Pahina Otso!

Game na! Pasensya nakung natagalan yung kasunod...medyo marami naring nagbago sa ating kapaligiran..., andaya ni mau, pinalitan nanaman nya yung password nya...ako rin kaya...game. Halos maluha, luha si arch sa nasilayan, namis din nya ang kanyang pinakamamahal na barko, nagunat ang grupo at nagsimula ng magkakalikot, tinungo naman nila chiriko kasama ang isa sa tauhan ni shinja na si vetkin ang gaea para humingi ng tulong sa mga elves, nakasakay sa kabayo si chiriko...tinakbo lang ni vetzin ang byahe...naalala ni chiriko si pedro... Sa kabilang dako naman ay kinalikot na nila Mani ang labing tatlong ispada...at pinagparte-partehan na ito, tinago na ni Zetaro ang Zeta weapon...tutal kapangalan nya naman ito, pinagaralan pa ng iba yung mga armas, napili ni mani ang mahabang ispadang kung tawagin ay TYRA weapon, napili naman ni Aspollo ang X-caliber, nakipagagawan naman si rachia kay goyoy sa necra weapon at nagwagi, na second choice ni goyoy ang Wakka...dahil sa kakaiba nitong korte. Kinalikot naman ni Naob ang Omega weapon...munit pinili nya ang gamma. Hindi na pumili si butcher at pinagmalaki ang kanyang Makesha axe at di na daw nya kailangan ng iba pa. Lumarga na ang grupo pabalik sa laruna, para ipatago kanila gob ang mga Weapon. Doon Nakasama nanaman nila si triger at nagplano ang iba na tumungo sa Windrea habang balak namang bumalik nila naob at aspollo sa char. sumama sila aiyan, si insan at si cellah sa Windrea, para umuwi. Pinuntahan muna nila si _______sa windrea at sinundo narin ni naob sila Kathy...dito nagkatagpo nanaman sila ______ at Zetaro...at dito kinausap nya na ang prinsesa, bago mawalan ng panahon... medyo isesekreto ko nalang yung mga panyayaring yon, basta, nagka"BUSTEDAN" Inatake si Zetaro ng kalungkutan, munit di nya na rin pinapakita, para wala nang gulo...at nang nagtagal ay dina nagsusumamo, lahat na ay nagbago, dito sa puso ko, wala na syang litrato akin na ang kandado akin ng isasarado. Maraming beses nyang sinubukang kalimutan na si ______ munit di rin ito ganoon kadali, may mga panahong nagbabalik to, may mga panahong tahimik na ang tibok... pero gaya nang napagsumpaan, mula pa ng simula nitong mahabang istoryang to, kahit anong mangyari, may lugar parin sa puso ni Zetaro si _______, dahil sya ang dating prinsesa, sya ang dating inspirasyon. tama na. yon, nagpakalayo-layo muna si Zetaro at sumama kanila Aspollo pabalik sa char, kasama sila naob, bogarts, kathy, viaka, diana, triger, carla at valerie, at nagkausap-usap sila nila Gov na susunod sila sa Char...at parang may planong hanapin sila bogarts at gailah sa char... isa daw dating kaibigan... sumama sila goyoy at rachia ng marinig ang impormasyon, nagpaiwan na sila mani at butcher at naglakbay para hanapin ang hagdanan patungo sa gateway na nasa windrea lang daw sabi nung libro na nahanap ni ______, hinanda na ni Goyoy ang otto at lumarga na ang grupo, patungong char. Ganabi sila at naghanap muna ng matutuluyan, humiwalay na si Aspollo para bumalik sa kanila habang natulog muna ang iba sa isang inn. Kinbukasan ay nandoon na sila gob, ginara, neri, teng, gaihlah, jebal at emaron. Tumungo muna sila sa orca, para makigulo sa mga redmage. nagpaiwan dito ang iba at napansin nilang wala doon sila ninalor at reylin, sabi ni ynes na nagpaalam daw kanila ate kat kor, kasama ata sila hannah. hinayaan nalang nila at hindi na nagalala. Inaya naman ni Bogarts na sumama sila Triger para hanapin DAW yung dati nyang more than kaibigang mis na mis na nya, nagtanghalian muna ang lahat, medyo naglakwatsa muna sila Zetaro, goyoy, rachia't Jebal, habang tumuloy na sila Naob at sila kathy para bumalik sa kanilang minamahal na lupain. Nadaanan nila Zetaro ang Syudad ng mga bitwin...isang masayahing lugar na tila naging cursed dati dahil sa... ...pagbalik nila eh nabalitaan nilang nagaway daw sila Neri at si gailah...tumabinge lahat nang ulo. talagang di maiiwasan ang mga riot. Sinama na ni bogarts si gailah para hanapin ang kaibigan nilang Sorceress ng Yebe. sumama sila Zetaro, rachia, goyoy at humabol si aspollo, habang naiwan naman ang iba para maghanap...ng kung ano mang makakain, nakagugutom kasi, inupakan ni emaron yung pasas sa prijeder nila kathleen na binabad sa yakult, nagliyab ang orca. Di alam nila bogarts kung saan hahanapin ang kanyang minamahal na more than kaibigan. basta sa Flux daw... Habang naglalakad sa port ng pyres ay naakit si goyoy ng isa sa paninda ng isang tindahan sa pier, inussyoso muna nila bogarts ang mga paninda at ineksamen naman ni goyoy ang isa sa mga kakaibang items, binuklat nya ito at nilapitan sya nang tindero at nagkwento ng kung ano-anong pagpupuri sa kakaibang "BANIG", nagtaka ang grupo kung ano ang nakita ni goyoy sa banig, natahimik ang lahat, rinolyo uli pabalik ni goyoy ang banig at biglang initsa ito sa tubig, sinubukan syang pigilan ng grupo, munit biglang bumuklat ang banig at lumipad ito pabalik sa kapatagan ng port, nagulat ang lahat, tama ag hinala ni goyoy, magic carpet? tanong ni Bogarts, flying carpet? tanong ni rachia, hindi, magic, flying banig! at sa tulong nitoy mas madali nilang makikita ang kaibigan ni bogarts, natuwa ang lahat, sa gulat din ng tindero ay naisahan sya, naitakas ng grupo ang banig. Inekspleyn ni goyoy na masmasaya daw ang banig, malaki ito, at saktong kasya ang up to 10 person sa isang simpleng higaan, nilipad nila patungong flux at doon madaling nakita ang isang kagubatang nababalutan ng yebe, may paaralan daw doon, sabi ng isa sa mga residente, sila ay naglakbay...para magimbestigate. Pinauna nila si bogarts, tutal sya naman ang sanay sa kagubatan, medyo may pagka wild ang yebeng gubat, at sa gitna ay sinalubong sila ng isang mataas na pasikot-sikot na yebeng gusali, ang paaralan ng miyandor, kung saan minamaster ng mga sorcerer at sorceress ang red magic na pang yebe. Parang walang tao pag unang tingin, munit pagbukas nung maladiamond na gate ay sinalubong sila ng mga mababait na sorcerer. Nagtanong-tanong si bogarts tungkol sa kanyang kaibigan, medyo tinour pa sila sa malaking parang paktory ng gamot...? na gusali. tuloy lang ng pagakyat ng hagdan sila bogarts, nabighani sila sa magagandang crystal na nakabalot sa mga kisame...at parang napaka raming telepono dito... at fountain na umaapaw sa ...red horse? natahimik ang grupo, at galing sa kung saan man ay nahagupit si bogarts ng isang malaking FROZEN ORB, gumulong-gulong ang grupo pababa ng hagdan...nagpaumanhin si... TAN DAN DAN!!!! si Artizsce Riekkunoa! Ang parang DIWATANG Sorceress na kalabing ni bogarts na kaibigan ni Gailah! noong taga Gabotah pa sila, medyo nahirapan sa pagbigkas ng pangalan ang grupo kaya tinawag nalang nila sya sa kagalang-galang, kahindik-hindik, kagila-gilalas na pangalang Y@MI! nagkwentuhan ang grupo, at medyo iniwan muna nila ang naglalabing-labing na sila bogarts at y@mi at nagikot-ikot sa malapalasyo ng yebeng paktory na paaralan. makulimlim naman ng biglang...BANG, nagkaroon ng isang napakalakas na lindol, medyo nayanig ang kagandahan ng miyandor, agad binalikan nila zetaro ang dalawa, nagkasalubong sila sa isang hallway at kinakailangan daw nilang lumisan, medyo naggigigiba na ang gusali, pinakawalan ni Zetaro si malory habang tinutunaw naman ni Aspollo ang mga yebeng bumabaksak, hinanda ni goyoy ang otto, este ang magic flying banig at nagsakay narin ng ilang mga sorcerer, sunamon ni Gailah si Fiskar, isang beast na alaga nya at pinabangga nya dito ang diamond na gate, naglabasan ang lahat, munit di maiiwasang may nasawi sa mga sorcerer, munit paglabas nila ay hinarap sila ng kakaibang kalaban... ...Sinakyan ni Zetaro si Malory at naghanda, binunot nya ang Zeta weapon at naghanda narin ang iba para sa isang labanan, galing sa kung saan man, naglabasang ang mga parang...demonyong halimaw, tinugis nila ang mga ito kasama ang mga sorcerer at sorceress munit tila parang di ito nauubos...parang yung mga kalaban sa serious sam, tila parang naipit sila sa panganib, lumaban silang lahat ng buong tapang...munit parang ngayon ay nagdidilim ang kalangitan... isa-isang nagtumbahan ang mga sorcerer at sorceress na kasama nila, napakarami nang mga demonyito, plinano nalang nilang tumakas, di makapaniwala si Zetaro na magagapi sila ng ganoon-ganoon na lamang, bumayo si bogarts ng mateo at nalusaw ang mga halimaw sa kanan nilang side, sumakay uli sila sa magic flying carpet at nagangkas ng pinakamarami nilang maisasakay at lumarga na, nagpatrolya muna si Zetaro...munit parang walang natira...napaslang halos karamihan ng mga taga miyandor, sa himpapawid, nakita pa ni Zetaro ang pagbagsak ng miyandor, namuo ang galit ng grupo, at nagtaka kung saan ng galing ang mga demonyito. Paglampas nila sa kagubatan ay ginulat sila ng kaganapan, halos nababalutan na ang syudad ng mga maiitim na demonyito... at pumasok na sa isip nila si Exceres... nagmadali silang lumipad patungong Orca para balikan ang mga kaibigan, nadaanan nila ang mga labi ng mga blazeknight na namatay para ipagtangol ang Flux...munit sa isang paunang atake ng mga kalaban ay bumaksak agad ang bayang ito...tila wala na silang magagawa, sakalayuan ay napansin pa ni Rachia ang mga tesla tower na lumalaban... ang pinaka malakas na armas ng flux, tila bumaksak din, sa baybayin ng pyres ay nakita nila ang mga blazeknight na pumipigil sa mga pasugod na demonyito, bumaba na ang konting sorcerer nilang naiangkas, bumaba narin si aspollo, sumama narin sila Zetaro at rachia, munit minabuti nilang tumuloy sila Bogarts, Triger, goyoy, yami at gailah patungo sa Orca, pinabilis ni goyoy ang lipad, nakitulong naman sila Aspollo sa mga blazeknight...munit nahalata nilang hindi na to basta-basta riot...isa na pala itong malaking digmaan. Kahit sa tulong nilang tatlo'y bumigay parin ang mga gate sa baybayin, nagsiurungan lahat para mapaslang lang ng mga demonyito ni Exceres, sumakay sila kay malory at sumunod na sa Orca, ginising sila ng masakit na pagkakabigo, harap-harapang pinaslang ng mga kalaban ang mga taong parang kainuman lang nila noong isang gabi. sila'y natauhan. Pagdating sa orca'y iba't-ibang mga nilalang ang nagdedepensa sa baybayin sa timog, tila ang mga goblin at ang mga dwarf na taga Char pa ay napadpad na sa pyres...munit sila Naob!, Nagkita nila ang mga Sorceres nilang kaibigan, tila mukang kaya nilang depensahan ang baybayin dahil sa dami nila, munit pinaalala ni Amaburns sila ______ na nasa Windrea, naalala ni Zetaro ang mga dragon, ang makatatalo kay Exceres, inaya nya ang grupo para tumuloy sa windrea, ang daanan para makapunta sa templo ng mga elemento, nagmadali silang naghanap ng barko, munit maraming tutol sa plano nila, kailangan nilang puntahan sila naob...kilangan din nilang puntahan sila Babes sa Wateru, Sakay ng isang malaking skyship ay dumating ang reyna si mam Cecil, Kailangan daw muna nilang humanap ng labing dalawang mandirigma para humawak sa labing dalawang dragon, dito pinagdesisyon sila Zetaro, aspollo, goyoy at rachia, magagawa ba nilang iwan ang kanilang mga kaibigan para mailigtas ang mundo? sila Yami narin ang nagsabi, sila na daw ang bahala sa pyres, kailangan daw nilang magmadali at hanpin ang mga dragon, sumakay ang apat, inaya na nila si triger at bogarts para sumama sa labing dalawa, nilisan nila ang pyres, habang naiwan ang kanilang mga kaibigan... Nagmadali silang lumipad patungong Windrea, di sila mapakali. Sa baybayin ng aerona ay nakita narin nila ang pinsalang dinulat ng unang opensiba ni Exceres, at ang dating masaganang bayan ng Avalon ay ngayo'y ginulanta na ng digmaan, sumakay na si Zetaro kay malory, naki angkas na sa kanya si Aspollo at naunana sila sa templo ni mani, nakasalubong nila ang mga nagmamadaling mga skyknight, at hinanap na nila si mani, nakasa lubong nila si butcher, nakita na daw ni mani ang templo ng mga elemento, munit kailangan daw nila ng hagdan para makatungo doon, nasa ibabaw daw ng De_aztec ang kaharian ng mga Zerafin, at doon matatagpuan ang templo, nasa kastilyo daw si mani. Agad pinuntahan nila Zetaro ang kastilyo, naabutan nila si mani na namumuno sa kanyang mga heneral, kailngan daw nilang hanapin ang labing dalawang hahawak ng dragon, naalala nila sila arch...munit nasan sila, inutusan ni Maning si Zetarong pumunta ng Wateru, kung saan inaasahan nyang mahina ang depensa, hinanap muna ni Zetaro si _____ at nagpalam, nagmadali sila ni Aspollo at nagpaalam narin kanila mam Cecil, sumama sa kanila si Goyoy at Rachia munit di sila kaya ni Malory, nagpaiwan nalang si Aspollo at nakitulong na sila sa Avalon. Nagwaypoint sila Zetaro patungong laruna at nasilayan ang mga merfolk na tumulong sa pagproprotekta sa mga isla, munit tila parang nakakalamang parin ang mga kalaban, safe naman sila babes, at nakita nilang nagbabantay si Bot, sakay ng isang Titan engine na nahukay nila ni Jebal nung kumakeylan lang, sumakay din si Goyoy sa isa sa titan engine at madali itong na maneobra, nagusap-usap muna nga mga plano, hinanap nila Zetaro sila Arch, munit wala parin daw sila, maya-maya ay nagkasigawan sa labas ng S.K.A. at nakapasok na daw ang mga kalaban, naghanda ang lahat at nakiriot na, kasama ng iba pang waveknight, dinurog nila Rachia ang mga kalaban kasama ang nasummon na sea serpent, habang binubuhay uli ni rachia ang mga necro nyang bangkay, munit nahalata nyang madali lang ang mga itong mapatumba ng kalaban, galing sa kung saan man ay lumabas ang isa pang malaking Halimaw, isang itim na undead na dragon ang kumalaban sa serpent ng mga Waveknight, nilapa nito ang serpent gamit ang matatalim nitong kamay, nadaganan ng bangkay nung serpent ang ibang mga Waveknight, tumuloy ang paglusb ng kalaban, kasama ang malaking itim na dragon, sinugod ang S.K.A. at nagalisan na sila sakay ng titan engine at ng iba pang artipak, sumakay sila Legaya at Mayka kay malory habang lumipad na si Zetaro, tumakas na sila munit nakorner din ang mga titan, nagpakawala ng mga Lazer ang engine munit na ubusan din ito ng mana, sumugod ang itim na dragon at napatumba ang isa sa engine, nalaglag sila bot, kasama si Aluma, nabadtrip si goyoy, bumabasya sa engine at hinarap ang dragon, nagipon sya ng isang maliit na asul na bilog, tinutok sa dragon at nagpakawala ng isang FROZEN ORB, timulapon sa malayo ang dragon, munit hinagip si goyoy ng tatlong demonyito, dinagit ni Zetaro ang dalawa, at hiniwa ito, kalat ang itim na dugo, napalabang ang grupo, munit parang never ending ang mga kalaban...RELENTLESS naipit ang grupo, kailngan nila ng sasakyan, tila nawala na lahat ng mga kakampe...pagod na pagod na sila, tumagal pa ang laban at napuruhan na si rachia, kinarga sya ng titan engine ni bot at nasilayan nya ang mga bankay ng iba pang mga waveknight bago sya hinimatay sa pagod, naubusan narin ng lakas si Zetaro, munit pagnakikita nya sila babes ay nakapipiga pa sya ng lakas...munit hanggang kailan ito magtatagal... naisahan si Zetaro ng kalaban at natuhog sa kaliwang binti, agad syang nilapitan ni goyoy at nagkast ng huling spell para maistun ang mga kalaban...naibos na ang kanyang mana. medyo parang nawalan na sila ng pagasa, munit pilit paring bumangon si Zetaro, dahil hindi sya papayag na hindi na nya makita uli si... ... galing sa kung saan man ay may nagpakawala ng dalawang asul na panira, napatingin ang grupo sa langit, at laking tuwa nila... Sila ARCH! nakakuha uli ng konting lakas ang grupo, sabay-sabay nilang tinakbo ang kalaban sa bukanang nagawa ng panira nila arch, nagpakawala uli si Asero ng lazer at binabaan na ni arch ang lipad, nagbitaw si giant ng mga lubid na parang hagdan, nagsikapit ang lahat, kinapit ni bot ang isa pang natirang titan engine sa bumper ng skyship, nang nakaayos na ay inangat agad ni arch ang lipad, humabol pa si Asero ng dalawang panira, kahit papaano ay natuwa si Zetaro, na makita uli ang mga kaibigan. Naalala nila sila Beedzey at plinanong bumisita doon, nasilayan nila ang paglubog ng Laruna, nakita panila ang mga dati nilang tambayan, ang public market...lahat nasira. nagmadali na si arch at binust na ni Lugia ang "Bagong" mana engine na pinalakas ng batong tinatawag na children of the Core, na binigay pa sa kanila ng mga elves at ng Turbo tiger. Nang narating nila ang De_aztec ay nanibago na sila, tila sarado ito at parang nakokoberan ng itim na ...kung ano man yon. mukang hindi nila ito mapapasok... ilang minuto pa ay may lumitaw na kamay galing sa itim na kung ano man, nilayo nila ang skyship at wala nang nagawa kundi na umasang ayos pa ang mga kaibigan, nagdesisyong silang balikan muna ang mga kasama sa pyres. Pagdating nila ay wala na rin silang naabutan, nalungkot silang lahat munit hindi sila naniniwalang nasama na ang mga kasama nila sa mga nawala, nakadama ng matinding pagsisisi sila Zetaro, lalo na't iniwan nila ang mga kasama, sinunod nila ang char para hanapin sila naob, tila walang nagbabantay na kalaban at bakante ang mga gubat, naglanding sila sa isa sa mga tribo dati ng mga Goblin, napansin nila ang isang malaking punong umiikot...at parang tumitingin sa kanila, sinugod ito ni giant at nasira ang puno, nakita nyang nagbabaan pa ang mga nagmamasid...napansin nyang mga goblin ito, pinalaki nila yung butas at bumaba, at dito sinalubong sila nila naob at ang lahat ng mga natira sa pyres, at laking tuwa nilang kasama ang kanilang mga kaibigan, laking tuwa ni Zetaro ng makitang nakangiti pa si... Nagkamustahan ang lahat...napansin ni Asero na parang may kulang... oo nga, sunod ni goyoy, sila hannah, macky, ninalor at reylin, Di narin daw alam nila Ynes kung nasan ang iba, hindi nadaw kasi sila nakabalik mula nung umalis sila grupo, malamang safe naman sila kung kinupkop sila ng Atomo, umasa uli ang grupo, pinaalala ni emaron ang tungkol sa tunay nilang trabaho, para matapos na ang lahat. nagkabalitaan pa muna, nalungkot sila Ginara sa balitang paglubog ng Laruna, dinagdag ni Zetarong kailangan na nila ng labing dalawang bolunteer para humawak sa dragon, at masmabuti na daw na maiwan muna ang iba dito sa safe na lugar ni naob, naidagdag nila chiriko na Safe na safe ang galbota, niisang halimaw daw eh di makatagos, medyo nakaisip na ng plano sila gob at arch... Nagpaiwan na ang iba at sumama nalang sila Arch, Asero, lugia, emaron, giant, naob, Zetaro, goyoy, Rachia At si skull habang binaba ni chiriko sa dragonwing ang olivia kasama sila bot na nagbaba rin ng titan engine, para kung saka-sakaling kailanganin nilang bumalik sa Galbota, kung mapaaway man sila, nagpaalam na ang lahat... ...hinanap naman ni Y@M! si bogarts at sumama narin kanila arch. Umalis sila ng nagmamadali, patungong Avalon, sa kalagitnaan ay natanaw uli nila ang De_aztec, at napasin nilang parang may namumuong tore sa gitna na isla. Naabutan nila si mani nanakikipagusap sa kanyang mga heneral, Natuwa naman si Y@m! ng makitang ayos pa si Bogarts...lumayo muna ang dalawa, nakibalita naman muna ang iba, natuwa sila mani na ayos pa ang iba, at nagpasalamat at ayos pa ang dragonwing, ang templo daw ng elemento, ay nasa ibabaw ng dating kaharian ni exceres, ang de_dust, naalala ng grupo ang namumuong tore, at baka may kinalaman ito, pinagmadali sila ni mani, kailangan na daw nilang umalis, pinakuha pa nya yung natitirang mga armas Inalok na nya ito at pinagparte-partehan na nila, wala narin pake yung iba kung ano yung makuha nila, basta makalakad na, nakuha ni Asero ang raka, ang omega naman kay skull, at ang atma kay Emaron, nakita naman nilang ginagamit na ni Triger ang dega at napadpad ang Ultima kay arch. Plinano nilang wag nalang gamitin ang Siga, nang napagkaalaman nilang magagawang magkast ng APOCALIPZ spell kung maihahampas ang labing tatlong ispada sa isang bagay, tila isang delikadong galaw, at tutal eh mahirap gamitin ang siga...dahil sa weirdo nitong korte, pinatabi nalang nila ito kay Giant, nasumamanarin sa paglakbay. Naghanda na ang lahat at sumakay na sa skyship, kasama sila Mani, arch, emaron, aspollo, goyoy, naob, skull, giant, asero, triger, rachia, Zetaro, _______ at nagpaalam na si miya kay Bogarts. Pinaadar na ni lugia ang New and improved na mana engine, pinahabol ni mani kay butcher na bantayan muna nya ang kaharian habang wala si mani, nagpaalam na ang lahat at lumipad ng mabilis sa himpapawid. Tinuloy naman nila Valerya ang paghiheal sa mga nailigtas pa nilang mga mandirigma, kasama ang druidress na si gailah gamit ang green magic. Nagusap-usap naman sila kathy, gob, amaburns, jebal at chiriko kung lalaban pa sila, kung tutuusin, kahit marami pa ang mga kalaban eh mauubos din sila, lalo na kung pagtutulungan ng apat na kontinente ang mga ito, nagsuggest si jebal na kung iipunin muna at patatatatagin nila ang depensa sa galbota ay malamang di ganoon karami ang masasawi bago dumating ang labing dalawa, munit mahirap daw kumbinsihin ang mga tao dagdag ni Kathleen, mahihirapan silang kumbinsihin ang mga tagaibang bayan na tumulong para depensahan lang ang isang kontinente, di nila magagawang iwanan ang sarili nilang bayan, ang sarili nilang tahanan, pero natatalo na sila, isa-isang bumabaksak ang mga bayan dahil hiwa-hiwalay sila, wala silang magagawa, kundi ang magkanya-kanya, naisip ni chiriko na malamang masmabuti kung magtutulungan ang apat na kontinenteng depensahan ang tigiisang bayan sa ibat-ibang kontinente, kagaya ng Avalon sa windrea na matatag ang depensa, ang atomo sa silangan na kilala sa kanilang kapangyarihang militar, malamang ang blizzera sa Wateru na wala naman masyadong nakatira, na malamang ay di parin nga nasusugod, at ang isa sa bayan ng galbota, o ang harapan lang ng galbota mismo, basta magtutulungan at magshashare ng mga mahika at kapangyarihan, malamang hindi bibigay ang mga bayan. Maganda ang plano ni chiriko, kailangan nilang kumbinsihin ang kanilang mga pinuno. Naghanda ang lahat, Napagplanuhan nilang babalik muna sila Micah, babes, joie, donna, hessel, coco, ginara, aluma, jeffspike at si gob sa Aquaron para maghanap ng mga kasapi at iipunin nila ang mga ito sa blizzera, munit alam naman nilang kokonti ang mga natirang mga mandirigma ng wateru, kaya nagbolunteer sila jebal at gailah na magsasama ng mga tauhan na taga galbota para tumulong sumama narin kay gailah si kaibigang Yami, nagplano naman sila amaburns, kathleen, ynes, Neri at teng na tumungo sa Avalon, habang sila Kathy, carla (ate kar) , diana, viaka at valerya naman ang kakamusta sa Atomo, at hahanap narin kanila hannah bay. Hinanda ng mga goblin at dwarf ang mga battlewagon ng mga goblin na gagamitin nila sa byahe, medyo delikado daw kung sa normal silang kalye dadaan, kaya magpapaagos nalang sila sa mga lava na tutumungong atomo na parang ilog, init proof naman daw ang mga malabarko nilang mga battle wagon. Hinanda narin nila chiriko ang olivia, magiipon sila ng mga tauhan na galing sa galbotah at magpapadala sa Blizzera, habang ipagpapatrolya nila ang mga green dragon ng dragon clan para makahanap pa ng mga survivor sa Wateru. Lumakad na ang grupo, ang mga nasa 30 pataas na battlewagon ng mga goblin at ang olivia na patungong galbota para ibalanse ang kapangyarihan ng apat na kontinente sa panahon ng krisis. Derederetso naman pataas ang dragonwing ng biglang kinalampag sila ng kapahamakan, labanan nanaman, di nagdalawang isip na sumugod si Zetaro, sumakaw kay malory sila triger at rachia, habang sinamahan muna ni emaron si ______ sa ilalim na deck ng barko, nagpakawala ng mga lazer na blue mana si Asero ng masilayan ang mga nakasakay sa mga depakpak na halimaw ang mga itim na kalaban, nagcharge agad si aspollo at pinatamaan ng unang level na fenix strike ang kalaban, bagsak ang isa, sinubukan na nila rachia ang mga ispada, habang patuloy parin si arch sa pagmamaneho, naglanding ang isang hangal na demonyito sa skyship...kinuyog sya nila Naob at giant, nilundag naman ni mani ang isang demonyitong nasa gilid ng skyship sabay tawag kanila triger, tuhog ang kalaban, binuklat nya ang isang parang metal na pakpak na parang parasyut, sinalo naman sya nila malory, binaliktad ni Zetaro ang talim ng Zeta weapon at ginamit ang pa-hook nitong dulo para laslasin ang isa sa halimaw, nakadadama sya ng galit...at medyo parang wala sa sarili...isang salik na makagagapi sa kanya... tumuloy na ang dragonwing munit hinahabol parin sila, nang nakalampas sa sa mga ikalimang palapag ng ulap, ay nasilayan na nila ang mahiwagang virgin na kaharian ng zerafin, bumalik na sila Zetaro at sila malory sa barko at binilisan na ni arch ang takbo, humabol parin ang mga demonyito munit nang nakalapit sila ay parang sinalubong sila ng mga... ... Girl your my ANGEL bert? oo, isang batalyon ng angel, nagsiurong agad ang mga demonyito sa anino palang ng mga angel bert, parang winelkam naman ang grupo ng mga angel...puro hi girz hangang makapasok na sila sa lumulutang na bayan ng Zerafin, naglanding sila sa isang open feild at nagpahinga ng konti, naglibot-libot sila at nagtanong-tanong, pansin nilang karaniwan ng mga angel ay babae, may mga lalake rin, at isa sa mga ito ang lumapit, nagpakilala syang si Izual, at winelcome sila, naglakad-lakad ang grupo at pumasok na sila sa pinaka gate ng Zerafin, tila parang parke ang looban, may mga puno, simpleng gusaling mga tahanan, parang perpektong komunidad...parang. Hinrap sila sa Pinuno ng mga angel, si ArchAngel(di si roston) TYRIEL, nagulat ang karamihan...pamilyar ang pangalan...siguro kasi may kopyright ang diablo 2 sa nabangit na pangalan pero hindi naman nila alam yung D2 kaya kunwari pamilyar lang sila. Natuloy ang usapan, hi-tek magsalita si tyriel, parang nage-e-eko yung boses nya, 50watts pa yung umiilaw nyang pakpak, pansin ni skull ang makulit na motolite na nakasabit sa likod ni tyriel...kumbinsing! Tinuloy nila ang lakad, maraming sinabi si tyriel na ka ek-ekan na wala namang nakinig, dinala sila sa templo at doon daw ay may APAT NA DI KILALANG ARMADONG KALALAKIHAN na naghihintay sa kanila...nagtaka ang grupo, medyo parang nakalimutan na nila yung kagaluhang nagaganap sa lupa dahil sa katahimikan sa Zerafin...

Pabalik muna