo ang tungkol sa mga minamahal, medyo di ngalang nagsasalita si Zetaro, pero nararamdaman nyang malapit na yung araw na malalayo sya kay_____, at bago ito mangyari ay kinakailangan nyang magtapat, bago mahuli ang lahat. Matagal ng pinagiisipan ni Zetaro ang tungkol dito, mula pa nung una nyang makita si ______, nangako na nga sya sa sarili na kahit anong mangyari, hinding-hindi mawawala sa puso nya si ______, kaya kung di rin sila magkakatuluyan, malamang eh masmabuti pang mawala nalang sya(si Zetaro). Nalulungkot din si Zetaro na pagnatapos na ang lahat, pagnatalo na nila si Exceres, eh mawawalan na sya ng dahilan para makasama si ______, mula pa noon, parang si _____ ang nagbigay ng dahilan sa buhay ni Zetaro, nabago na sya mula nang una nyang makilala ang prinsesa. Sya ang naging inspirasyon ni Zetaro para lumaban pa at mabuhay. munit alam nyang lahat ng paniniwala nya eh magbabago, pagdating nang takdang oras, medyo matagal yung pagninilay-nilay ni Zetaro, kinalimutan nya muna ang lahat at bumalik sa usapan, ang kwento ni goyoy tungkol kay Aluma, ewan ko ba pero kung mahal ni Goyoy yung tao eh bakit di nya ligawan...pero ewan ko rin, sadyang kakaiba talaga si goyoy, pero hanga rin si Zetaro sa kanya, tungkol sa iba pang mga bagay. Si Aspollo, tila di nagpapakita ng emosyon mula nung nagbrake sila ni.... ...eh lagi nalang nagbabangit kay Riob, isang studyante sa S.K.A. na nakita nya nung huling punta nila doon, ewan ko rin, lagi kasing mga babae ang kasama nya, malamang sila ang nakakaalam nung kwento. Pero parang may napapansin lang si Zetaro sa kaibigan...tungkol kay Riob, parang...ewan. Natulog na ang tatlo para makapagpahinga. Kinabukasan ay sumakay sila sa isang barko, medyo mahal ang bayad pero mashigh class naman pagdating sa serbisyo kesa doon sa barko ni Arch... pero alam naman nating di nila maipagpapalit ang dragonwing. Ilang linggo ay narating din nila ang laruna, Home Sweet home kanila goyoy at arch at iba pa. Naguwian muna lahat ng mga kalapit bahay habang nakituloy muna sa S.K.A. sila kathy, Diana, valerya, byaka, carla, hannah, macky, ninalor at reylin. Kasama sila gob. Nagpaiwan naman sa port sila Arch, para magayos ng mga kasang kapan para mabalikan yung dragonwing. Tumuloy si Emaron sa S.K.A, para hanapin si Mavell. Nakipagbrake naman si J@ck kay Asero, pero parang ayos lang sa kanya, munit masakit din sa loob nya. hinatid naman nila Zetaro, aspollo, Bogarts at naob sila Mani, ______ kathleen, amaburns, ynes, Olirya at butcher pabalik sa Windrea, sa kastilyo ni mani para narin maklaro pa ang mga susunod nilang gagawin. Nagpaiwan din si Aiyan sa S.K.A. para kay Cellah, basta ang plano, mamayang gabi, lahat ng mga lalaki matutulog sa HEADQUARTERS, habang ang mga babae ay matutulog sa S.K.A. sa labas ng HQ ang dragon. Pagkahatid kanila mani ay pinagusapan muna nila ang mga balak, pagkatapos ng meeting ay pinayuhan ni _______ na balikan muna nila Zetaro ang mga kapamilya nila, bukas nalang daw babalik sa Char pyres si Aspollo at naob, marami pa atang gustong sumama, sila kathy at sila hannah. Bumalik na sila Aspollo, Bogarts at naob sa headquarters, nagpaiwan si Zetaro. Hinatid ni Butcher ang mga redmage sa S.K.A. dahil doon din sila tutuloy ngayon gabi, nagpaalam naman si Zetaro at lumayu-layo na, pinuntahan naman ni ______ ang kanyang ina't mga kapatid, habang kinamusta naman ni mani ang kanyang emperyo. Binisita rin ni Ginara ang mga pamilyang taga laruna lang kasama si aluma. Nagsiuwian ang lahat ng mga taga S.K.A. except kay Gob kasama yung mga taga ibang lugar (sila kathy, hannah, gailah etc.) Nagkita-kita rin nung gabing yon lahat ng mga lalaki sa Headquarters. May mga iba namang taga S.K.A. na hindi bumalik nung gabi, natulog na kasama ang kanilang mga pamilya. Sila arch naman ay nakatulog na doon sa bahay na malapit sa port, dahil sa paghahanda. Nagikot-ikot naman si Zetaro sa Windrea, sa Triseta. bumalik na sya sa headquarters at doon nanood ng mga palabas ang mga lalaki kasama sila chiriko, jebal, trigger, mani at bogarts. Scary movie. Siksikan sa Headquarters. Kinabukasan ay nagkita-kita ang lahat sa may tabi nang waypoint sa Laruna... ang Norteps(tanggalin "S" at baliktarin) munit wala parin sila Bot at micah. Nag plano na ng masinsinan ang grupo, gaya ng meeting kahapon, kinakailangang magsaliksik ang lahat ng tungkol kay exceres o kung ano mang armas na makakatulong sa kanila, di nila alam kung ano ang mang yayari, pwedeng sumugod si Exceres na may kasamang mga halimaw na army, o bumalik sya ng tila isang madaling apakang butete. Masmabuti na yung handa. Gaya sa Meeting, Hahanapin nila ang labing tatlong ispada nang knights Immortal, habang may magsasaliksik din sa Char pyres, at gaya ng napagplanuhan, magaaral sila Biaka, diana, Valerya at carla nang White magic, habang magcle-cleric naman sila ______ at kathy. Susubukan naman hanapin nila gob ang lokasyon ng Templo sa mga paaralan, kasama sila Gailah at jebal. Babalikan naman nila Chiriko, arch, giant, Asero, lugia at emaron ang Dragonwing sa Galbotah, munit nagsuggest di Emaron na Sumama nalang kanila Gob, payag naman ang lahat. Pinasama narin ni Mani si Aiyan kanila gob, para makatulong, ayos lang...kasama pa nya si Cellah. Ang mga redmage at sorceress naman ang unang tutuloy sa Char pyres, habang may plano sila Gailah, Bogarts, na hanapin ang kaibigan nila...si...nex taym na nasa Char pyres din, Pero hahanapin muna nila Bogarts, Zetaro, Aspollo, rachia, mani, naob, butcher at goyoy ang labing tatlong ispada, kasama si Malory. nagbolunteer naman si Triger na sumama sila Gob sa Library ng Laruna, sa kastilyo ni AElstorm, baka may makita sila doon. Humingi naman ng Permiso si _______ kay mani para maghanap ng kung ano man tungkol sa Templo doon sa Library ng Windrea. Call na ang mga plano at naghiwa-hiwalay na ang grupo. Nagplano muna uli sila arch kung gagamitin nila yung Sabmarin para makarating sa Galbotah, o gagamit ng Skyship, munit wala masyadong skyship sa laruna na kasing tatag ng Dragonwing, munit pahirapan kasing gamitin ang Olivia, at matatagalan sila, maya maya ay naisip ni Asero ang mga Pirata, ang napakalaki nilang Skullship, malamang kung mabibitbit nila ang Olivia hanggang sa baybayin ng disyerto eh masmapapabilis ang lakad, medyo may punto si Asero, ganon nalang, sasakay sila sa Barko ni Herartse hanggang makita nila ang mga Wraith pirate, habang ihahanda na ni Chiriko ang sabmarin sa baybayin ng Elderoth hanggang sunduin sya nang Skullship. Call, sumakay si Chiriko kasama si Giant sa isa pang barko pabalik sa elderoth, habang hinanap naman nila Arch si Skull gamit ang barko ni Heratse. Sa di kalayuan naman ay sinama ni Trigger sila babes, hessel, aluma, neri teng at donna sa Library ng laruna kasama sila macky at si hannah. Nagwaypoint naman sila Kathleen at ang ibang pang mga redmage, kasama sila Ninalor at reylin, patungo sa paaralan nila, sa orca. Nag aral na ng pagiging sorceress sila Kathleen at Ynes. Nagwaypoint naman sila ______, kathy, carla, valerya, byaka at diana sa Avalon para magaral pa ng white magic. Tuloy naman ang pagreresearch nila gob sa S.K.A, medyo busy si Ginara dahil sa Posisyon nya. Nabasa naman ni Jebal sa isang libro ang tungkol sa mga "TITAN ENGINE", mga makinang parang robot na pandigma. Nagbasa-basa rin sila Gailah at emaron, Nakwento naman ni Neri kay gailah ang tungkol sa Char pyres, at medyo may mga nagbabalak sumunod doon at inaya nya narin si Gailah, pumayag narin sya. Lumarga naman sila mani...pero di nila alam kung saan tutungo, si bogarts, ang dapat magiging guide ay tila...kulang-kulang sa impormasyon, pinuntahan nila sa Library ng laruna sila triger para magtanong. Nagbasa-basa narin sila doon dahil wala isa sa kanila ang nakakaalam kung nasan ang mga armas. Doon sa napakalaking, tahimik na library ay napansin nila goyoy ang napakalaking full scale model ng mapa ng avelzar...sandali... Napansin ni Zetaro ang salamin sa likod, naalala nya si Asero na napakasalamin-kero at nag ayos narin sila sa harap ng salamin, napansin ni Zetaro ang mapa sa likod, di nya mabasa ang mga bansa sa harap ng salamin hanggang sa nasilayan nya ang X-tolema, pagbinaliktad, amelot-X... ulit, amelot-x, amelot, amelot, X-amelot, k-amelot, Camelot, Camelot!, ang Kastilyo sa mga legends na pinaghaharian ni haring MACarthur, ang dakilang highway ng laruna na umaabot pa sa Zhalfir ng windrea na hango sa dating bayaning maygamit ng isang mahiwagang ispada, ang EXCALIBEER, at gaya ng kwento dati ni Bogarts at doon sa sikreto sa picture ng olivia, isa sa pangalan ng isa sa labing tatlong ispada ay X-caliber, malamang nasa X-tolema nga ang mga ispada, dinagdag ni trigger na Deserted ang buong isla dahil may sumpa daw doon, pero muka ngang yuon ang kinalalagyan, call ang lahat, maraming nabilib kay Zetaro, Pasukan na nga pala bukas :( Bago lumarga ang grupo ay pinasama muna sila ni trigger sa isang kwarto, ang opesina nya sa library, doon pinakita nya at pinagmalaki ang Pensyum Por Tee Giga bayt nyang komputer, sadyang napakabilis nito at...yon, nakahiram si Zetaro ng mga lumang tutgtugin, nagagawan sila ni rachia, si Zetaro ang nanalo. Tumuloy na ang grupo patungong X-tolema sakay ng isang malaking skyship na nasakyan nila sa laruna. Maglalanding daw sila sa Menril, isa sa dalawang natatangin bayan sa X-tolema. Sa malayong ibayo naman ay nagkasalubong na ang barko nila Skull at ang barkong sinasakyan nila Arch. Pinaalam ni Herartse ang pakay nila arch sa mga pirata, nagusap-usap ang mga ito. Pumayag naman sila at sumakay na sila Arch sa barko nila skull, nagpaalam na si herartse. Nagasaran muna sila arch at skull bago lumarga. Pinuntahan naman nila sila giant at chiriko sa elderoth. Sa S.K.A naman ay nakabalik na sila Micah at Bot, Kwinento ni Jebal ang tungkol sa mga titan engine at nainteres si Bot, napagplanuhan nilang hanapin ito, nalimutan na daw at nabaon na ang mga ito pagkatapos ng dating digmaan doon sa Blizzera laban sa mga taga Raefon, malamang sira na ang mga ito, pero ayon sa mga libro ay nagbibigay daw ang mga engine ng kakaibang kapangyarihan sa magpipiloto nito, lalong na excited si bot. Umalis na sila patungong Blizzera. Ilang araw din ang lumipas at naging ganap na cleric na si ______, tsaka naman sya naghanap ng mga impormasyon tungkol sa Templo. Sa char pyres naman ay natapos narin nila Ynes at kathleen ang pagaaral ng Sorceress. Nagpaalam naman si Olirya na bibisitahin daw nya sa windrea si _____. Ilang araw pa ay narating narin nila Mani ang isla ng X-tolema at ang bayan ng Menril...medyo parang weird yung mga tao, tahimik, matatakutin, para bang sabog sa x-tacy este black mana. Naghanap ng matutuluyan at impormasyon ang grupo. Nakakita sila ng isang gusaling may nakasulat na "McArthur", sabi ni Rachia, ano to? sabi nung mga batang naglalaro ng sipa sa kalayuan, "A Clue", tinanong ni Bogarts kung ang ano ang kanilang gagawin, sagot ni rachia, isulat daw natin sa ating handy-dandy NOTEBOOK! Naglalakad-lakad pa ang grupo at naghanap ng Customer service booth, tinanong nila ang tungkol sa "Mc arthur". Sya daw ang pangalawang hari ng Wateru at dito daw sa X-tolema unang naitayo ang kanyang magiting na kaharian, sa may bandang kanluran nila na tumatayong ruins na lang, pinakita sa kanila ang isang kastilyo, sagot ng makukulit na batang parang sumusunod sa kanila, "A clue", Alam na ni Aspollo ang gagawin, kinuha nya ang notebook kay Rachia at nagdrawing ng hi-tek na kastilyo. Nagtanong si mani ng masasakyan, sagot ng Custom Serve, Walang sasakyang dumadaan doon, pero may rentahan ng mga Stalyon sa Kalapit na town, ang Trahur, Tumuloy agad ang grupo. Nakahanap sila ng mapagrerentahan, pero medyo feeling kuripot nanaman si mani, apat lang ang kanyang rinentahan, ayos lang, inalok sila nung tagapangalaga ng stables nung strap-on na sidecar para sa stalyon, tumanggi si mani at nagride-like-the-wind na ang Walo. Malayo palang ay nakita na ni butcher ang madilim na kapatagan sa may kalayuan, lalong binilisan nila mani ang pagmamaneho ng kabayo at narating nila ang isang malaking gate, may design ito na parang Ispada, Galing sa kung saan man ay maynagsalita nanaman, "A Clue", drinawing na ni rachia ang Clue sa handy-dandy notebook... at nagisip ang grupo, tatlo na ang kanilang clue. Mcarthur+kastilyo+ispada sa gate= Ang kinalalagyan ng labing tatlong ispada!, nagselebrate ang walo sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Bluesclues, we have figures out blues clues!(medyo di naman talaga Mcarthur+kastilyo+ispada sa gate= Ang kinalalagyan ng labing tatlong ispada, makiride nalang tayo.) Tinulak ni naob ang dalawang malaking gate at nagliparan ito sa kalayuan, medyo malakas ang kanyang dating ngayon, naglakad sya ng nakataas ang noo habang hinuhuni ang theme song ni Darak, isang sikat na barbarong hinire para maging assasin na naging hari sa katapusan, sikat na mandirigma ng Char, kumakaway-kaway pa si naob sa mga puno na iniimadyin nyang parang fans, takang-taka naman ang iba sa likod nya. Nakita nila ang isang malaking building na may kakaibang awra na parang nagsasabing doon nakatago ang ispada, nagtingin-tingin pa sila at napansin ang mga bungo na nakapaligid sa kanila, parang horror house ang lugar. Nagpahuli si Rachia at lumuhod sa isa sa mga Bangkay. Tumuloy ang grupo at nagikot sa gusali, maya-maya ay nakasunod na si Tasyo, papalapit palang sya ay nagulat na si goyoy, may bungong sumusunod sa kanya, naghanda agad sila mani at nagbunutan ng armas, pinigilan sila ni rachia at pinakilala ang kanyang sinamon, asang Undead na mandirigmang kalansay, nandiri ang iba, naingit si goyoy at medyo pinagusapan nila ang necromancy. Inakyat nila ang gusali, maya-maya ay may nadinig sa butcher na parang may naglalakad, baka may nakatira dito, sagot ni mani, tumuloy sila para malaman, nakita nila ang isang kalansay na naglalakad, isa nanaman sa summon ni rachia akala ni Goyoy, natahimik si rachia, pinaalam nyang hindi nya sinamon yon, nasalikod nila yung kanya, takbuhan ang grupo, naiwan ang sinamon ni tasyo na madali naman dinurog ng kalaban, maya-maya ay parang napansin nila mani nanagtatawag ang kalaban, medyo sa takot ay naligaw sila sa kastilyo, ayos lang sagot ni Zetaro, basta sama-sama, atsaka andyan naman si Malory, proprotektahan nya sila, paglingon nya'y wala na ang dragon, binalak nilang umalis, pero pinaalala ni aspollo ang tungkol sa mga ispada, tama sya dagdag ni Bogarts, kailangan nila mahanap ang mga ito, nakakalaban na sila ng masmalupit pa sa mga halimaw na kalansay, kailangan lang nilang labanan ang takot, labanan! natin ang tukso, ng mga bungo sa ting paningin, tumatag ang loob ng grupo, nadama nanaman ni Zetaro ang kakaibang pakiramdam na nadama nya rin bago sya naging werewolf noon sa galbota, tumuloy sila ng dahan-dahan, paakyat, para mahanap ang mga ispada, medyo parang naging tahimik, nawala yung mga kalansay, naisip ni butcher na nagloloko lang ata si rachia, summon nya ata yon, napatingin ang lahat kay rachia, nagdeny si rachia, pero di sya marunong magsinungaling, nahuli sya at ang pautot nya. Tumuloy na ang grupo pataas, nakita nila ang isang malaking pinto, tila parang kwarto ng hari, pinasok nila ito at nakakita ng mga libro...tila puro rated _ ang mga title nito, nagmadali papalabas ang grupo. Nakita nila ang isang mahabang hallway, tila brigde patungo sa isa pang gusali munit sa kalayuan ay may nakita si maning kumikislap, nilagad nila ang mahabang hallway, malayo palang namukaan na nga nila, ang mga Ispada! nagmadali sila sa pagtakbo, nagkarerahan pa sila munit bago sila makalapit ay ginulat sila ng dalawang tila parang may sungay na halimaw, nakakatakot ang mga itsura nito pero naghanda narin ang grupo, nag speech pa ang dalawang halimaw, sila daw ang tagapag bantay ng ispada, si Riot at si Chaos, kinulong daw sila sa loob nung dalawang ispada at ngayon proprotektahan nila ito, natuloy ang laban at pinagtulungan ng walo ang dalawa, sa kalagitnaan ay parang nadama ni Zetaro ang di pagkakaunawaan ng kalaban, tila di sila magkasundo...kahit pareho sila nung speech, nakaisip sya nang plano, malamang kung patututungan nila si chaos ay di sila guguluhin ni riot, tinuloy nila ang plano at pinagtulungan nila si Chaos habang nag one-on-one si goyoy at riot. Nahirapan sa pagblock si Chaos at nakuyog din ng grupo sa huli, sinugod naman nila si Riot munit sumuko na sya, wala naman daw syang pinaglalaban, pero masmatutuwa sya kung makakaalis daw sya sa boring na kastilyo, bumalik ang parang ispirito nung halimaw sa dalawang medyo malayong ispada, nagluha ang mga mata nanggrupo sa kanilang nasisilayan, labing dalawang ispada... isa-isang naglapitan ang grupo sa mga ispada nakaharap sa kanila, nakaagaw pansin kay Zetaro ang isang ispada sa likod...hinawakan nya ang handle at pinagpag ang alikabok, nakita nya si maning may hawak-hawak din na ispada, sabay nila itong binunot, nakita ni Zetaro ang nakasulat sa talim...isang letrang "Z", sakto sa pangalan nya, bagong tirahan ni Malory, binunot din nang iba yung iba pang ispada munit maya-maya ay nakadama sila ng mahinang lindol, nagmadali sila sa pagbunot, nakuha nila ang doseng ispada at linagaw ito saisang malaking bag na pinagtulungan nilang kargahin, nagikot-ikot pat ang iba at nagmadali nang tumakbo, nagtingin-tingin din si Zetaro at nakita nya ang isang pintong may kimukinang sa loob, binuksan nya ito at nakita ang isang ispada, pinulot nya ito at nakasulat dito "Gulo na lang para walang away", ineksamen pa nya ang ispada at nakita ang pangalang "riot", tinawag na sya ni aspollo at lumabas na sya sa kwarto, munit sa kalayuan ay nakita pa nya ang isa pang ispada, linapitan nya ito at nakita sa talim, "away na lang para walang gulo" at nagsalita ito, pinangakuan sya ng kakaibang kapangyarihan, kapangyarihang magagawa nyang matalo ang lahat ng mga haharang sa daan nya, kapangyarihan na maging katakot-takot, kapangyarihang... nagulat ang ispada, wala na pala syang kausap, naisip ni Zetarong napakadaldal nang ispadang yon para itabi, hindi nya rin naman kailangan ng kapanyarihan... ...ang kailangan nya'y pagmamahal...Bakit kung sino pa, ang syang marunong magmahal, sya pang madalas maiwan ng di alam ang dahilan... yon. nakatakas sila, medyo nahuli si Zetaro, palala ng palala ang lindol talagang bibigay na ang gusali, wala pa si Zetaro, naglalakad lang sya, badtrip kasi pumasok nanaman ang topic ng pagibig...kinabahan ang iba, binalak nilang pasukin uli ang gusali, pero nakita narin nilang paratin si Zetaro, pinagmadali sya, tuloy parin ang pagiging lonely ni loko, sa may pinto ng gusali, sumandal pa sya at tinuloy ang pagkanta, naglakad uli sya at nang nakalayo ay bumigay na yung gusali. Misyon akomplish ang walo, sabay-sabay silang naglakad, parang bayani dating, sabay-sabay ang kanilang mga paa, umihip ang hangin at inagos ang kanilang mga kapa, nagslomo ang view, muka silang mga kilabot...at maya-maya ay sabay-sabay silang nagshoot ng invisible na ______ sa kanilang mga bibig. Bumalik ang grupo sa Menril sakay ng stalyon, na 1-2-3 nila ang tagapangalaga nung staybles. Pasukan nanaman bukas, makikita mo yung mga kaibigan mo at mga minamahal. Ano nanaman kaya ang mga pagsubok na gagambala sa buhay ni Zetaro, sino kaya ang kanyang mga magiging kaklase at guro, ano kaya ang kursong kukunin nya, ewan natin. Pansin ko lang na parang masmasaya sa saint jude pagwalang pasok o pag-enrolan, parang maspalangiti ang mga tao, mapayapa ang ambyans, para bang nagiging langit ang saint jude...pag bakasyon. bakit kaya nagiiba-iba ang mga mood ng tao, bakit minsan ay di tumatalab ang ngiti sa mga miserable, bakit mas nagiging mahalaga ang katayuan sa buhay kaysa relasyon sa diyos at sa mga kapatid na nakapaligid sa atin, bakit may mga nagpapakamatay, pwede naman tayong tumakas, lumayo sa kaguluhan at kasamaan, huminahon at magpasalamat sa mga simpleng bagay, minsan talaga pagnalulungkot ang tao, di maiiwasang pumasok sa isip nya ang alam nyo na, unang una, bawal ito, bawal ang pumatay at magpakamatay, lalo na't di kana makakahingi ng patawad sa diyos pag ikaw ay nagpakamatay, Minsan talaga lang nakakapressure ang buhay, kailangan nating itaas ang sarili natin, pangalagaan ang ating "pangalan", ipagmayabang ang ating pride, Munit kung iisipin, puro kalungkutan lang ang dala nito, naniniwala akong makikita natin ang tunay na kaligayahan sa pagiging simple, pagiging wais, pero sa buhay natin ngayon, kahit gaano pa ka buti ang intensyon mo, bago ka makapagsimula, kinakailangan muna ng isang bagay, PERA, totoo, maraming nasasaklam dito dahil sa kakaibang kaswapangang binubunga nito pero aminin man natin o hindi, kailangan natin ng pera para mabuhay, pero kung ayaw mong tangapin ang pero...di ka mabubuhay, lahat ng dumedepende sa yo ay maghihirap din... kumbaga parang pagmahal mo yung tao, tutulungan mo sila at para makatulong ay kailangan ng...Badtrip talaga ang sistema. ewan. Nex taym nalang natin prolemahin yan. Pasensya na sa ispasyong nasakop. Sa kabilang dako naman ng mapa ay Nagkatagpo na ang Barko ni Herartse at ang wraithship, Willing naman si Skull na tumulong, kapalit ng isang malaking halaga, payag si arch, hari naman si mani. di nagtagal ay napagkasunduan nanila ang kanilang plano at tumungo na sa elderoth para sa olivia sakay ng Skullship. Sa loob, nagtingin sila arch ng mga pirated na cd at vcd, mula rey valera karaoke collection hanggang cool devices na rated-??, patago namang binulsa ni arch ang isang cd ng rupert holmes greatest hits. Pagdating sa elderoth ay nakasalubong na nila sila chiriko (kung nasan man sya...malamang nagko-komputer sya), Kinarge nila ang malaking behikulo sa hull ng skullship, medyo bumagal ang andar, BUT WAIT! THEREs MORE! nilabas ni giant ang isang kakaibang artipak na pinamana sa kanila ng isa sa mga geomancer sa elderoth, ang TURBO TIGER, "big or small the turbo tiger doz them all", pinagaralan ito ni lugia ng sandali, ininstall nya ito sa makina, inistart na ni mafia ang makina, broom! broom! (maniniwala na sana ko kaso may broom broom pa) Biglang rumatsada ang Mabigat na skullship, talsikan ang tubig, nagambala ang karagantan. Mabilis silang nakarating sa Galbota, lumampas sila sa baybayin dahil sa mabilis nilang bwelo. Nagpatila muna sila ng gabi. Kinabukasan ay madaling nagaya si Chiriko na tumuloy, mis na mis na nya ang lupain nya.(kahit hindi) Nagpaalam na si arch, pero wais si skull, di sya mawa-wan-to-tri, siningil nya si arch, munit alam naman nating lahat na walang pero si arch noong panahong yon, prinamis ni arch na babayaran nalang nya next taym, di kumagat si skull, dinagdag ni asero na kung gusto nya ay sumamanalang sila, sigurado nga namang makatutulong ang mga pirata sa pag kakarga ng malalaking parts ng dragon wing, nagisip-isip si skull, kinausap nya si mafia, napagdesisyonan nya na sumama, magisa, nagulat ang mga pirata, nagpaalam agad si skull at pinasa muna kay mafia ang pamumuno, medyo tumanggi si arch nung simula, pero parang may kakaibang plano si skull, pati ang mga pirata ay naki kooperate nalang. Nilakbay nila ang pinaka malapit na base ng serpent, doon sumakay sila ng kabayo at nakarating din agad sa sentro ng serpent holm, kung saan nilipat na nila shinja ang labi ng dragonwing.

Pahina Otsyo...Otcho...ot..ewan!