Page Pang-anim

Isang araw naman sa base nang mga Lotus clan ay pinag-usapan na nila Zymeth at nila Koril ang plano sa isang pagsalakay, syempre kasama na ni Zymeth si Goyoy. Medyo Eksayted si Goyoy sa parating na paglusob, medyo nauhaw sya sa pagra-riot, puro kasi pagtretreining lang ang ginawa nila ni Zymeth. Napagplanuhang aatakihin nila ang outpost malapit doon sa unang pinagkatagpuan kay goyoy, biglang pumasok sa isip ni goyoy si Aluma, at ang mga kaibigan, inakala nyang nilamon na sila ng mga KANNIBALS, nalungkot sya at pilit kinalimutan ang trahedya. Dumating ang araw ng paglusob at madali nilang nasakop ang outpost, nadakip nila ang mga naiwang buhay na kalaban, kasama si Chiriko, ang namumuno sa encampment na outpost. Ilang araw at nabalita na agad kay shinja ang biglaang paglusob nang mga lutos, mukang mapapaaksyon sila, nalaman nila mani ang nangyari at naalala nang mga babae si Chiriko at nagising sa mga tunay na kapahamakan na bumabalot sa Galbota, naisip nila ang mga kasamang nagtungo sa kampo ng mga Dragon clan at si Rachia na magisang naglakbay patungo sa nasabing clan. Sa Dragon naman ay agad tinanggap sila Jebal at ang mga kasama nya, napaka payapa sa clan ng mga dragon, mababait ang mga tao at tila parang di nalalasing ang mga residente. tahimik sila, di lamang sa labas, kundi sa puso. Nakilala nila si Atomo, ang tumatayong pinuno nang clan, kwinento nya ang pagkawala ni Kenji, at kung sakaling babalik sya para mamuno uli, ay agad naman nyang ibabalik ang pusisyon. Parang resort din ang dragon clan, at ilang araw ay dumating na si Rachia, ligtas at pagod...pagod na lasing na di maintindihan. Nalaman nila ang mga kakaibang tradisyon, asal at sistema nang mga dragon clan, medyo nakakabagot din minsan sa sobrang pagkabait nung mga tao doon, pero marahil dito mo nga matatagpuan ang tunay na katahimikan. Nalaman nila ang tungkol sa Dalawang Dragon na parang inaalagaan ng Clan, ang lalaking green dragon na si Gradeus, at ang babaeng green dragon nasi Illumina. Isang araw ay inaya sila nang isang archer galing sa dragon clan para bisitahin ang dalawang dragon, Medyo parang natatakot si Cocong sumama, pero parang ewan nya, may kinalaman siguro duon sa "tadhanang sinasabi nya. Tumuloy silang lahat, medyo eksayted sila butcher at Rachia, lalo na't ngayon lang sila makakalapit sa isang malaking, mabait na dragon. Si arah, yung archer na nag-aya, ang naging Guide nila. Sa lotus clan naman ay natuwa si Zymeth nung nalaman nyang nahuli nila ang isa sa mga pinuno ng ibat-ibang uri ng batalyon nang kalaban. Kinulong si chiriko sa isang kahoy na selda habang pilit syang nakikinig sa kung ano mang impormasyon ang binabalak nila Zymeth. Napansin din nya si Goyoy na mukang baguhan, lagi kasing nakadikit kay Zymeth, di naman nya siguro anak yon, biglang pumasok sa isipan nya ang mga natulungan nila nuong isang linggong mga bagong dating, malamang ay isa si Goyoy doon sa mga bagong dating...mukang pwede nyang pagkatiwalaan o goyoyin ang bluemage. Nagulat naman sila butcher nang narating nila ang bundok nung dragon, tila muka ngang trained na trained ang dragon, parang yung mga tigre sa mga palabas(making the video nung "My Sacrifice") Naglaro sila gov, ella at iba pa kasama ang dalawang mababait na dragon, sinakay ng dragon si kathy, habang inaalalayan sya ni naob, sinakyan nilang lahat ang dragon at lumipad ng mataas, halos kasing bilis nung dragonwing, masmasarap pa dahil mas delikado. nang natapos ang araw ang naging malapit din sa puso nila sila Gradeus at si Illumina, umalis na ang grupo at nagpaalam. Nanggabing iyon ay nakakita ng tsansa si Chiriko para makausap si Goyoy, nagkwentuhan ng patago ang dalawa hanggang sa nalaman ni Goyoy na buhay pa at ayos ang mga kasama, natuwa sya at agad tumayo para ikwento kay Zymeth ang tunay na nangyari, pinigil sya ni Chiriko, at ineksplika ang pwedeng gawing sa kanilang dalawa pero buo naman ang tiwala ni goyoy kay Zymeth, medyo naunawaan naman ni chiriko si goyoy, kung tutuusin, lahat naman sila magkakaibigan, dahil lang sa mga laban at ang pahirapang pagbabalanse ng kapayapaan ang nagiging dahilang kung bakit kinakailangan nilang maging malupit sa isa't-isa. Pinayo parin nya kay goyoy na wag nalang nyang ibalita ang tungkol sa mga kaibigan. isang gabi ay nagkausap uli nang maluwag sila Zymeth at Goyoy, pinaalam na ni Goyoy ang tungkol sa mga kaibigan at ang tungkol kay chiriko, at ang panananaw nung Kapitan ng mga Cannoneer, natuwa si Zymeth, at nagkwentuhan pa ang dalawa, kung tutuusin, di mo rin aakalaing naaapektohan si Zymeth ng Black magic, mabait din naman sya, medyo parang isa nga lang sya sa masinsinang nakakausap ni goyoy. Kinabukasan ng nagising si Goyoy ay nakita nyang nakikipagusap si Zymeth kay Chiriko sa hapag kainan, medyo nagulat sya at nakadama nang tuwa dahil mukang nagkakaunawaan ang dalawa, sumama sya sa usapan at naging magkaibigan din ang tatlo, gera nga kung gera, pero wag naman siryosohin, sabi ni Chiriko. Ilang araw pa ay nakapagplano na ang lutos para sa isang opensiba laban sa mga Wolf clan, nagpaiwan si Chiriko sa Kulungan at pinaalala kay goyoy ang tungkol sa ilang kaibigang nadakip ng mga wolf. Lumarga na ang hukbo at naiwan si Chiriko...kasama ang mga nagshashakirang channeler...so high at petron! Sa lupain naman ng mga dragon clan ay madaling nakahalu-bilo ang mga kagrupo. marami silang natutunan, medyo nagtraining din lahat, pati mga babae, sa kakaibang teknik ng pakikipaglabang nang mga KABUKI warrior na tila parang isang sayaw. pagkatapos ng training o parang palaro ay makikita mong nakatayo silang lahat gamit ang kanang paa at kumakandirit paikot...weirdo, pero masaya, subukan nyo. Sa wolf clan naman ay walang tigil ang pangaasar ni Arch kay Gaihla...di ngalang nakuha ni Zetaro yung pinang-aasar. naging masaya rin sila doon, BINIGYAN PA NI ARCH NG PANA SI ZETARO...sana. Habang magkasama sila Giant, Zetaro at yung malaking mamang armorer na kilala sa katawagang "Smith" na naghahanap ng mga magagandang kahoy sa gubat ng isang hapon, nakadama si Zetaro ng isang nagmamasid sa kanila, sinundan nya ito nang magisa at nakabangga nya ang isang elf, agad nyang binunot ang panang binigay sa kanya ni Arch sana, pinagtawanan sya ng elf, di yung tawa "ha" kundi yung tawang pang asar, yung tawang naglulumpasay pa sya sa lupa. Pagkatapos nang asaran ay pinaalam ng elf ang kanyang pakay, binalaan nya si Zetaro tungkol sa ilang palusob na batalyon ng lotus clan, natauhan si Zetaro at umalis na ang elf, tinanong ni Zetaro ang pangalan ng elf, ang sagot sa kanya..."TRUST ME". Tumakbo si Zetaro at hinanap si Giant at si Smith, agad nilang sinabi kay greyback ang impormasyon, di agad naniwala si greyback...pero nung nakwento ni Zetaro yung tungkol sa "TRUST ME" ay nagmadali syang ihanda ang depensa. Nagumarteng mapayapa at tahimik ang wolf clan except kay Zetarong nangungulit tungkol doon sa ibig sabihin nung trust me. Dumating ang hapon at nadama na ng mga bantay ang papalapit na mga kalaban, Hinayaan nilang makapasok sa loob ng Quadrangle...nice!, ang mga mananakop, sa likod nang batalyon ay magkasama si Zymeth, Goyoy at ang isa sa general ni Zymeth na si Koril. Nagtataka sila habang naghanda naman si greyback, umaluhol sya at...RIOT NA!, tuwang tuwa sila Zetaro, kita mong sila lang ni goyoy ang parang nage-enjoy, hampas dito hampas doon, hanggang sa magkabanggaan ang dalawa sa gitna ng kaguluhan, nagulat ang isat-isa at...nagakapan? hindi nagbatian lang, nagkamustahan ang dalawa, nakana, iniwan mulang nang tulog si goyoy nung isang beses, tapos ngayon parang apprentice na ng isang pinuno ng clan, lakas nang bisnes!, binatukan sila nang sabay ni Arch, di ngayon ang oras para magkwentuhan, natauhan ang dalawa, nagmadaling kumuha nang armas at nagriot, laban sa isat-isa, parang pag laseng, tutal parang isports na kasi yon sa Laruna. Nakita ni Giant ang Matapang na Idol na si Greyback, tila parang di napapagod ang malaking mama, bayo dito, bayo doon, mura muna tapos bayo uli, warzone na warzone ang eksena. Sa katagalan ay wala paring tumutumba miski isa, napagisip-isip ni Zymeth na pakalmahin muna at paatrasin ang mga nanggangalit at naglalaway nyang mga tauhan, nang umatras ay pinaatras din ni Greyback yung mga tauhan nya, alam nilang oras na para sa pinaka magandang parte nang isang labanan, ang bigayan ng Speech, isa-isang nagkomentahan ang dalawang panig, may mga nagjoke, may mga nagmurahan, meron pang nag stand-up komedy, pero ng oras na nila Zymeth at greyback, natahimik na ang lahat. nang una ay di nagkikibuan ang dalawa, nagpapakiramdaman. Kilala sa kanyang tapang ay nagsimula si Greyback, P__@n_ !_@ mo!, di nakapagpigil si Zymeth at Sinabing _@n_ !_@ mo RIN!, nabwisit na ang dalawang panig at rumesback si Greyback nang isang _____tado! at nagsimula na ang Question and answer portion, liparan ang mura, ___ny__ dito at hina____ doon, puro _________ at __________, pati si arch ay naki _________ miski sa muka ni Emaron, nag ________ at _________ ang lahat, sa sobrang __________ ng mga ________ tao ay dapat ng binaban ang page na ito, pero ________ parin nang ________ ang mga _________ doon sa _______ battle field. Natigil ang lahat sa kaka ________ at _________ at nagpahinga ang mga panga nila. nang natapos ay nagiba lahat ang mga istablishamento ng mga wolf clan sa lutong nang mga mura nila, pero di mapagkakailang panalo parin ang mga wolf. habang dahan dahan nang umaatras ang mga kalaban ay feel na feel parin nila goyoy at Zetaro ang murahan, halos pumutok na ang mga dibdib nila sa sobrang kakatawa. hinimatay si Goyoy sa sobrang tawa ay kinarga na papaalis, nagpaalam sila arch sa kawawang binata. nakilala na ngayon ni Gailah si Goyoy. Sa lupain naman ng Serpent clan ay nagplaplano na sila Shinja kung paano gaganti sa mga lotus. sa labas, kinakalikot nila mani, aspollo at asero yung mga rifle nung mga musketeers. Parang artik ang mga nasabing armas. Isang araw ay nakita ni maning patagong nakikipagusap si Shinja sa isang elf. Di napigil ni mani at binuko nya si Shinja, nagpaliwanag si shinja, kinausap nya uli ang elf at maya-maya ay pinakilala nya na si BOGARTS, ang anak ni Lord Steal-leaf na pinuno ng mga elf sa Gaea. Nagusap ang tatlo. Ineksplika ni bogarts na sya ang tumatayong tagapagpayo sa tatlong clan, ang Wolf, dragon at serpent laban sa kung ano mang masamang balak ng mga lotus. Inutusan daw sya ng kanyang ama para bantayan ang lotus dahil sa paggamit nila ng Black magic. Kabisado ni Bogarts ang mga pasikot-sikot sa buong Galbota...at minsan ay nagawa na nyang maglakbay sa ibang kontinente gamit ang ilan sa mga hayop na kaibigan nya. Sa ibang salita ay palagala si loko. Maya maya ay pumasok si AMAburns sa kwarto at nagulat kay bogarts...dahil elf sya, tinawag nya ang iba at maya-maya ay nagiinuman na ang lahat. Sa dragon clan naman ay nagaayos na sila insan, gob at coco ng mga gamit. naghahanda na sila sa pagalis. Bago sila tuluyang lumisan ay binisita uli nila ang dalawang dragon. Sa wolf clan naman ay nalungkot sila greyback dahil sa pagkawasak ng kanilang mga straktura, umapaw ang galit nila at nafullcharge uli ang mga panga nila para sa pagmumura, sa tindi ng galit ni greyback ay pinagmartsa nya na lahat ng mga wolf clan, para sumugod sa mga lotus. Habang naghahanda ay pilit kinausap ni Arch si greyback na wagmagpadalos-dalos at pabigla-bigla nalang umatake, pwede silang maubos. Buo na ang pasya ni greyback. Nagayos ang lahat ng mga wolf clan, pati sila Zetaro ay handa naring maki riot at naghanap na ng mga pamalo...at mga placard para talagang riot. Kumain muna ang lahat bago umalis, PAALALA: Wag magswi-swimming ng busog, lasing, pagod o kulang sa tulog, salamat po -By Management. Nang gabing yon ay nagmartsa na sila, sa taas ng mga puno ay makikita mo ang mga torch nila habang naglalakad. Kinabukasan naman ng hapon ay nakarating na sila Zymeth sa unang base nila sa bandang kanluran ng lotaria. Nagpahinga muna sila goyoy doon. Ang mga nagmamartsa namang mga wolf ay nagtayo muna na maliit na base para noong gabing yon. Di na tulog si greyback, dahil insomiac din si Zetaro ay naabutan pa nya si greyback, linapitan nya ang pinuno at umupo sa tabi nito. Nagsalita si Greyback, naaamoy na daw nya ang katas ng mga lotus...naweirdohan si Zetaro at napatayo at lumayo. Kinabukasan ay pahirapan nanaman nilang ginising si Zetaro, oras na uli para magmartsa. naglakad sila hanggang narating na nila ang unang base ng mga lotus. Nagtago muna sila at nagmasid-masid, napansin nilang wala na doon si Zymeth, malamang ay naunahan na sila nung mga loko. dahil wala masyadong bantay ay pinalibutan na nila greyback ang maliit na base, nakorner nila ang mga lotus at dinurog ang mga walang kwentang residente nung base. Tumuloy na sila. Nang gabing yon ay narating na rin nila Zymeth at goyoy ang pinaka base nila. Nagpahinga ang dalawa at kinamusta sila ni Chiriko na tila parang bisita nalang sa mga lotus. nagusap ang tatlo at kwinento ni goyoy na nakita nga nya ang mga kaibigan nya. Walang tigil naman sila greyback sa pagmamartsa patungo sa pinaka base ng mga lutos. Ilang oras pa ay narating na nila ang pinaka unang depensang tower nung base. Sa kalagitnaan ng gabi ay pinatawag ni Zymeth si goyoy na mahimbing ng natutulog. Nakapikit pa si Goyoy ng pumasok sya sa tent, pagdilat nya ay nakita nya si Zymeth...parang may sakit, naglalabasan yung mga ugat at nalalagas na ang kanyang mga buhok, ibang-ibang sa kalagayan nya kanina. Agad nyang nilapitan si Zymeth at tinanong kung ano ang nangyayari. Di nakapagsalita si Zymeth at tinuturo nito ang kanyang bibig at tyan...sinubukang intindihin ni goyoy ang sinesenyas sa kanya, naisip nayang baka gutom si Zymeth, binatukan sya nang maysakit. natawa silang dalawa...munit maya-maya ay nagkumbulsyon na si Zymeth, napalayo si Goyoy at di malaman ang gagawin, pinatawag nya ang ibang gwardya, maya-maya ay dumating din si Koril. Nagwala si Zymeth at nalaglag sa kama, nagsuka sya nang dugo, naawa sila goyoy at koril, binunot ni koril ang kayang malupit na caret para tapusin na ang naghhirap na kaibigan, pinigil sya ni goyoy at nagaway pa ang dalawa, maya-maya ay napansin ni goyoy na may parang sinasabi si Zymeth, tinuturo nya yung kwintas nya, ang kwintas nyang may pendant ng tatak ng Lotus clan, kinuha ito ni goyoy at iniabot sa kanya, medyo tuloy ang pagsusuka ni Zymeth, kinuha nya at tinignan ang Pendant, naisip nya ang buong clan, maya-maya ay kinuha nya ang palad ni goyoy, tinitigan nya sa mata ang bluemage at iniabot ang pendant, tinatanong ni goyoy kung ano ang nangyayari..pero di makasagot ang nagdurusang si Zymeth, nagkatitigan ang dalawa at nakita ni goyoy na si Zymeth na ang nagsasabi, katapusan na nya, at parang balak nyang si goyoy na ang humawak sa lotus, pilit tinangian ni goyoy ang tungkulin, munit maya-maya't nagkumbulsyon nanaman si Zymeth, napalayo si goyoy at sa gulat nyay napaluha rin sya. Akala nila ay tapos na ang lahat, di nila alam kung bakit nagkakaganon si Zymeth, munit maya-maya rin ay lumabas ang isang kamao galing mismo sa duguang bibig ng master warlock. nagulat sila goyoy at ang mga nanonood, nakita nila ang nalalapnos na mata ni Zymeth at ang bakat ng isang mamang parang lumalabas sa katawan mismo ni ZYmeth, nandiri ang lahat, napahiga ang namayapa nang si Zymeth munit may gumagalaw parin sa loob nya, maya maya ay lumitaw ang pangalawang kamay nang nilalang sa loob ni Zymeth, binarag nito ang pinaka bungo ni Zymeth at nalaslas na ang muka ni ZYmeth, naghiwa-hiwalay ang pinaka ribs ni zymeth at tumapon ang mga malalagkit na lamang loob nya sa sahig ng tent, nagulat sila sa lumitaw, isang malaking mama na may isang mahabang pangil sa kanang side ng mga ngipin nya, pansin nilang parang wala pa itong paa, kundi parang laplap lamang na mga nakasabit na balat, parang di pa ito ganap na kumpleto. Dumating si Chiriko at nagulat din sa kanyang nasilayan, medyo nashock kasi ang iba, kaya sya lang ang nakaisip na upakan ang halimaw na lumitaw, agad nyang binunot ang ispada nung tulalang bantay, tinaas nya ang ispada para makabwelo at hinanpas ang halimaw, napaiyak ang halimaw at tinulak sya nang napakalayo, nagulat sila goyoy sa lakas nang halimaw, sinundan ni koril ang atake ni Chiriko at hinampas ng karet ang di maintindihang nilalang, ginamitan nang force feild ni goyoy ang halimaw para di makagapang papalayo, sa labas, tumunog ang mga trumpeta ng digmaan, may isang gwardyang pumasok sa tent nila at binalita ang mga papasugod na wolf, agad lumabas si chiriko para makipagusap sa mga nagwawalang rioteers. nakausap ni chiriko si greyback at ineksplika ang nangyayari sa loob, maraming sumamang mga usi...kasama sila arch. Nagulat sila sa halimaw...yak! Pinagkaisahan nilang tapusin na ang halimaw. naghanda ang lahat para bumayo, kasama sila greyback...nakadama si Zetaro ng parang pagkakaisa. Binitiwan ni goyoy ang force feild at sabay sabay bumayo si Greyback, Koril at yung dalawang Sledger. Pumalya pa ang atake dahil sa bilis nang paggapang nung halimaw, nagulat sila, sinubukang habulin ni Zetaro ang halimaw, munit nawala na ito sa kadiliman ng gubat. Kwinento ni Goyoy ang tungkol kay Zymeth...miski si Greyback ay naluha sa pagpanaw nang matalik na kaaway. Nagpahinga ang dalawang clan sa bubong ng mga lotus. Kinabukasan ay ginising si goyoy nila...ALUMA! oo, si aluma, nakana ang sweet naman, Paglabas nya ay nakita nya ang ilan sa mga tauhan ng mga Serpent, medyo nagkaroon ng handaan at nandoon lahat nang mga kaibigan nya. Kwinento ni aluma kay goyoy ang tungkol sa dalawang dragon nang mga dragon clan, nagkwentuhan din ang iba, nagpasikatan din sila Aspollo, Rachia at si Zetaro ng mga na Achieve, PInakilala nila Zetaro at Giant si Gailah at kwinento rin nya nung naging werewolf sya. Naging masaya ang kainan, pinakilala nila _______ at mani si Bogarts, ang dakilang lakwatserong elf, medyo nainlab si Coco... di na nga lang abeylable ang elf dahil kay.....nex taym. Nagsalo-salo ang lahat at inalok ni Shinja ang ilan sa mga makinarya ng mga serpent para maayos ang Dragonwing, Sinabi ni Lugia na mukang di na nila magagamit ang mana engine pansamantala... kailagan nilang gumamait ng maspremitibong pamamamaraan, inalok ni Bogarts ang mga malalaking dahon sa gaea para gawin nilang lobo para makalipad, at naalala ni Legaya ang mga paputok sa Dragon clan, medyo napaglaruan kasi nila Rachia yon nung one taym. Pinagplanuhan ng grupo ang pagrepair nang Skyship. Pinasalamatan din sila nila Greyback at shinja, malamang di sila magkaka-salo-salo nang mapayapa kung di sila nagkrash sa galbota. Natuwa ang lahat na naging mapaya na ang apat na clan. Pinaalala ni Koril kung sino na ang magiging pinuno ng Lotus clan, nagtinginan lahat ng mga lotus kay Goyoy, nakana, pinuno na ng isang clan si Loko, naplaterd sa Goyoy, di nya alam ang sasabihin...munit kung papayag sya ay di na nya makakasama ang mga kaibigan...di na sya makakabalik sa wateru... Obyus naman ang isasagot nya, pero nangarap muna sya kung ano ang mangyayari kung sakaling tangapin nga nya ang pwesto. Sinabi na nyang di nya mapaglilingkuran ng matagal ang lotus clan, isa pa, dapat nga namang atleast yung may expirience na ang mamuno...si Koril, ang pinaka matanda sa tatlong Heneral ng yumaong si Zymeth. Pinagusapan nila bogarts at Koril ang mga isyu tungkol sa black mana. Pagkatapos nang araw ay mapayapa namang naghiwalay ang mga grupo, bumalik muna sila Zetaro, arch at giant para kunin ang mga gamit, sumama sila goyoy, rachia, legaya, aspollo, insan, hannah, macky at TRIGER, joan, kathleen at si Amaburns para makigulo sa wolf. Nagpaalam na ang iba para bumalik sa Serpentholm, nagpaalam na rin sila goyoy sa mga Lotus at tumuloy na para sa Wolfenstein. nagpaiwan ng ilang minuto si Goyoy, inabot nya kay koril ang Pendant ni Zymeth, humingi sya ng patawad, alam nyang sya ang gusto ni Zymeth para humawak sa lotus clan, munit di nya kaya, naunawaan sya ni Koril, di sya sinisi ni koril, tinignan ni koril ang pendant at binigay uli kay goyoy, sinabi nyang karapat dapat ngang maging pinuno si goyoy, munit karapatan din nyang maging malaya, tinanggap uli ni goyoy ang pendant at nagpasalamat. umalis na sya at nagpaalam, humabol sya sa mga kaibigan...ilang araw din ay naarbor ang pendant ni Goyoy. Habang naglalakad ay mapapansin mo ang labis na pagiging "close" nila Triger at macky, isang bagay na mabilis kumalat sa buong Avelzar. Habang nagtutuksuhan ang lahat, napatigil si Greyback sa pagtawa, napansin sya nila arch at nakiramdam, natahimik ang lahat, galing sa kung san man, limundag ang isang halimaw na may mahabang pangil, ang halimaw kagabi na nanggaling kay Zymeth, bunutan agad ng armas, tanging hawak lang ni Zetaro ay ang batuta nyang pangriot, malamang sapat na ito. Sinugod ng halimaw si goyoy, nagpasabog sya munit huli na, gumulong-gulong sa sahig ang dalawa, sumunod agad sila arch para tulungan ang bluemage, nang nakalapit si Zetaro ay binayo nya ang halimaw, nabadtrip ang halimaw at tinulak lang sya nang napakalakas, nagulat si Zetaro sa tindi ng pagkakahagis sa kanya, inicha si goyoy ng halimaw at napatigil ang lahat, naglabas ng kakaibang armas ang halimaw, isang parang club na hindi na parang buhay...di ko rin maintindihan. napalayo ang grupo, pinakawalan ni Aspollo ang isang pheonix strike, unang level, napakalakas ng atake, ramdam na ramdam ni Zetaro ang init kahit nasa malayo sya, tinimaan ang kalaban at napalayo lang ito, parang tinulak lang, di man lang nasunog, nagulat ang lahat, sumugod nanaman ang halimaw munit galing sa kung saan man nanaman ay may namana, tumagos ang ulo ng bala sa tila armor na balat ng halimaw, nagulat ang lahat at napalingon sa direksyon ng bala, Galing sa ere ay biglang umatake si BOGARTS, gamit ang isang malupit na ispada...ingit si Zetaro, nabarag kasi yung dalawa nyang ispada...nasan na kaya si Malory? Tuloy ang laban, natulak papalayo ang halimaw, tila wala paring sugat sa kabila ng pagka atake sa kanya ng malupit na ispada ni Bogarts, na bilib si AMAburns sa nakitang pagdating ni Bogarts...Nang nakatayo ang halimaw ay nagsisigaw ito, Sinauli na ni bogarts ang ispada nya sa lalagyan nito sa likod nya na para bang nagsasabing tapos na ang laban, nagtaka ang iba at naghanda, nakaramdam si triger ng kakaibang pagyanig sa lupa, sumigaw si bogarts para tumakbo papalayo ang lahat, naiwan ang halimaw at galing sa langit at nasilayan nila arch ang isang napaka gandang bulalakaw, napatigil ang lahat at natulala, pinaalalahanan uli sila ni bogarts para tumakbo, nagulat ang halimaw, sa dereksyon nya patungo ang METEOR, nagsimula na syang tumakbo, munit bago sya makalayo ay humampas na sa lupa ang napaka lakas na Meteor, nabilib ang lahat, lalo na si Zetaro... Saan kaya nanggaling ang napakalaking bulalakaw? Kwinento ni Bogarts na galing ito sa ispada at inaya na ang iba para tumuloy na, nagkwentuhan ang grupo habang naglalakad, di nila alam kung ano nang nangyari sa halimaw, hinayaan nalang nila at bumalik sa pakikipagkwentuhan, ngayon kasama na si Bogarts. Habang naglalakad ay napansin din nila kathleen ang pagiging tahimik ni Greyback, tila may iniisip na malalim...ewan. Tumagal ang byahe ng dalawang araw. Nang nakarating sa wolf clan ay pinagkwentuhan na nila ang tungkol sa Ispada ni Bogarts... Pinayo ni Bogarts na magayos muna sila ng gamit, bago ituloy ang kwento. nagayos na nga sila arch, nagpahinga na ang mga wolf, kasama si gailah, munit inaya sya ni Zetaro para makinig muna kay bogarts. Kwinento na ni Bogarts ang Storya. Noon Daw, bago namuno ang mahika sa Wateru, ay naghari muna ang kaguluhan dahil sa dalawang mahiwagang Ispada. Puro mga magugulong tao ang nakatira sa wateru, patayan dito, nakawan doon, talagang wala ng pagasa, at dahil dito ay umaksyon ang mga elves ng Galbota, pagkatapos mabalitaan ang pagkakakurap nung mga elves sa wateru, isang kahihiyan. Pinadala ng Grand high elf na si Markopa si Detrolas, isa sa kanyang elf na anak para wasakin ang dalawang ispadang gumagawa na masamang Aura na nagpapagulo sa mga isip nung taga wateru...parang Drugs, kaya gaya nang sabi ni Idol the Rock scorpion king, Know your role and stay away from drugs. Umalis si Detrolas kasama ang dalawa pang Champion ng mga elves. Nangnarating nila ang Wateru ay nagulat sila sa nasilayan, talagang puro Biolens...medyo di kasi sila sanay doon. Nagtanong-tanong sila at nahanap din nila ang isla na kinalalagyan ng mga Ispada. Pagdating palang nila sa isla ay nakalaban na nila ang ilang halimaw, mga hayop na namutate nung ispada. Narating nila ang isang Gusali, isang kastilo dati na tila pinamahayan na na kasamaan. Doon nakita nila sa Throne room ang dalawang ispada, nilapitan ito ni Detrolas at napatitig, Tinanong sya nung isang Champion kung ano ang dapat nilang gawin, Di sya sumagot, tila parang nahipnotayz sya, nagisip sya kung ano ang bubunutin, sa isip nya parang may nagsasalita, pinahiwatig nung isang ispada na katapusan ng paghihirap, pinahiwatig naman nung isang ispada ay kakaibang kapangyarihan, pinili nya ang isang ispada at lumabas sa talim nito ...CHAOS BLADE, sinubukan syang pigilan nung isang champion sa pagbunot nung ispada munit tila parang lumapit na ang ispada sa palad nya, sinaksak nya ang champion munit parang natauhan din nang nakita ang mga dugong bumakat sa berde nyang kapa, inutusan nya ang isa pang champion na tumakbo at humingi ng tulong sa mga elf, natulala ang Champion, sumigaw uli sya at humarurot na ang elf. Naiwan sya doon at nagsisi munit di rin nagtagal ay nahawakan na sya nung kapangyarihan nang Chaos Blade, nakita nya ang isa pang ispada at nakaramdam nang galit, gamit ang Chaos blade, hinampas nya ang nakatuhog sa sahig na ispada, tumilapon ito sa ere at kumalembang uli sa sahig, umilaw ito at lumabas ang nakasulat... RIOT BLADE, nabwisit sya lalo at sinipa ito papalayo, dumulas ito si ilalim ng pinto nung isang kwarto, kumalma sya at napaupo sa trono. Nakabalik ng sugatan at halos gusto nang mamamatay yung champion na elf, nagulat si Markopa sa balita, ang kasamaan...isang mahirap na kalaban, ang anak nya... Naalala nya ang Labing tatlong ispada na kinaingat-ingatan nang mga elves na ginawa pa ng isang makapangyarihan na armorer na binasbasan na pinaka mundo mismo. Hinanda nila ang mga armas...munit wala pang mga pwede humawak nito, agad nyang pinabuo ang labing tatlong myembro ng kawnsil ng mga kabalyero para humawak sa mga armas. Pinili nya ang pinakamagigiting at may pinaka malinis na puso, kasama ang masbata nyang anak, si Dulahan. Sila ay tinawag na mga Knights Immortal. Ilang buwan din ang lumipas bago natapos ang kanilang pagsasanay, nang nahawakan na nila ang mga ispada ay agad silang lumarga pabalik sa wateru, para harapin ang kapatid ni Dulahan. Medyo putol ang kwento ni Bogarts, ang huling balita ay isa nalang ang nakabalik, munit alam naman nilang nagtagumpay ang labing tatlong kabalyerong elves dahil payapa na ang Wateru...nawalan nang interes sila Zetaro, kung iisipin ay parang di kapanipaniwala na naging warzone noon ang wateru. Dinagdag ni Bogarts na ang hawak nyang ispada, ang MATEO WEAPON, ay ang tanging natira nung magiting na bakbakan noon, medyo naiwan siguro yung iba doon sa kastilyo...nabalik ang interes nila Zetaro, lalo na sya, wala syang ispada..., tinanong ni goyoy kung nasan yung kastilyo, sabi ni bogarts, gumuho na ata, di rin nya alam. Tinigil na ni arch ang usapan, kailangan na nilang bumalik sa mga kaibigan, inaya sila ni Greyback para manatili, magpahinga muna at magpagabi na, pumayag ang grupo, di pa tapos ang pyesta! Bago naman tuluyang makatuloy sa Serpentholm sila mani ay naitanong nila kay shinja ang tungkol sa seal ng lupa, o kung ano mang tawag doon, ang Terra seal, sagot ni Shinja...ewan nya rin, malamang ang mga wolf lang ang nakakaalam noon, agad pinahabol ni Shinja si Jebal at Chiriko para sumunod sa mga wolf. Kinabukasan nang nagising si Zetaro ay nandoon na sila Jebal. Tinanong nila kay greyback ang seal. Dinala sila sa isang parang mabatong shrine...di nila alam kung yuon yon, dinagdag ni gailah na ang mga shrine kasi nung wolf ay nagbibigay ng kapangyarihan, pero nung iniwan sa kanila yung isang shrine na yon eh parang walang gamit. Kinalikot ni bogarts ang shrine, ewan nya kung ano yung napindot at isang boses nalang ang nagsabing bukas na yung terra shrine, parang boses nung nasa Aero shrine nung una. Nagkaroon nang kakaibang mahinang lindol, pati sila mani na nasa serpentholm ay nakadama. Bago nakalarga ang grupo ay nagkausap muna sila Arch at greyback. Tungkol doon sa halimaw... yung pangil nya, lagi daw kwenikwento sa kanila noong bata pa sila yuong tungkol kay magiting na Derjagger, yung lumaban dati sa dragon, dagdag ni Arch. Sa mga kwento daw noong lola ni greyback, laging dinaragdag nung lola nya yung pangil ni Derjagger, galing daw kasi sa Galbota si Derjagger, at parang nadadama ni Greyback na si Derjagger ay yung halimaw na nakalaban nila...kinilabutan si mani...pati si greyback. Nagpaalam na ang grupo at nagpaalam na sila arch kay Gailah. Nagpaalam din si triger at medyo inimbita si gailah at si greyback para sumama nalang sa kanila, agad tumanggi si greyback, pero inenkorage nya rin si gailah para sumama, tutal tapos na ang laban, natuwa si gailah at agad pumayag, nadagdagan na sila, medyo eksited si gailah, di pa sya nakararating sa ibang lugar, at baka makita nya ang kaibigan nyang kaibigan din ni bogarts na nasa Char pyres si... nex taym. Inaya na rin nila si Bogarts, tutal lakwatsero naman si loko, di rin naman siguro mapapansin sa kanila ang pagkawala nya. Pagiisipan daw muna nya. Habang naglalakad ay kwinento na ni arch yung tungkol sa sinabi ni Greyback, pinagplanuhan narin nila Zetaro yung paghahanap nung mga armas pagkabalik nila sa Wateru. Nang nakabalik na sa serpentholm sila arch ay sinalubong sila ni Jebal, Pinakita kay arch ang pinakamamahal nyang skyship...wasak na wasak. Napaluha si Arch. Nang nakita ito ni Bogarts ay napasuko narin sya, mukang di na nila mareremedyohan ang barko. Ang plano sana ni Bogarts eh gagamit sila ng mga Mahiwagang malalaking Dahon para gawing lobo, pero parang di kakayanin ng simpleng de lobo ang buong skyship, napakalaki kasi nito. Chinekap na ni Lugia ang mana engine, maaayos pa naman...pero kakailanganin nila ng isang espesyal na bagay, ang Calcutractor, isang mahiwagang relic na pinasa pa sa kanya ng magiting na propesorang bumuo nung skyship... naiwan sa wateru. Parang naistranded ang grupo...ayos lang kay Zetaro basta kasama nila si ______. Wag daw mabahala, sagot ni Chiriko at shinja, may isa pang paraan, ano? tanong ng grupo ng sabay-sabay na parang iskripted. Ayaw ng mga taga Serpent ng yinayate...Gusto sinasabmarine. Sinamahan sila sa isang kweba, ang pinakatatago-tagong armas ng mga Serpent, Ang ....di nila alam ang tawag sa sasakyan, basta tawag lang nila ay "Olivia" Kapangalan nung Lola ni Kenji dati na yumao na. Payag ang mga Serpent na Ipahiram ang sasakyan, inaral ni Lugia ang "Olivia" tila kakaiba ang itsura nito sa, pasensya na...nanakinig kasi ako ng walkman...badtrip tong mga kanta, basta pagnakakarinig ako ng lab song naaalala ko si... sino pa ba. Unti-unting tumutulo yung mga luha ng panghihinayang, BAkit ba... Di ko sya malimot kala ko tapos na...Natapos din yung kanta, sige tuloy. Yung itsura, kakaiba...weirdo. Minaneobra na papalabas dun sa kweba ni Chiriko ang Olivia, pansin ang malaking parang barena sa harap nito, pumasok na sa isip ni Aspollo ang edeya, malamang ang sasakyang yon ang dadaan sa ilalim ng lupa, parang yung weidong SKYSHIP sa FF4 na may barena sa harapan...skyship...barena, ewan ko rin. GABI. Medyo kinausap ni mani ang mga lalaki, paupo palang si Zetaro ay nararamdaman nanaman nya yung kakaiba nyang nararamdaman mula pa nung nabuksan yung Pyro seal. Di pa pala tapos. Sinabi ni Mani na bukas na ang apat na seal, ibig sabihin ay bukas na ang daan patungo sa Templo ng mga elemento, doon, di nila alam kung ano na ang mangyayari, may written exam ba, battle of the brains, ewan, basta kailangang maging handa. Pinaalala ni Arch yung tungkol sa hakah-hakang si Derjagger yung halimaw na nakalaban sa Lotaria, aling halimaw sagot ni mani, kwinento uli ni Goyoy ang nangyari. Di rin alam ni mani ang gagawin, kahit si Derjagger nga yon, eh ano namang gagawin nila, di nga nila makita, dinagdag ni bogarts na malamang patay na ang halimaw, na headshot ba naman ng meteor. Kinalimutan muna nila ang nilalang. Tinanong ni mani kung sino ang mga balak tumanggap sa kapangyarihan ng elemento kung sakasakaling marating na nila ang templo... wala munang nagsalita, Tumayo si Zetaro, call sya doon, tutal nakasama na nya si malory, nagpakahirap din sila para makarating doon dahil narin sa suporta ni mani, call na call na sya doon, ano ba ang mawawala sa kanya. Sumunod na si Aspollo, kaparehas ni Zetaro, napasok sila doon dahil narin doon sa dragon, sumunod sila Rachia at Goyoy, medyo nag isip-isip pa ang iba. Hinayaan muna ni mani, tutal medyo yung mga tagabantay na nung templo ang mamimili, tumayo na rin sya (si mani) Call narin sya, sya nga naman ang promotor ng buong plano, shempre kasama sya at kwinento nya narin ang tunay na kapangyarihan ng Tesla orb. Natulog na ang lahat para sa lakad bukas, gamit ang kakaibang sabmarine na ang Olivia. Kinabukasan, Di parin gets nila Lugia, Arch at emaron ang pagpapaandar ng Olivia, sakto dumating si Shinja at nangamusta sa mga pinakalitong-litong tao sa buong avelzar. Di nila makuha, sabi ni Chiriko, pinayo ni Shinja na samahan na kaya nya sila at pagnakaipon uli ay tsaka na bumalik sa galbota, nagulat si chiriko, magiging parang bakasyon yon...lalo't na't makakasama nya si Ynes...Agad pumayag si Chiriko at pinagpaalam na sya ni Shinja kay mani, payag naman ang grupo, bakit hindi, narinig ni Jebal ang usapan at nagreklamo, di daw nila dapat basta-basta luwagan ang depensa ng Serpentholm, di sila dapat magpadalos-dalos, binara sya ni Shinja at inaya naring makisama. Payag naman ang grupo, konting kanchaw galing kay BUTCHER...? at napasama na rin si Jebal, okey! Naghanda na ang grupo, si Emaron parin ang magiging nabigator...kahit wala silang makikita. Habang nagkakarga na ng mga gamit ang grupo sa Olivia ay pinapaalam na ni Arch ang pamamaraan ng pagbyahe nila. Lulubog sila sa Buhangin ng De_dust desert, derederetso, medyo makakasama nila sa ilalim ang mga worm, pero SABI nila shinja eh di naman daw umaatake ang mga worm sa ilalim, di nila alam kasi kung ano yung mga nakakasalubong sa ilalim ng buhangin, isa pa, lumapit man ang worm eh mababarena ito, lulubog sila ng malalim para di narin makabangga ang mga worm sa ibabaw, bawat isang araw eh tataas sila sa ibabaw para makakuha ng "Fresh Air" at magdadive uli para sa byahe. malaki rin ang Olivia, wala nga lang Surround sound, pinagmayabang ni Arch. nang nakaayos eh call na ang lahat, medyo eksited ang lahat dahil ngayon lang makakasakay sa isang "Submarine" Kinabahan si Zetaro...Clostrophobic(di ko alam spelling) Nagpaalam na ang grupo sa mga serpent clan na tumagal ng ...talong oras, tinignan muna nila ang mga kasama baka may nawawala, sandali, si: Amaburns, Jeffspike, Ynes, Olirya, Kathleen, Ginara, Gob, Neri at gailah, _______, Hannah, macky at trigger, Joan, Insan, Gonda't Naob, Karla, Viaka, Diana, Teng at Aspollo, Valerya, Donna, Aluma't goyoy, Cellah at si Aiyan, babes, na kapatid ko pala yung kapatid ny ng hindi sya kapatid...? Hessel na kasama ni Ninalor...Reylin, Coco, Micah si bot...nasan na si bot?, huli nanaman, pinagaralan daw nya yung mga...teknik nung apat na clan...paano? ewan. Legayang maligaya, Rachia't Virgie (sa telepono) Mani, Arch, Asero, Giant, emaron, Lugia, Butcher, Jebal, Si bogarts na kasama na talaga dati pero ngayon lang lumabas dahil... para maganda entrance, medyo istokwa, at si Chiriko, ang piloto ng Olivia. Call na, lumarga na ang Submarine. Di naman ganoon ka sikip sa loob, masaya nga dahil medyo napakarami na nila, para ng isang buong section sa saint jude. Puro chinese food ang pagkain nila (dahil kanila shinja) Sanay sila Jebal at Chiriko, medyo niluluwa na ng sikmura ng grupo ang pagkain , kahit pa si Babes at Triger. Napansin nanaman nila sila MACKY at TRIGGER, sayang naman kung tutuusin, medyo bagay sila. May mga oras sa Klassroom na miski kaklase mo at tinuturing mong kaibigan, magkakaaway at magkakaaway din kayo, di kayo magiging magkaibigan kung di kayo miski isang beses nag away. Dahil narin siguro sa kalagayan sa loob ng Sabmarine, nagkakaway din ang lahat. Kinabukasan ay nagising si Zetaro, parang nakahinto sila, pagtingin nya ay bukas ang gate sa bubuong, may mga nasa labas daw, sagot ni Aluma, habang nagkwekwentuhan sila nila Cellah at iba pa...naiipit si Aiyan sa kanila. Umakyat si Zetaro at nakita sila Emaron, arch, iba pa, at si Chiriko, tinanong nya ang nangyayari, medyo parang naliligaw daw sila, sagot ni Emaron. Ayos lang, balibaliktarin mo man ang Avelzar ay Avelzar parin yan...medyo. Pumasok na sya sa loob para maghanap ng makakain, cup noodle nanaman, lagi nalang cup noodle, gusto na nyang upakan yung buhangin sa labas, kesa cup noodle, nakita nya si ______ at kumain nalang at natahimik. Sa kontrol room naman ay kinakalikot nila Goyoy, jebal at bot ang mga kontrol, ang daya ni chiriko, may mini t.b. pala sya doon... sandali, aircon pa. May ginalaw si Goyoy at napaandar ng konti ang Olivia, takbuhan sila papalabas. Tumuloy na ang grupo sa byahe. Lumipas din ang ilang linggo, gaya ng nasabi, sawang sawa na sila sa cup noodle. Nung pangatlong linggo ay nakarmdam sila ng parang katigasan sa lupa, inangat agad ni chiriko ang sabmarine, binuksan nila yung pinto sa bubong... lupa, nasan sila? naglabasan ang lahat at nagmatyag. Medyo mabundok ang kinalalagyan nila, sa malayo, parang may malaking istraktura, napansin ni Bogarts na parang may mga taong nagtatago sa likod doon sa bato-bato, nagulat ang grupo ng dahan-dahan lumapit sa kanila ang mga kakaibang nilalalang, may mga damit silang makukulay, maskarang weirdo... malamang wala sila sa wateru, habang dahan dahan silang napapaatras pabalik sa Olivia, sinisi ni Arch si Emaron, mukang naligaw sila sa isang weidong lugar... Sa likod nang batalyon nung mga nakadamit na makulay na mga nilalang, lumabas ang isa pang mamang masmakulay ang damit, hula ni apollo na malamang masmataas ang pwesto noon. Nang naipit na sila eh medyo sinubukan ni maning maki "Negotiate", medyo napangiti ang mamang may pinakamakulay na kasuotan...habang nakatingin kay... BOGARTS? Anak ng Lord of Cha-Rings!, Lumitaw ang isang pang mamang may PINAKA makulay na kasuotan at parang may konrona, Tinangal nya ang maskara nya at nagpakilala, si BBBBBEEEEEDDDDDZZZZZEEEEEYYYYY! Kahit di nila ito kakilala eh parang...kakilala na nila sya, at sa kabutihang palad eh kilala rin sila, naging friendly ang pagkatagpo nila, inaya silang sumama sa palasyo nya, agad naman pumayag ang mga babae, nagdalawang isip sila mani, pero sumama na si Bogarts, sumama narin sila sa mahiwang weirdong kastilyo ni BEEDZEY. medyo parang tutol na tutol si Jebal... Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw.

Siyete
Kung interesado kayo sa olivia...click here