Page [F!v3]
[Paalala para kay tasyo: Tol, pakibasa muna tong page nato bago mo pabasa sa iba. Salamat -By: management]Natapos ang pinagusapan nila mani at arch. Pinadalan ni mani ng sulat sila Zetaro para ipaalam ang araw ng alis. Tri-ni way (three way) naman nila sila ella at macky at pinagkalat narin ni macky ang date...sa makalawa. Nagayos agad si Lugia para makabalik sa skyship, marami pa syang dapat ayusin. sumunod narin na sila Aspollo, bata at emaron ng narinig ang balita. Inutos ni Mani na ipagkalat na daw ni Butcher ang balita sa mga iba pang pwedeng sumama, pasamahin daw si trigger...para maka libre nga naman sila sa chibog. Isang araw dumating na si Cellah, kasama si Aiyan, pinakilala nya sya sa mga kaibigan sa S.K.A.(para namang di pa sila magkakilala) Di nga lang nila alam kung saan matutulog si Aiyan...puro babae kasi sa Eskwela. Kinupkop sya nila Arch. Lumipas ang dalawang araw ng parang dalawang segundo lang dahil madali lang mag type. Nagkita-kita ang lahat sa Laruna port at nasilayan nanaman nila ang dragonwing. Pinaliwanag ni Insan kanila hannah ang mga tungkulin sa barko. Mas marami na sila ngayon, tyak na mas masaya din. Para lang di ako malito, idaragdag ko lang yung listahan ng mga pasahero...para narin sapat ang matanggap na sweldo nila Arch. Sila _______, Olirya, Kathleen, Amaburns, Ginara, Jeffspike, Neri, Gov., Bebang, Legaya, Micah, Coco, Teng at Aspollo, Hessel, Donna, si Aluma't si Goyoy, Hannah, Macky, Joan, Insan, Reylin, Ninalor, Ynes, Cellah at si Aiyan, Diana, Valerya, Viaka, Karla, Kathy at Naob, Rachia, Giant, Zetaro, Arch, Mani, Butcher, Emaron, Asero, Lugia, at ang importanteng si Trigger. Maya-maya ay humabol si Bot. Nagtaka ang grupo kung saan nangaling ang wizard... Sa manga paaralan daw(manga=mga). Namili uli sila Trigger kasama sila Giant, emaron, Kathleen, Aiyan at si Cellah. nang nakabalik ay nagayos na ang grupo, callboy este bellboy nanaman ang mga lalake. Binuklat nanaman ng dragonwing ang asul nyang layag, ang mga bagong sakay ay nabighani, pati si Zetaro't goyoy, ganda talaga ni jastine este nung layag...layag. Naalala tuloy ni Zetaro ang tungkol sa masama nyang pakiramdam tungkol sa mga bagay bagay, munit kinamusta lang sya ni ________ at parang nasalangit na sya. Unti-unti nang tinaasan ni Arch ang lipad, medyo nagwala ang Mana engine pero naayos din, side effect daw ng inayos ni Lugia. Nang nakaabot na sila sa himpapawid (nice isa pa) Himpapawid, hinayaan na ni arch ang manibela at nagrelax na ang grupo, pinatugtog ni arch ang team song, "SAILING" ni Chris' cross, nakatulog si Zetaro. Ang balak nilang ruta ay patungong elderoth, deretso sa kung ano mang anyong lupa ang mararating, malamang ay maaabot nila ang gaea at doon maghahanap ng tribong mapagtatanungan. Kwinento ni arch ang tungkol sa mga CANNIBAL holocaust, Mga primitibong taong naninirahan sa Galbota, Nangangain daw 'to nang mga di lutong karne nang tao, hayop, halimaw, kahit ano, basta may laman. Kinabahan ang lahat. Ilang linggo ay nalampasan na nila ang elderoth, medyo masmabilis keysa nung una, may dinagdag daw kasi si Lugia. Maya maya, habang tahimik na nagdradrive si arch, nabalot nanaman sa maulap na bahagi nang karagatan ang skyship, ang mga pirata. Nagkamustahan ang lahat, Nagkwentuhan kung saan pupunta. Nasabi rin ni Skull na mahina ang kita, medyo tagulan na daw kasi, wala masyadong mga barkong mananakawan. Iniba ni arch ang usapan at sinubok na makahiwalay na. Nagpaalam ang dalawang grupo, nakilala na nila naob, kathy, hannah, macky at ng mga red mage sila skull. Tumuloy ang dragonwing at ilang linggo pa ay nakarating na sila sa disyerto nang De_dust. Na master na ni Rachia ang sikmura nya at immune to suka na si loko. One time nagaway sila ni Lugia at nabarag ang isa sa salamin sa Skyship, wala naman talagang paki si arch, pero pinagalitan nya ang dalawa. Di naka tulog si Rachia ng gabing yon sa pagkabit ng pamalit na salamin sa bintana. Nakita ni Zetaro ang ibang mga kasama, sila Cellah at si Aiyan, sila olops at teng... na mukang nagaaway, si neri at rachia...PARK MY PEN( yari ka ngayon tasyo ha ha ha!!!!) di rin napigil ni Zetaro ang maingit, buti nalang ay may pinagkakaguluhan sila giant, makapaglibang naman muna. Maya maya ay sumigaw si goyoy sa galit at nagkulong sa Kwarto nang mga lalaki. napalingon ang lahat at bumalik na sa kung ano man ang pinagkakaguluhan nila. Isang simpleng dyaryong babasahin...napaka inusente, isang source nang mga balita, isang source ng mga_______,makikita rin doon si Dodong brilyante, isa pang sikat na mama, at ang mga adventures nyang nakakapag...taka, bitin lagi ang istorya nito, laging sinusubaybayan ni giant. Nakibasa si Zetaro at....Kinabukasan ay nakasagupa nila ang isang nangangalit na sandstorm habang nasa disyerto. Di naman daw sila magagalaw nito basta nasaloob sila. Tinuloy nila ang direksyon, Nadama nanaman ni Zetaro ang kakaibang...nadadama. Nang nakalampas sila ay natatanaw na nila sa malayo ang kung ano mang anyong lupa, malamang ay ilang oras na lang ay maabot na nila ang kontinente nang Galbota. Matagal naring walang balita ang mga taga ibang kontinente tungkol sa mga kaganapan sa galbota. Napansin ni Emaron ang madilim na parte sa kalangitan, mukang nagbabagyo sa patutunguan nila. Sinubukang lumiko ni Arch para maghanap nang masmaliwanag na ruta, napansin nilang unti-unting nababalutan ng ulap ang kabuuan nang lupain, nagdesisyon si arch na salubungin ang bagyo. Ilang oras pa ay lumawak na ang kadiliman, napadpad na sila sa madidilim na ulap at di na makakita, pumasok ang iba sa loob nang pinaka kontrol room habang bumaba na ang iba sa ilalim na deck. Maya-maya ay parang may nabangga silang matigas, malamang ay yebe lang, sagot ni arch para mapakalma ang lahat, maya-maya, namukaan ni Emaron ang isang asul na dragon sa may bintana, liniko agad ni arch ang barko para makaiwas munit madali lang din silang nahabol. Binabaan ni arch ang lipad munit naunahan sila at tinamaan nang isang malakas na kuryenteng atake ng dragon. Natuklap ang kanang bahagi nang dragonwing, sa kabutihang palad naman ay walang pang nasasaktan, sumabog ang kanang makina na nagpapalutang sa skyship, nawalan na ng kontrol si arch at humarurot pababa ang barko, nagsikapit ang lahat habang may pinindot si arch na button, lumawak ang layag nang dragonwing, medyo naginit ang mana engine dahil sa kalakihan na kinailangan na mana, nagglide pababa ang dragonwing munit bumigay din ang engine at nagcrash pababa ang barko. Bumangon sila Zetaro, arch at si Giant, ginising nila si emaron na nakatulog sa pagkrash. Naisip agad ni Zetaro kung ano na ang nangyari sa mga kaibigang nasa ibabang deck munit bago pa sya makalabas nang kontrol room ay pinigil sya ni arch. May naririnig silang kung ano mang ingay sa labas. Nagpauna si arch, malamang ay makahihingi sila nang tulong sa kung sino man ang nagiingay, sumunod si giant at si Zetaro, lumabas din si Emaron, nagulat sila, may mga nakatutok na Ballista sa kanila, tinaas agad nila ang mga kamay, sabay winagayway, uminom nang tanduay, at nag abot nang lagay. Pinababa sila sa sira-sirang barko, nang nakababa ay nasilayan ni arch ang pinaka mamahal na skyship, wasak na wasak. puso. maya-maya pa ay may narinig nanaman silang ingay, mga putukan nang mga rifle, agad silang hintak ng mga barbarong kalalakihan, kinabahan si giant na baka yon ang mga Cannibal, para namang natutuwa si Emaron. Habang hinahatak si Zetaro ay pilit nang linelepsi kung sino ang mga nagpapaputok, nakita nyang natagpuan nito ang skyship, ano na kaya ang mangyayari sa mga kaibigan nila? Pinasok nang pinuno nang mga nagpapaputok ang skyship, nakita nya ang mga nakabulagtang pasahero, nakita nya si butcher na parang kakagising palang, naalarma si butcher nang nakita ang pinuno, ginising nya agad si Aspollo na katabi, nagtaas din ng kamay ang pinuno, di daw nila balak manakit, sabay nagpakilala, si Chiriko, Kapitan nang mga cannoneer. Tinulungan nang ilang mga musketeer at cannoneer ang mga nawalan nang malay na pasahero, nagpasalamat si butcher, nagising si mani. Nageksplika si mani kung saan sila nang galing, inimbitahan sila ni Chiriko para sumunod sa Encampment nila sa di kalayuan para makarecover, kailagan din daw nyang ireport sa pinuno nila ang tungkol sa mga bagong dating, dahil walang matutuluyan, sumunod si mani, nagisingan ang lahat habang kinarga naman ang ilang nakatulog...pati si rachia na sarap na sarap sa panaginip....lagi nayang binibigkas si g-ann, na weirdohan ang cannoneer na bumubuhat sa kanya, pinasa sya kay gov...pinasa sya ni gov kay trigger, tumaob ang dalawa. Nakalabas ang lahat sa sira-sirang barko, nagbaon na sila nang mga gamit, tinulungan naman sila nang mga musketeer at cannoneer na magbuhat, nabaitan ang mga babae kanila Chiriko(nice suma!). Umalis na sila para puntahan ang sinasabi ni Chirikong encampment, di na nila namalayan ang isa nilang naiwan...si goyoy na nagkulong sa kwarto nang mga lalaki. Bumangon sya na masakit ang ulo, hinanap nya ang lahat, naalala nya ang pagkra-krash, pero di nya na alam ang nangyari pagkatapos. Agad syang lumabas nang kwarto para kamustahin ang iba, nagulat sya...wala na sila, inakyat nya ang tumabinging barko at naghanap sa labas, wala rin, mukang naiwan sya, di nga nya alam baka...kinain na ang iba nung mga kanibals na kwinikwento ni arch, wag naman sana, nilibot nya ang lugar na pinaglandingan, natakot syang magisa...baka nga naman i lechon sya nung mga kanibal. Naghintay sya sa Barko at nagisip nang mga kung ano-ano at napagdesisyonan nyang maghanap nang kung ano mang tulong, baka nga naman may masamang nang nangyari sa mga kaibigan nya. Naghanap sya ng kung ano mang gamit, pansin nyang marami sa stock nang pagkain nila ang nawala...matalino rin pala ang mga kanibal. Nang nakaipon na sya nang sapat ay lumarga sya patungo sa masmagubat na parte nang lupain. Habang pinaglalakad sila arch ay pilit nyang kinukulit ang mga humuli sa kanila. Maya maya ay may napansin si zetarong may sumusunod sa kanila, patago syang lumingon at nakita nya si bot na sumusunod. Patago rin nyang sinenyasan si bot para umalis, napagisip-isip ni bot ang utos ni zetaro at tumakbo, napansin sya ng isang berserker at sumigaw na sila arch para tumakbo pa sya, nagulat ang mga humuli sa kanila, agad hinabol si bot ng berserker, medyo nakalalayo na si bot, paglingon nya ay napapansin nyang parang nagbabago ang anyo ng berserker, binilisan pa nya ang takbo, nakikita na nya ang skyship, alam nyang dinala ang mga kaibigan nila sa encampment ng mga cannoneer, paglingon nya ay ginulat sya ng isang halimaw na parang wolf, isang werewolf, ang humahabol sa kanyang berserker ay bigla nalang naging werewolf, tinalunan sya at natumba silang pareho, hinawakan ng werewolf ang mga kamay nya, at maya maya pa ay may isang brawler na dumating, nahuli rin si bot. Habang naglalakad at nagkwekwentuhan sila chiriko ay naalala nila rachia si zetaro, may mga nawawala sa kanila, si goyoy, si arch, si emaron, at sila giant at bot, nawawala sila, kwinento ni chiriko ang mga naunang dumating na mga taga WOLF clan, malamang ay nadakip ang iba nilang mga kasama, nabagabag ang lahat, sinabi ni chiriko na naniniwala syang mababait naman ang mga Wolf at hindi sila sasaktan, medyo di nga lang nagkakaunawaan ang SERPENT clan nila chiriko at ang mga Wolf, kaya kahit malilinis pa ang puso nila ay di sila magdadalawang isip na pumatay para sa sariling clan. Nakadama ng pagkalamig si Ynes na nakikinig, Pero sa muka talaga ni chiriko ay parang nya magagawang pumatay. Tinuloy nalang nila ang paglalakad, sigurado naman sila aspollo na kayang pangalagaan nila arch ang mga sarili nila. Si goyoy naman ay nasa kung ano mang bahagi ng kagubatan, lakad lang sya nang lakad at di nya alam na patungo na sya sa timog at malapit na sa lupain nang lotaria. Nakakita sya nang ilog, nagpahinga muna sya at uminom, malayu-layo narin ang tinahak nya, maya maya ay may nakita syang mamang maputi na nagiigib ng tubig sa di kalayuan, tinawag nya ito...dead ma, unti-unti nyang nilapitan, nang parang napansin sya ay umalis ang mama, sinundan sya ni goyoy sa masmagubat pang parte ng lotaria, habang naglalakad ay pinili ni goyoy na patago nalang sumunod, dahan dahan nyang inobserbahan ang mama, kalbo ito, sobrang puti, mapayat at parang matanda, tinuloy ni goyoy ang pagiispiya munit nawala ang mama sa isang paliko. Lumabas si goyoy para hanapin ang mama, nawala parang....wag na bula...sandali....Kwintas na metal...dahil na arbor, gets nyo? nawala parang kwintas na metal ang mama, habang hinahanap nya ay may sumunggab sa likod nya, tinutukan ang lalamunan nya nang isang weirdong blade, yung blade nang isang BLADE ACOLYTE, yung nasa tatak nang battle realms na ispada, maya-maya ay may lumabas pang dalawang blade acolyte at tatlong leaf disciple, nahuli si goyoy nang mga di kilalang armadong kalalakihan...pero muka silang bakla. Nagisip-isip si goyoy at nagkast nang isang nova na natutunan nya sa mga sorceress at red mage, sinudan nang isang nagwawalang wurm, nakaagaw pansin ang ginawa ni goyoy, hinabol pa sya ng mga malalapit na nagpapatrolyang kalaban, sinubukan nyang tumakbo, nang nakalapit ang isang staff adept ay nagteleport sya, naubos ang kanyang mana, binilisan pa nya ang takbo munit maya maya ay bigla nalang syang bumanga sa isang mamang nagteleport sa harap nya, tumumba silang pareho at minura nya ang mamang nakabanga, di nagsalita ang mama, maya maya ay nakalapit na ang mga nanghahabol, at nadakip na si goyoy. Dinala sya sa isang malapit na kampo at kinulong sa isang seldang gawa sa kahoy. Nagipon sya ng mana pero puro itim na mana ang nahihigop nya. Sa kalayuan ay nagmamartsa parin sila Arch, tinutukso nila si bot dahil di pa sya nakawala, sinita sila ng mga bantay nila. Habang naglalakad ay napapansin nilang may mga nanonood sa kanila galing sa mga puno, pansin ni arch na parang alam yata ng mga nanghuli sa kanila ang pagmamasid, munit parang ayos lang ito at kakampi pa ata ang mga nanonood. Inabot sila nang gabi sa paglalakad, medyo pagod na ang iba, munit nakatayo pa rin sila Zetaro at si Giant, Kinarga na si bot ng isa sa mga bantay. Napansin ni arch na parang di natatakot sa gabi ang mga nanghuli sa kanila, parang sanay na sanay ito, kahit sa kabangisan ng mga hayop na nakatira sa gubat, munit di nya narin masyado pinansin ang tungkol dito, masyado nasyang pagod. Tinignan sila giant nang isang sledger na kasama nila, nakita nyang pagod na nga sila, may binulong ang sledger sa parang pinunong babae, tumigil sila at nagpahinga. Nagpasalamat sila arch, at parang nakakasundo na nila ang mga barbarong nangdakip. Nang nakaabot na sila Chiriko sa encampment ay nakatulog na ang iba, munit nagkwentuhan pa sila gob, coco, Ginara, _______, Olirya, legaya, butcher, Reylin, aspollo, trigger, hannah , kathy, naob , aiyan at si chiriko. Kwinento ni chiriko ang tungkol sa mga clan at ang mga katangian ng Serpent clan. Ang serpent clan ay nabuo nang nagkasama-sama ang dragon clan at ang mga iba pang mga clan, ang heron clan, tiger clan at monkey clan. Napangsawa ng dating pinuno(di ko na matandaan kung sino) ang anak na babae ng hari nang heron clan, dahil dito ay nagkasama sama ang mga clan, at dahil din sa lakas ng dragon clan ay namuno sila at nabuo ang alyadong SERPENT CLAN. Nang mapayapang namumuno ang bagong serpent ay nagpadala sila nang isang grupo para sa pagpapalawak ng nasasakupan, kasama dito ang masbatang anak ng pinuno na si DI KO MATANDAAN PANGALAN. Matagal nang kalat ang mga balita tungkol sa mga elves na naninirahan sa galbota, at dahil narin sa mga expirience ng mga dating taga monkey clan. Napatunayan ni di ko kasi talaga alam pangalan...si raida nalang. Napatunayan ni raida sa buong serpent clan ang katotohanang may mga elves nga sa galbota, dahil dito ay naging magkakilala rin ang mga elves at serpent clan. Pinakilala rin ng mga elves ang isang clan sa bangdang kanluran, ang WOLF clan, ang matagal nang naninirahan sa galbota, nagkaunawaan din naman ang mga Wolf at serpent, pinaghatian nila ang galbota. Ilang henrasyon pa nang napalitan na ang pinuno ng serpent at pumalit na ang nakatatandang kapatid ni raida na si Genji, Dumating ang mga di kilalang kalalakihan na galing pa ata sa dating Wateru, ang Lotus clan. Ang pinuno ng clan, si Zymeth, ay nakipagusap kay Genji, nagkaunawaan naman ang dalawa at binigay ng Serpent clan ang bandang timog na parte ng galbota sa mga bagong dating. Nagalak naman si Zymeth at ilang araw pa ay nakilala na rin nila ang mga elves at ang Wolf clan. Naging malapit si Zymeth sa serpent clan. Kwinento nya na nagsasaliksik daw sila ng mga arcane na kapangyarihan, o black magic. Dahil walang alam at pake si Genji, hinayaan nya ang pagpapalaganap ng black magic sa Galbota. Hinayaan din nyang turuan ng balck magic ang nakababatang anak nya si Shiko. Medyo tumutol si Raida sa mga aksyon ni Genji, nakapanghihinala kasi ang mga bagong dating. Nang nalaman ni Zymeth ang pagtutol ni raida ay iniksplika nya ang black magic kay raida, medyo di kumagat si raida at ilang araw pa ay natagpuan nalang ang bangkay sa sa kalapit na dagat, tila parang sunog. Lumipas ang pa ilang henrasyon at pumalit na si Shiko sa pamumuno ng Serpent clan dahil narin sa misteryosang aksidente sa masnakakatandang kapatid nya. Namuno sya kasama si Zymeth na tila parang di tumatanda. Nang nagkausap ang Cheif o pinuno ng mga Wolf at Serpent clan ay inaya ni Shiko na paturuan ang anak ni Chief Umaro ng itim na mahika, dahil wala namang nakitang mali si Chief umaro ay pinayagan nya ang isa sa warlock ng Lotus clan na tyuturan ang nakababatang anak nya. Ilang araw pa ay may kababalaghang kumalat sa Wolf clan, Nakita ng mga taga Wolf clan ang anak ni Chief umaro na parang maysakit, di rin alam ng warlock ang dahilan munit isang gabi ay nakita ng ilang bantay ang warlock na parang sinasaniban pa ang anak ni Umaro, Nang ginambala nila ang nagmemeditate na warlock ay inatake sila nito, nakaramdam ng gulo ang mga wolf clan at pinagtulungan ang warlock. Sadyang napakalakas ng warlock at nakadali ito ng sampu sa mga tauhan ng wolf clan, kasama ang chief na si umaro. Agad pumalit sa pwesto ang nakatatadang anak ni umaro nasi Wrexquake. Humingi sya ng hustisya sa mga serpent clan munit tinangi ni Zymeth na sila ang dapat sisihin. Naguluhan si Shiko, alam nyang malaking gulo ang susunod pagkatapos nyang magdesisyon. Alam nyang may punto ang wolf, nakadama narin sya ng mga weirdong epekto nang black magic, munit parang naging ama na nya si Zymeth, at di nya magagawang kalabanin ito. Nagdesisyon syang kumampi sa mga Lotus. Nagalit ang mga taga Wolf clan at gumawa ng hakbang para pabaksakin ang Lotus ng magisa. Lumaki ang gulo ng Lotus at wolf clan at nauwi sa isang digmaan. NO MATCH ang mga lotus, kaya lang sila medyo nakakapatay ay dahil MADADAYA SILA, munit bago tuluyang magwagi ang mga NADAYANG wolf, ay dumating ang mga tauhan ng mga Serpent clan at tumulong sa mga lotus, Natalo ang mga Wolf dahil pinagtulungan, pinaubaya ng Serpent clan sa mga lotus ang mga nahuling wolf. Ginawang alipin ni Zymeth ang wolf clan, hinayaan nyang mabuhay ang wolf clan bilang taga hukay, tayo nang mga barko at bahay, "SLAVE" kumbaga. Pati ang bagong chief, si Wrexquake ay nakadanas din nagpagpapahirap, munit habang tumatagal ay lumalakas ang mga wolf clan ng patago. Ang akala ni Zymeth na simpleng paghuhukay ay naging exercise na ng mga tauhan ng wolf. ang pagbubuhat ng mga bato, paggawa ng mga kagamitang panghukay sa bato, at ang pagpapalakas ay naging patagong layunin ng mga dinakip na Wolf clan. Patago silang naguusap, mga simpleng tahol, tuktok at kalabit. Doon naging isa ang wolf clan at nagplano ng pagtakas. Ilang araw bago matuloy ang pagrariot ay pinapatay ni Zymeth ang pinuno ng wolf clan na si Wrexquake, nabuking ang plano nila. Kasamang namatay ni Wrezquake ang pag-asang makalaya. Nakita ito ni Greyback at nakakuha ng lakas. Patago, tinuloy nya ang plano, Magrariot parin sila, kahit mamatay sya o lahat pa sila, basta di magagawang sakupin ng mga walang kwentang lotus ang puso at buhay ng mga wolf clan. Nang gabi nang araw ng pagaalsa ay sinimulan na nang mga RIOTEERS ang plano. Pinaghiwa-hiwalay nila ang mga bantay, atsaka umaksyon, pinatay nila ang lahat nang mga bantay at tumakas gamit ang mga homemade na armas, unti-unti nilang nasakop ang MINES na pinahuhukay sa kanila, bawat bantay ay pinagtutulungan, halos naubos ang mga lotus na bantay, munit may mga nakatakas din at nalaman nila Zymeth ang tungkol sa pagaalsa. Nakadama ng kakaibang kapangyarihan ang mga wolf, pagkatapos nang mga sampung taon ng pagpapahirap, nakadanas uli sila nang lakas, Umalis na sila bago pa makarating ang mga reinforcement patungong kanluran, pabalik sa kanilang tunay na tahanan. Ilang buwan pa ay minaster ng mga wolf clan ang Green magic sa galbota kasama ang mga Elves. Naging malakas din itong sandata para mapanatili ang katahimikan sa lupain nila o ang Wolfenstein...return to castle. Ilang buwan din ay namatay ang pinuno ng mga Serpent clan na si Shiko, pumalit ang anak nyang si Oja. Nang tumagal ay nawalan din ng dangal ang Serpent clan dahil narin sa kapabayaan ni Oja. Nalunod sa beer at pagsasaya ang mga serpent clan at tuluyan nang naglaho ang mga mabubuting kaugalian ng mga Dragon clan. nang tumagal ay pinatay si oja, at isang kaguluhan ang naganap. Ang anak nya pa ata ang pumatay sa kanya sa di ko rin alam na dahilan.(sabihin nyo sakin kung alam nyo..di ko kasi masyado gets yung scenematic) Ang pinuno ng milatar na kapangyarihan ng Serpent clan, si Shinja ang tumayong pinuno ng Serpent...munit may mga nagalsa rin, karamihan ay ang matitino pang mga orihinal na dragon clan. Ang ilan sa mga Peasant na naniniwala pa sa mabubuting kaugalian na dragon clan ay lumaban sa pamumuno ni Otomo, at nakatayo sila ng sariling komunidad sa bandang silangan. Hinayaan sila ni Shinja, wala syang pake, masmabuti nga yon kokonti ang aagay sa beer nila, yehey. Natapos din ang usapan nila chiriko. Naginuman ang lahat, nagising ang mga tulog at nakatulog ang mga lasing, tumangi si naob sa paginom, bawal daw sa kore nya yon, medyo tama rin sya, kaparehas ang puso nya sa mga dragon clan. Si Goyoy naman ay Pinakawalan sa kahoy nyang selda, kinausap sya ng pinuno ng kampo, ang nakabanga nya, si Koril. Kwinento nya na sya ay isang blue mage, nagkaroon ng interes sa kanya ang pinuno, sinabihan syang bukas ay balak nya syang dalhin sa pinaka kampo ng mga lotus. Nagulat si Goyoy, di nya alam kung ano ang gagawin, pumayag nalang sya. Napansin nyang tila mga mahikero rin ang mga nakapaligid sa kanya, at dahil sa karamihan ng black mana sa lotaria...malamang ay mga Blackmage ang mga nakatira dito...munit di tulad ng cute na si VIVI(ff9), kundi mga kurapted na Warlock. sinubukan nyang makiride, wala na syang ibang magagawa. Hinayaan syang gumala, medyo nakipag kaibigan sya sa mga peasant. Pansin nya ring boring kausapin ang mga ito. Kinabukasan, Umarya na sila Arch. Nang nakalampas sa gubat ay hinarap sila nang isang malaking ilog...dagat...ocean deep...ilog...talampas...ilog. May sinakyan silang parang kayak, mahaba ang byahe. Sa Encampment naman nila chiriko ay nagaya na sya nang papuntang Serpentholm, o sa kapital ng sinasakupan nilang lugar. Naalala ng iba sila arch, di nila pwedeng limutin ang mga nadakip na kaibigan, di sila pwedeng lumayo. Pinaalala ni Chiriko na di daw ganoon kaligtas sa encampment nila, lalo na't nandyan si lazarus, at ang mga babae. nagiisip isip ang grupo, pinaalala ni chiriko na wala namang sigurong masamang mangyari sa iba. Nagdesisyon ang lahat na umuna nalang, nagayos sila at sumakay sa mga kabayo at karwahe. Habang nagro-row your boat sila arch ay nakipagkwentuhan narin sila sa mga nangdakip sa kanila, mga nagpakilalang tagaWolf clan. Kwinento nila sa isa't-isa ang nalalaman. Naging mainit ang mata ni giant sa babaeng guide o yuong Druidress. Napansin ni Zetarong ginagawa nanaman ni Giant ang Libog-tingin-scan-mula-ulo-pababa, sinita nya ito, munit tinuruan lang sya ni giant ng teknik...pareho nilang iniscan ang druidress, ay hindi, bawal nga pala kay Zetaro yon...tumangi sya. Nagpatuloy ang byaheng dagat, medyo di sanay si Bot. naalala ni Zetaro na malamang maymatututunan si goyoy sa mga druidress...kung nasan man sya. speaking of the kolokoy, ay nakikipag dakdakan sya sa mga mapuputlang peasant. Unti-unti syang nagiisip ng plano para makatakas...munit nakita nya ang mga babaeng Channeler, Hi girlz muna tayo. Balik ang usapan kanila arch. Ginamitan ng druidress ang maliliit na barko ng mahika para bumilis, medyo nagdidilim na kasi. Nangnakaabot na sila sa baybayin ay sinalubong ang grupo nila arch ng ilang elves, at nang ilan pang tagawolf. Naghike sila nangkonti at nakaabot sa maliit na kampo ng mga wolf at elves, nagpahinga muna sila. Derederetso naman ang byahe nila chiriko, Nakatulog ang iba sa karwahe, habang ang iba naman ay sa kabayo mismo. Natulog si goyoy pagkatapos makipagkwentuhan sa mga Channeler. Kinabukasan ay naglakad nanaman sila arch, pagsapit ng hapon ay nakikita na nila ang malaking gusaling gawa sa bato, ang pinaka tahanan ng mga Wolf clan. Pagpasok nila ay nakita nila ang mga bata, mga trabahador, mangsasaka at iba pa. Dinala sila sa parang malaking bilog na batong entablado, maraming nakinood. Maya-maya ay tumahimik ang lahat, may mamang tumahol at sa taas na pinto ay lumabas ang dakilang pinuno ng mga Wolf clan, si Greyback. Lumuhod ang mga bantay nila at umupo na sa trono ang Cheiftain(si greyback). Tinanong sila kung ano ang ginagawa nila sa Galbota, dinagdag nyang muka silang mga baguhan sa lupain, ano ba ang maipaglilingkod nya, Matapang na kinumentahan ni Arch ang tungkol sa biglaang pagdakip sa kanila, agad sinundan ni Greyback nang paumanhin, kinailangan daw yon para atleast may makuha silang impormasyon, bago sila makuha ng mga taga serpent clan. Tinanong nya uli ang pakay ng grupo, sinabi na ni Zetaro ang tungkol sa Shrine, tumangi si greyback na may nalalaman sya tungkol doon. Napansin ni greyback na palubog nanaman ang araw, pinutol nya ang usapan at inanyaya sila sa kainan, pumayag ang lima at hinayaan na ni greyback na magikot-ikot ang lima, binalaan nyang wagsilang gagawa ng mga kalokohan, umoo ang lima. Dinismis na sila, sir, yes, sir ang lima. Nilapitan sila ng isang druidress, nagpakilala itong si Gailah(gertrude), at sinamahan sila sa isang hut gawa sa bato, duon daw muna ang kwarto nila. nagusap ang anim. Ineksplika ni Gailah ang pamaraan ng pamumuhay ng wolf, pansin din ni emaron na parang malapit sa hayop si gailah. Pagkatapos silang i tour ng druidress ay napadaan sila sa isang pagawaan ng armas, nagpaalam si gailah at naiwan ang lima, Humiwalay si Emaron, magiikot-ikot pa daw sya. Humiwalay din sila arch at Bot para balikan ang kwarto at makapagpahinga, nakigulo sila Zetaro at giant sa mga naggagawa ng mga armor at armas, balak sanang ipaayos ni Zetaro ang labi ng sira-sirang ispada ni Axelrod...nagtaka rin sya kung nasan na ang dragon. Nilapitan nila ang parang blacksmith ng armory, puro ungol lang ang sinagot sa kanila, linapag ni Zetaro ang ispada sa batong lamesa na parang anvil, sinubukan nyang buhatin yung malaking maso...sobrang bigat, tinulungan sya ni giant. Binuhat ni ang masa at hinampas ang tabingeng ispasa, ngek, nadurog ang blade, nawalan ng pagasa si Zetaro, binigay nalang nya sa blacksmith ang bakal. Nasan na kaya si Malory. Kumanin na sila sa salo-salo, puro karne ang kinain nila...busog ang lahat. Nagkausap si Arch at si greyback, tila parang madaling naging magkaibigan ang dalawa. Pagkatapos ng kainan ay natulog na ang grupo, natulog na ang buong clan except sa mga bantay. Sa kahabaan ng byahe nila Chiriko ay nagstop ober muna sila, nagkwentuhan ang mga magkakaibigan, nadiskubre nila Neri at Rachia ang nakatagong baol na puro beer, inuman nanaman. Masama palang nilalasing si Chiriko...pero wala parin kay Rachia. Lumayo si Naob at prinaktis nalang ang kanyang TOP-ROP teknik(ha ha ha) Kinabukasan ay nakarating na sila Mani sa isa pang kampo ng mga serpent. Habang nagpapahinga ay pinakilala sila ni chiriko Kay Jebal, ang sasama na sa kanila patungong serpentholm, di na daw sya pwedeng lumayo, ibabalita nalang daw ni Jebal ang mga kaganapan sa encampment nila. Nagpaalam na si chiriko. Nagkwentuhan pa sila Jebal, napansin ni Rachia na parang pamilyar si jebal.....parang yung nagaayos sa Headquarters nila sa laruna. Kinabukasan ay narating na nila ang serpentholm, sakay ng mga parang halimaw na wurm. Namili sila ng representatib para makipagusap, masyado kasi silang marami. Sinamahan ni Jebal si Gob at si mani, ang napiling mga rep, sa malaking palasyo ng town o tinatawag na KEEP. Nakausap nila ang tumatayong pinuno ng serpent clan, si Shinja. Pinaliwanag ni Shinja ang pagkawala ni Kenji, ng pinatay nya ang sarili nyang ama, ang pinuno ng serpent clan, si lord oja. Tinanong ni mani ang tungkol sa Earth seal, Binara sya ni shinja, wala daw syang pake doon, wala syang pake kahit hari pa si mani, wala syang pake kahit naputol na ang cable nila, basta bahala na daw si mani sa sarili nila, Okay fine, mainit ang ulo ng dalawang panig. Nagikot-ikot sila mani at sinamahan sila ni Jebal sa kwartong pwede nilang tuluyan. Nagusap-usap ang lahat at marami ang nabwisit kay shinja. Bago umalis si Jebal ay pinaalam nyang balak nyang tumungo sa Dragon clan bukas, may pinadadala daw si shinja, baka may gustong sumama. Medyo interesado si Butcher at si Naob, may mga ilan na gustong sumama, may mga ilan na pagod at gusto nalang manatili muna sa Serpent. Nagikot-ikot sila aspollo, hannah, macky, joan, insan, triger at sumama si rachia. Nadaanan nila ang isang paliguan...may ilang naligo, binalita ni aspollo sa iba ang natagpuan, nagikot-ikot pa si rachia at nakita ang isang gusaling paaralan ng Necromancy, naenganyo sya at tumuloy. sa loob, nakaharap nya ang isang parang Necromancer na guro, ang magiting na si Sir_XP, ineksplika ni XP na dahil sa dating relasyon ng mga serpent at lotus, naipasa ng lotus ang kaalaman ng necromancy sa serpent o ang mahikang itim na nang bubuhay sa mga patay. Naenganyo lalo si rachia at medyo nagaral ng mga basics ng necromancy. Nakipagtsika-tsika naman ang mga redmage sa mga Geisha sa bathhouse, medyo may matatanda na ang mga geisha at may mga EXPIRIENCE na, yuon kasi ang trabaho nila...lumayo ang mga redmage. Naligo halos lahat ng mga babae sa bath house, pansin nila Asero na walang bath house para sa mga lalaki. Pansin din ni triger na masama ang sobrang kapapanood nung palabas sa channel tertin...tungkol dun sa malibog na bata...di ako nanonood noon. Kinabukasan ay nagplano na sila kung sino ang mga balak sumama kay Jebal at pumunta sa Dragon clan. Nagpaiwan halos lahat ng mga babae, naiwan sila Aspollo, Mani, Asero at si aiyan, tumuloy sila Butcher, naob, kathy, Triger, viaka, Valerya, Diana, Karla, si insan si gob, aluma, legaya at sa dimalamang dahilan ay sumama si Coco, parang may sinasabi syang "parte ng tadhana", ewan nila. Sasama dapat si Rachia, pero nalulong na sya sa necromancy, tunuloy nalang nya ang pagaaral, sabi nyang susunod daw sya. Lumarga na sila Jebal, patungo sa tahimik na lupain ng mga dragon clan. Si Goyoy naman sa kabilang ibayo ay nakausap ni Zymeth, pansin din ni goyoy na hindi ganoon masama ang Pinunong Warlock, medyo interesado rin ata sa kanya dahil bluemage sya. Lumipas ang mga araw ay naging "Close" sila ni Zymeth, parang naging alalay, apprentice kum baga, araw-araw syang tinuturuan ng Black magic, araw-araw din silang nanonood sa mga nag-shashakirang mga mapuputing channeler...medyo rated PG...16? Sa malayong lupain naman ng wolfenstein ay nagpyepyesta ang mga wolf clan, kaliwa't kanan na kasi ang pyesta ngayon... Lumipas pa ang ilang araw ay naging magkalapit naman sila arch at greyback, idol din ni Zetaro si greyback at yung pananero doon sa Lord of the singsing, habang nagtsi-tsika-tsika naman sila emaron at gailah. Isang araw ay sinubukan nila emaron at Zetaro ang sinasabi ni gaihlah tungkol sa Lycanthropy, o ang pagtran-transform sa ibang hayop, tutal puro wolf doon, tri-nay ni Zetaro ang kakaibang kapangyarihan, tumanggi si emaron, ilang beses sinubukan ni Zetaro...palpak nga lang hanggang nung oras na nakatsamba sya, nagdilim ang paningin nya at parang naging octane high...so high, so high. tinubuan sya ng kung ano-anong buhok, nagkaroon sya ng pangil at nguso, naging ganap na werewolf sya, pero nawalan din sya ng control, nagwala sa sa buong base, nakaagay pansin kay greyback ang pagwa-wala ni Zetaro, sinubukan nyang pigilin si Zetaro, nagaway ang dalawa, medyo napikon si greyback at sinuko si Zetaro, tulog si gago, nagising nalang sya sya sa isang kwarto na maraming...mga druidress mong naggagandahan, mga dyipning nagliliparan, super-swerte nya, maya-maya ay dumating si greyback at pinagalitan sya at sila gailah at emaron. lumipas ang ilan pang araw, nagaasaran sila arch at gailah, binabayagan ni giant si emaron habang nagtataka naman si Zetaro...habang nakatulala sa tatlong magkadikit na bitwin sa langit (subukan nyong hanapin mamayang gabi, tatlong nakalinyang perpektong bitwin) Pansin nyang pagwala masyado ilaw sa langit ay doon lamang lumalabas ang tatlong bitwin, naalala nya ang weirdo nyang nararamdaman, malamang ito nga ang ibig sabihin noon, ang pagkakalayo-layo nila, medyo namimis nya narin ang mga kaibigan at si _______, pero di rin nyang maipagkakailang masaya pa naman sya, di kagaya nung masama nyang nadadama. (kung interesado kayo sa tatlong bitwin ay puntahan nyo yung link sa baba, salamat)
Page pang-anim
Tungkol sa tatlong biwin