Pahina kwatro

Dumating ang grupo sa Orca, sinalubong sila nila Kathleen at nagkwentuhan ang lahat. Dinala sila sa parang malaking library pagkatapos nilang mapagusapan ang tungkol kay naob. Konti lang ang nalalaman ng mga residente tungkol sa misteryosong dyumi, pero sigurado silang makakatulong ang mga lumang kasulatan. Pinakilala sila sa dalawang adept, si Ninalor at si reylin na nagreresearch ng mga bagay bagay sa Library. Nilabas ni reylin ang isang matabang libro at tinuro nya ang mga nakasulat tungkol sa mga dyumi. Dati daw(di na ko makapagbibigay ng date) ay nagkaroon ng maliit na digmaan sa pagitan ng mga Dwarf at Goblin, Ang mga nananahimik na goblin sa Bandang Timog ng Char ay napamaygreyt(migrate) dahil sa pagkakaligaw ng ilan sa mga sand wurn na naninirahan sa ma disyertong parte ng char. Naglakad sila sa masgitnang lupain, at nanahimik sa mga bundok. Ilang taon pa ang nakalipas ay nakilala at naka salamuha na nila ang ilan sa mga dyumi na nagbabantay sa magubat na bundok. Mapayapa ang lahat hanggang Isang araw ay may isang grupo ng mga minerong dwarf ang nagpasabog sa isang kwebang pinaghihinalaang naglalabas ng ginto galing sa mainit na katas ng Char na tinawag na "Fountain" noon, nagambala ang mga goblin, ang pinuno nila, si Garok, ay nagpadala ng mga tauhan para imbistigahan ang mga minero. Nagtagpo ang dalawang grupo, walang balak na magsimula ng gulo ang mga goblin, pero agad silang sinugod ng mga dwarf ng sinubukan nilang makipagusap, dahil barbaro ang dalawang panig, agad itong pinagsimulan ng riot, kilala ang mga goblin sa kalikutan nila, habang kilala naman ang mga dwarf sa kayabangan ang kaswapangan nila. Mula noon di na nagkasundo ang dalawang panig. Masyadong malakas at marami ang mga Dwarf, dahil dito ay agad nilang nasakop ang lupaing kinatitirikan ng mga goblin, napilitang lumikas ng ilang mga goblin pero marami rin ang lumaban at nasawi. Mula noon nagkahiwalay hiwalay na ang mga goblin, may mga naging magna, may mga nagevolve at naging halimaw, may ibang nakahawak ng kapangyarihan, may ilang napadpad sa kung san man, munit may iba rin na nakapagtayo ng komunidad sa char sa tulong ng mga dyumi. Pinakiusapan ng limang dyumi dati ang mga dwarf para hayaang manahimik ang mga ito kapalit ng impormasyon ukol sa mga kayamanang tinatago ng gubat. Pumayag ang mga Dwarf, pero dirin nagtagal ay sumiklab nanaman ang laban ng dalawang panig. Nauwi lang sa pagdurusa ang labanang sumunod. Halos naubos ang mga kagamitang pandigma ng mga dwarf, munit hirap na rin ang mga goblin na hawakan ang alas na nabawi nila. Lumipas ang ilang taon, nagre build ang dalawang grupo, at dumating ang kapanahunan ng katahimikan. Nasanay ang dalawang grupo ng ganito, may mga insidente rin na nagkakabangaan ang mga manlalakbay ng mga dwarf at goblin na nauuwi sa away at pagkasawi, pero di na uli sumiklab ang malaking digmaan. Dina naalis ang galit ng dalawang panig, pati ngayon, di mapagsasama ang dalawang uri. Nalaman ng grupo na naging malapit din ang mga dyumi sa mga goblin, pero di parin nila alam kung nasan si Naob, nainip si Aspollo at nagpahangin sa labas, sumunod si Goyoy, napansin sila ni Zetaro at sumunod din, nakita na nila si naob nuong isang araw,Kwinento ni Aspollo ang naiisip nya, malamang nasa Pyres parin si naob, gaya nga nung tsismis, nagnanakaw pa ang mga goblin. Nagpaalam ang tatlo at bumalik sa Sorch, hinanap nila sa gubat si naob. habang naglalakad ay nadadama na nila ang pagsunod ng isang ispiya. nang pagliko ay sinungaban agad ito ni Aspollo, huli ang isang goblin, agad tinanong ni Goyoy kung kilala nya si Naob munit di ito nagsalita, maya-maya ay lumitaw din si Naob, humingi sya ng patawad sa tatlo. Tinanong ni Goyoy kung bakit hinahayaan ni naob na magnakaw ang mga goblin, na guilty si Naob, agad siniundan ni Goyoy na dapat "Professionals" ang pinagnanakaw nya at galing sa kung san man ay naglabasan ang mga di kilalang tao at bumatok kay goyoy, tumabinge ang lahat. Nagusap ang apat, kwinento ni naob ang mga kasalukuyang nangyayari sa mga goblin at dwarf, naghahanda daw sila para sa isang laban, medyo naaapakan na daw kasi ang mga goblin. Pinaalam naman ni Aspollo na kailagan nila nang tulong, natuwa agad si Naob at handa daw syang tumulong, kung makahihingi sya nang tulong sa kanila kapalit ng ibibigay nyang tulong dahil kailangan daw magtulongan ng mga nangangailangan nang tulong. Solve ang apat, inimbitahan nila si naob na sumama para ipaalam kina Arch ang usapan, tumangi si naob, kailangan pa daw nyang bantayan ang mga goblin nyang nagnanakaw, nagpaiwan din si goyoy at Zetaro...makikinakaw daw sila, napilitan nalang si Aspollo. Binalita ni Aspollo kanila gob ang usapan, arya nanaman ang grupo, balak makipagusap nila gob kay naob. Nagpaalam na sila, pero binalak sumama nila Kathleen, at dahil nasa iskrip, hinayaan na sila ni "ate" kat, at dahil nakasulat din sa iskrip, sumama sila: Kathleen, Ynes, amaburns, Olirya, at ang bagong (matagal na talaga) kaibigan ni hannah na sila Reylin at Ninalor. Nang bumalik sa Sorch, nakasalubong nila sila goyoy at Zetaro, binuking ni arch ang dalawa at nagtinginan ang lahat nang mga residente sa dalawa...nauwi sa takbuhan. Hinabol sila goyoy at Zetaro, tinanong ni Zetaro kung may mahika ba si Goyoy na makakatulong, tumigil ang dalawa sa pagtakbo... kwinento ni goyoy na marunong daw syang magitara, sinampolan nya si Zetaro, nagkantahan muna sila, sa di malamang dahilan ay di nakahabol yung mga galit na biktimang residente, nakasalubong nila uli si Naob. Nang nagkahanapan na ang lahat ay tinanong uli ni naob kung handang tulong ang lahat, dahil bored ang lahat sa kasalukuyan ay sumama ang lahat, tinawag ni Naob ang lahat nang mga goblin na magna, pinaalam nyang pupunta sila sa Char bukas, nagpahinga ang lahat sa isang abandonadong kastilyo, mala-haunted at tahimik na ruins pag umaga, Pinaka kwelang jamming na disco paggabi, ang "ROCK" kastle (di pa ko nakakapasok doon, pero maganda lang kasi dating... may nakadrawing pang ispada sa bintana.) Nagparty ang lahat.. medyo matagal narin silang di nakakapagjamming, parang na recharge yung mga enerhiya nila, parang inn sa FF. Kinabukasan may hang-ober ang lahat, ginising sila ni Naob at pinasakay sa isang parang malaking barkong maygulong, kwinento ni naob na ang S.S.Vangalon ay blah blah blah blah blah... di nainintindi ni Zetaro ang kwento at pinilit matulog, medyo nagVA-VAY-BREYT nga lang ang mga bangko nang bwumahe na. Gamit ang Barko ni naob(yan ah, may barko ka pa) ay tinawid nila ang disyerto nang de_dust mula pyres hanggang sa hilaga nang char, kwinento rin ni naob na gawa pa ang Vangalon sa Weatherseed na kahoy, isa sa pinaka matibay na kahoy sa buong... Avelzar, kaya kahit atakihin sila nang mga sand wurm at tyak na di bibigay ang barko. nakaramdam nang pagmamayabang si Rachia. pagkatapos nang ilang sandali, habang kinakalokot ni Zetaro ang Ispada nya, nakakita sya nang parang ipu-ipo sa kalayuan, isang tiyak na Senyales sa isang Sand-wurm sa ilalim, agad nyang binalita ito sa grupo, pinasara agad ni naob ang mga lagusan at pinapasok ang lahat...o pinapasok muna ang lahat...tapos tsaka pinasara ang lagusan, dumating ang wurm, pinaalala nya na walang dapat ika takot, safe sila sa......nangalahati ang Vangalon, kinain at nilunok nang wurm ang isang side nang barko, natulala ang lahat, nang natauhan ay agad nag madali ang lahat para makatakas, kanya-kanyang takbo sa disyerto na kung papansinin ay medyo komedy, kaya siguradong walang masasaktan. Dinasalan ni Zetaro ang Ispada, maya maya ay nangyari ang pinaka aasahan nya, lumabas si Malory na parang djiny(spelling) sa isang lampara, natuwa ang lahat, naglanding si malory sa harap ni Zetaro na parang nanghahamon uli, pagtalikod nya ay sinunggaban sya nang lahat, lumipad si malory at kinaya ang lampas benteng pasahero nang nasirang Vangalon, nakiride si Zetaro kahit nakalilipad na sya, para makatsansing, este maka...basta, malas si mani. pahirapan silang nakarating sa baybayin nang char, hingal na hingal ang dragon, agad itong naganyong hangin at bumalik sa ispada, nagpasalamat ang lahat. Nilakad nila naob ang kagubatan hanggang makarating sa encampment nang mga goblin, doon sila nagpahinga para sa gabi, bukas na sila tutuloy sa pinaka base nang mga goblin. nanggabing yon ay kinalikot nila Goyoy ang ispada ni Zetaro, para palabasin ang dragon, di rin alam ni Zetaro kung papaano lumalabas ang dragon, basta siguro kung may buhay na nakasalalay. Kinabukasan ay tumuloy na ang grupo, parang hiking, medyo masaya, pero nakakapagod. habang naglalakad ay kwinento ni naob ang dahilan nang pagkampi nya sa mga goblin, habang nagkwentuhan naman sila Olirya at ________ at naging magkakabarkada sila Hannah, reylin, Ninalor at Ynes at walang tigil na inuusisa ni Goyoy at rachia ang ispada may dragon. Napagkwentuhan naman nila Zetaro at Arch ang tungkol sa Galbota. Maya-maya ay si nabi nang isa sa goblin ni naob na malapit na daw sila, naglakad-lakad pa ang grupo, munit may nakasalubong silang isang sibat na nakatuhog sa lupa at may ulo nang isang goblin na nakabitin, tumingin sa taas si naob at nakitang may namumuong usok sa di kalayuan. Nagmadali agad si Naob, mabilis ang kanyang mga kilos kaya naiwan ang mga kagrupo, lumipad si Zetaro habang sinusundan nya nang tingin si naob, sinundan naman sya nila aspollo. Unang nakarating sa dating base ng goblin si naob, sunog ang lahat, ang mga naipong armas, mga bahay, mga goblin. Sinugod ang mga ito nang wala si naob. Agad namuo ang galit ni naob at dirin napigil ang pagsisi sa sarili, Kinuha na lang bigla ang mga pinaghirapan nila, ang pinaglalaban nya ang... naalala nya ang minamahal, si Kathy, isang mahikera na nakatira sa kalapit na syudad, tumakbo agad sya at iniwan kay Jervok(alalay na goblin) ang pagaasikaso sa mga bagay-bagay, nakaabot ang grupo at pilit sinundan ni Zetaro ang dyumi, munit kakaiba na talaga ang takbo ni naob, di na nasundan ni Zetaro at bumalik nalang sa Base para makatulong. May mga natira pang survivor sa Base, munit sigurado nang di maitutuloy ang paglaban. Hineal (heal) ni ________ ang ilan sa mga sugatang goblin, tumulong namang magtayo ng malakaing tent ang iba para matutuluyan nang mga naulilang goblin. maya-maya ay bumalik si Naob kasama ang apat na babae. nagpakilala sila, si Viaka, Karla, Diana, at si Valerya na nagalok ng sasakyan, kung kakailanganin nila para sa pagligtas kay Kathy, nagtaka ang grupo at kwinento ni naob ang nangyari, Nakita daw nila Karla na may mamang bumisita sa bahay nila kathy, may pinagusapan daw sila tapos napilitang sumama si kathy, nong isang araw pa daw yong at hanggang ngayon ay di pa nakababalik si kathy, kinakatakot nilang baka nakidnap si kathy, lalo nang mukang may plinaplano ang mga dwarf. Dinamakapaghintay si Naob, parang gusto na nyang umalis, munit may plinano muna sya. Humingi sya kay Arch nang tulong, alam nyang magaling sa mga taktikang pandigma ang kapitan, sinabi ni arch na kung ililigtas nila si kathy, kailangang patago sila sumalakay, alam nyang nagiinit na si Naob at napansin nyang parang patibong ang pagkidnap kay kathy, delikado at madaling masosoplak kung agad silang aaksyon, munit di marunong maghintay si naob, lalo na kung ang minamahal ang paguusapan, sumangayon din sa kanya sila Zetaro, munit alam nilang tama rin si Arch. Kagaya ng ibang mga nangyayari sa palabas, Kung maaabot nila nang patago si kathy, o ang pinuno nang mga Dwarf, siguradong mas malaki ang tsansa nilang magwagi, munit dinagdag ni Naob na kung patibong nga to, malamang super higpit ang pagbabantay nang mga gwardya, dahil alam nilang gaganti rin ang mga goblin, Nagsalita si Jervok, kung aatake sila nang bulgaran ay siguradong maiipon ang lakas nang mga dwarf sa pagsupil sa mga paatake at magbibigay nang daan para makapasok ang ilan sa mga magliligtas, nakuha agad nang lahat ang plano. Nagbolontir sila Zetaro at Aspollo para patagong pumasok, kasama rin si naob, habang ang lahat, pati ang mga redmage at sorceress ay tutulong sa paggawa nang diversion road para makapasok ang tatlo, may plano na sila, mamayang gabi sila aatake, nagayos ang lahat para sa isang maliit na opensiba, o isang RIOT na parang isports na sa Avelzar. Nagputol sila nang mga puno para gamiting pangbarak nang mga gate, gumawa rin sila nang mga Batuta, malalaking kalasag, bote na may gasolina, pilbox, flashpowder at iba pang kagamitang pang riot, nagipon naman nang mana ang mga mahikera at si goyoy, gamit ang sasakyan nila Valerya, nagpatrolya sila arch, naob, Zetaro, at aspollo sa base nang mga dwarf para masmapaghandaan pa ang paglaban. Nang gabing yon ay nagmartsa ang mga naipong goblin, ang mga ilang kagrupo para sa pagatake. Gaya nang nabanggit ay alerto ang mga dwarf, ilang mga bagong tayong Outpost ang kinailangang patumbahin para makadaan. Wala pang nasasaktang goblin sa pamumuno ni Arch, dito nabilib si naob, inamin nyang maykahinaan sya sa larangan nang pakikidigma. Naabot nila ang Isang malaking encampment na tiniyak nila kinanang pinagkulungan kay kathy, mabigat din ang bantay, sinimulan na nila arch ang diversion, niliyaban nang mga Sorceress ang mga gate habang patago nang pumasok sa di nabantayang lugar sila Naob. Gaya nang plinano ay naipon ang mga batalyon nang mga dwarf sa gate, konti nalang ang kinailangang kalabanin nila naob. Natuloy ang kaguluhan sa labas, nagulat din si arch na sa tulong nang mga mahikera ay parang matatalo pa ata nila ang mga dwarf. Narating nila naob ang dungeon, munit wala doon si Kathy, kung hinahantay nga sila, malamang eh nasa kawarto nang pinuno si Kathy, suggestion ni aspollo, munit sigurado ring may bantay doon, nice mapapalaban nanaman sila. Nakaabot sila sa isang kwartong maydalawang naka gold na armor na dwarf, at nadidinig na ni naob ang boses ni kathy, di na sya nakapagpigil at binunot ang malaking G-blade at sumugod sa dalawang gwardya, taob silang dalawa sa isang bayo, sinipa nya ang pinto at nakita si kathy na nakatali, ang pinuno na si...LORD....JIM!?!oo si lord jim, at ang isang nakakapang mama nanakatalikod at nanonood sa bintana nung riot, pumasok ang tatlo at agad sumugod si naob, tumakbo si Lord jim, kinalagan na nila Zetaro si Kathy, habang hinarap ni Naob si jim, agad itong nagtago sa likod nung mamang nakakapa, humarap ang mama at nagpakilala, nakita ni naob ang nakatato sa muka nang mama, isang tatak nang mga kore hunter, ang sikat(para sa mga dyumi lang) na si Brofavilo Pizzaro, na agad nangtutok nang isang malaking weirdong parang shotgun na ispada, medyo kaparehas nang 4-6, agad nakalayo si naob, parang matrix, mabibilis kasing gumalaw ang mga Dyumi. agad binalutan ni Zetaro nang pakpak nya si Kathy at lumabas, tinutukan naman ni Aspollo si Brofavilo nang 4-6, napakabilis kumilos nito, para rin syang dyumi, pagkailag palang sa ateke ni aspollo ay nakaharap agad ni Brofavilo ang bayo galing si itaas ni Naob, nasangi nya ito gamit ang ispada, at agad lumayo para makaiwas sa muling pagatake ni aspollo, nagmintis nanaman, napakabilis gumalaw nang dyumi at nang kore hunter, nabwisit si aspollo at umatake na gamit ang ispadang 4-6, tumulong narin si Zetaro, nakorner nila si Brofavilo, naghanap sya nang daan paalis sa kwarto, nakatutok na ang 4-6 ni aspollo, nakita niyang sumisilip sa kwarto si Kathy at agad itong tinutukan, napalingon si naob at agad kumilos para masanggi ang balang ipuputok ni Brofavilo, nagpaputok na si brofavilo, munit kahit papaano ay nasakto ni naob, di tinamaan si kati, pero nadali ang Kore ni naob, agad tumalon si Brofavilo sa Bintana, hinabol sya ni Zetaro, munit minalas si Brofavilo at walang makakasalo sa kanya sa ilalim, namatay din si Brofavilo (nice move) Agad nilapitan ni kathy si naob, nakita nyang unti-unting nauubos ang asul na kumikinang na likido mula sa kore ni naob, at dahil sa REQUEST NG IBA DYAN NA HUMILING NA MANATILING ANONYMOUS ay nagingles si kathy nung lyrics nya sa barbie at yung nutcracker, yung katagang "don't die on me" tapos kunwari nang kiss, basta umiyak si kathy, naulanan nang luha ang Kore ni naob, at kagaya nung mga nasa peyri teyl ay nabuhay uli si naob, dumilat yung mga mata nya, tapos yun na nag kiss ang make-up ang dalawa kahit di sila nag away, nagpasalamat sila kathy, pinaalam ni aspollo na kailangan na nilang tumakas at nakita nya si Lord jim, hostage kung sakaling magipit. sa labas nagulat sila naob, napasuko nila ang mga dwarf dahil sa mga sorceress at mga sinamon ni Goyoy, nangangalit din ang mga goblin sa mga dwarf at balak na nilang patatin ang lahat nang mga kalahi nito. Nagpaliwanag si naob. Di nadaw makakabuti kung itutuloy pa nang kahit sino man ang laban. dahil kung maggagantihan lang sila ay talagang mauuwi lang sa gulo, ikwekwento na nya ang nangyari dati pero binara sya ni gob, oo na gets na nila, batibati ang lahat, party muna! Napakaraming beer ang nakatago sa base nang mga dwarf, nang gabing yong natapos na ang problema sa pagitan nang mga goblin at mga dwarf, naging masaya ang salo-salo, lahat nang mga namatay ay makikita mong ayos pa pala, wala ngang namamatay dito nang di dramatic, pati yung ulo nang goblin na nakatuhog sa sibat, makikita mong humihinga pa, nakatahi sa ibang katawan. Naipaalala nila arch ang kapalit nang muling nagpasalamat si naob, Di nila naitanong dati, pero nasan nga ba ang seal sa Char pyres, anong seal? tanong ni naob. Kinabukasan, gnising si Naob nang mga dagundong ng makina ng mga parating na airship. Agad nyang ginising ang mga kasama at lumabas sa tent na tinutulugan. Naglanding ang tatlong airship at ang isa sa harap nya, nabulabog ang mga natutulog, nilipad ang tent. Mula sa airship, bumaba ang nakangiting si mani, habang sinalubong naman sya ng mga mura. Tinanong sya ni gob kung saan sya nanggaling, bakit nawala sya nang di nagpapaalam, bakit may mga nakapikit sa mga picture, bakit di man lang sya nagsabi at iba pa. Nagdahilan si mani, wala daw syang masakyang tricy(tricicle), oo na sige na tama ka naman palagi, bara ni Gob. Tinanong ni mani kung bakit nandoon ang grupo, kwinento ni arch ang plano tungkol sa paghingi ng tulong kay naob, palpak nga lang dahil di rin pala alam ni naob ang tungkol sa seal. ayos lang daw, sagot ni mani, nagtraining daw sya sa Flux, at nilabas nya ang isang Tesla orb, isang relic na nagpapalakas ng kapangyarihang pangkuryente nang isang nilalalang, naitanong na din daw nya kay Madam Cecil kung nasan ang seal, alam pala ni mam, di pa naitanong nila gob noong nagpunta sila doon, sayang, di sana tapos na. Nagayos na ang grupo para sa pagbalik sa pyres, ang kinaroroonan nang seal. Inalok ni gob. si naob na sumama, tutal wala naman syang dapat pang asikasuhin sa char at magagamit nila ang kakayahan ni naob sa kung san mang pagsubok, kwinento uli nila Aspollo at goyoy ang tungkol sa mga seal. nagisip si naob, payag sya, kung ayos lang sa mga goblin at kung kasama si Kathy. Payag naman si kathy, kung kasama sila Diana, payag naman ang tatlo. Pinaubaya na ni naob ang pamumuno nang mga goblin kay Jervok, ang tapat niyang alalay. Nangako naman si Lord jim na di na sila uli iiyak. Nagayos na ang lahat, Galbota na ang sunod, at gaya nang napagplanuhan, rererentahan nila uli ang dragonwing!. Tumawid uli ang grupo sa De_dust sakay nang tatlong airship na narenta ni mani. Nagkwentuhan ang lahat tungkol sa mga napagdaanan nila. Kwinento ni Zetaro kay mani ang tungkol kay malory na nagtatago sa ispadang pinahiram nya, nagulat si mani, di nya akalaing nasaloob pa noong ispada ang dragon, agad nyang hiningi ang ispada, medyo nakaramdam ng pangaagaw si Zetaro, naghatakan ang dalawa...hanggang nabitawan nila ang ispada, natahimik ang lahat at natitig sa ispada, nagkatinginan si Zetaro at goyoy, bumalik ang mata nila sa ispada, 1,2... Nagriot at nagagawan ang lahat, pati yung mga wala naman talagang pake, nayugyog ang airship na kinasasakyan. Nang natapos ay barag-barag na ang ispada...maraming nasugatan pero di talaga tumagal ang ispada. Maya maya ay namuo nanaman ang hangin galing sa loob, lumabas na si Malory, wala na ang ispadang bahay nya, nagwala ito at nag crash ang airship. Sa kalayuan ay nakita nanaman nila ang ipu-ipo, parating na ang mga wurm, kapit-kapit lahat kay malory, naipit sya. Nilipad nya ang mga nakakapit patungo sa isa pang airship. Nakaabot naman ang lahat sa pyres nang buhay. Naglanding ang airship sa may kabundukan, inirapan sila nang kapitan, nangako si Mani na babayaran nalang nila...next time, na one-two-three nila ang hangal. Naglakad-lakad sila sa mga bundok habang sinusundan si mani, may binigay si Mam Cecil na mapa kay mani. Nagpaikot-ikot sila sa buong bundok. Baliktad ang mapa. muntik nang di makabalik nang buhay si mani. Nabuksan nila ang seal ilang minuto pagkatapos nilang malaman na baliktad ang mapa. Nagiba ang ihip ng hangin, ang paningin ng araw, ang ikot ng mundo. nabuksan nila ang seal, tapos na sila sa char pyres. Habang naglalakad sila ay nakaramdam si Zetaro nang malalim na pagkabagabag, pakiramdam nya'y may masamang mangyayari, di nya alam kung ano, di nya rin ito pinansin. Natulog ang grupo sa isang rinentahang inn, dalawang kwarto lang, cheap ni mani. Kinabukasan ay nagpunta na sila sa waypoint. Sinita si naob nang mga bantay, munit pinadaan din nang kinausap ni mani. Nagtungo sila pabalik sa Windrea, habang may mga tumuloy na sa Wateru. Inimbatahan ni Ginara sila Kathy at sila macky na sa S.K.A nalang muna manirahan, habang si Arch nadaw ang bahala kay naob. Naghiwahiwalay muna ang grupo, binalikan nila Zetaro ang rinerentahang kwarto, habang sinundo na ni arch sila emaron sa mga bar, naingit sya nang nakitang nagdedate sila asero at emaron. Si Giant naman ang nagbantay sa Skyship, iniwan sa kanya ni Herartse. Madalas naman daw si lugia sa S.K.A., kasama si Bot. Madaling naging magkakaibigan ang mga babae ng nakabalik sila gob sa S.K.A., munit may binalita si Coco na umiwi daw si Cellah sa Windrea, medyo nabawasan sila, babalik naman daw sya. Hinatid nila Donna at bebs sila Kathleen sa kwartong tutuluyan nila, nagkwentuhan sila tungkol sa Redmagic, medyo taliwas sa blue magic na namumuno sa Wateru. Si Insan naman ang naghatid kanila hannah at reylin sa kwarto. Nagpahinga nalang sila Ginara, Neri at Jeffspike. Maya maya ay napadaan sila Zetaro, di mo rin sila masisisi kung namiss nila si Coco. Agad pumutok ang tsismis na may crush si teng kay olops...di ko rin lam ang eksaktong detalye...wag muna, nakakatakot kasi si teng. Bumalik naman sila Butcher, mani at _______ sa Avalon, ilang oras pa ay nagreport din si Zetaro sa kastilyo. Pinagusapan nila mani ang tungkol sa galbota, payag naman si arch sa pagamit uli ng dragonwing, at dahil sa medyo walang koneksyon ang tatlong kontinente sa galbota, pinaalalahanan ni mani si Zetaro na mas mapanganib ang susunod na lakad, blah blah blah ________ iligtas blah blah blah. Naalala ni Zetaro ang nadama nya nung pagkabukas ng seal, at nakaramdam sya nang parang may katapusan na parating na di nya talaga gets, nagpaalam na sya at nagikot-ikot sa avalon. Napadaan sya nang waypoint, nakita nya ang isang makina nang mga hamburger, nakita nya ang isang skyknight din na kumakain, naanyaya syang maki join. Pag-order nya ay namukaan nya agad ang skyknight, si Aiyan, nagkwentuhan ang dalawa at naidagdag ni Zetaro ang tungkol kay cellah. Nandoon nga daw sa Aerona si cellah, sagot ni aiyan. Pagkatapos kumain ay nagpaalam si Aiyan, pagkatapos daw nang trabaho ay pupuntahan daw nya si Cellah sa bahay, nasabi rin nyang parang tinatamad na syang maging skyknight, wala naman kasing nangyayari, medyo boring, di nagets ni Zetaro ang kalagayan ni Aiyan, puro kasi paglalakbay ang inuutos sa kanya. Napatingin si Zetaro sa waypoint, naisip nya ang tunay nyang tirahan na di na nya binabalikan, naisip nyang bumisita, para lang makibalita. Nakarating sya sa Aerona, lumipad sya hanggang marating ang barangay nila sa TRISETA. sa kalye palang ng tahanan nila ay napatigil na sya. ayaw na nyang magpakita, ni minsan di sila nagkaintindihan nang ama nya. Tumalikod na sya at lumipad pabalik sa waypoint. Nang gabing yon ay nagtrip sila goyoy na matulog sa dragonwing, kasama sila arch. habang natutulog sa ilalim nang mga bitwin, naalala nanaman ni Zetaro ang pakiramdam nyang kakaiba, doon nya naisip ang pagtingin kay _______, naging masaya ang mga samahan nilang lahat, munit parang kahit magkasama sila lagi, may oras na nagiisa si Zetaro at dito nya naiisip ang pagibig. medyo masyadong malaki ang inasahan nya sa pag-ibig, isang pagkakamali na na mauuwi sa pagkasawi. Napagkwentuhan nila ang tungkol sa Galbota, naitanong din ni Naob ang tungkol kay Aspollo at teng, nagulat sila na kilala na nya ang mga taga S.K.A. Kwinento rin ni goyoy ang tungkol kay Aluma... medyo nagtataka nga lang si Zetaro kung bakit sa pagsasalita ni goyoy ay parang gusto nyang ipa-assassinate si Mau. Din na rin sya nagtaka, kakaiba kasi talaga si goyoy. Kwinento ni Arch ang mga experience nya dati noong nauso yung pagpapadala nang mga sulat gamit ang mga ibon, dahil doon ay nasubaybayan nila ang mga kaguluhan sa galbota, ang tungkol sa mga nagsasakupang clan. Kinabukasan ay huli nanamang nagising si Zetaro, pero naunahan nya si Arch na naglalaway pa, pinicturan nila. Nagbreakfast(nakana) ang grupo. May bacon na mukang garter ng hanford,dalawang sabog na itlog, isang mahabang hotdog a.k.a. footlong at ang napaka espesyal na LIVERSPREAD at tinapay. Maya-maya ay natapos na ang maliit na pyesta, hugasan na ng pingan, naging parang ghost town ang laruna...naiwan si arch. Maya maya ay dumating na si mani at pinagusapan nila ni arch kung kailan ang balak na alis. Habang naglalakad-lakad sila Zetaro, naikwento ni Lugia ang tungkol sa balita na healing well sa Aquaron, nakapagpapagaling daw to nang mga sugat..mabuti sana kung nakapagpapagaling ito nang sugat sa puso. Naghiwa-hiwalay ang lahat, pumunta sila naob, emaron, Asero, lugia, at aspollo sa S.K.A. para mangamusta at makipaglambingan sa mga minamahal...buti pa sila. bumalik naman si goyoy sa aquaron, para makibalita at makitambay sa mga...tambay doon sa dati nyang paaralan. bago sila naghiwalay ay naghati-hati muna sila sa isang bote ng LIPOVITAN tm. "GETS YOU GOING". Umiwi naman si Rachia sa bahay nila para makibalita...at para mapalo. Natira si Zetaro, feeling mr. lonely nanaman, katapusan na ng mundo pagnagiisa sya, Hanggang may milagrong dumating... sa Tropen(lugar na pinaghiwalayan nila) ay nakita nya si ________ nagiisa, pupuntahan yata si mani, pero swerte namang napadaan sya sa gawi ni Zetaro, tuloy sa paglakad si Zetaro, malapit na, malapit na......BANG! tinamaan nang kung ano man si Zetaro at nalampasan sya ni _______, bato bato sa langit, tamaan ay napaka ubod na pinaka electro-magnetic malas, malamang ay di narin natatandaan ni ______ pagtinanong mo sakanya ang insidente, pagbangon ni Zetaro ay wala na si______ gusto sana nyang sundan, pero... wag nalang kaya... di nya ata kailangan nang ganyan...Bukol lang ang kanyang natangap. Nag lakad si Zetaro papalayo at nangnatauhan ay nagisip-isip kung saan tutungo. Bumalik na sya sa Headquarters(renerentahang kwarto) at nakinig nalang ng walkman. Sa dakong kalayuan naman ay si Goyoy, medyo bigshot na sya, nakakasama na nya ang hari ng windrea. Habang naglalakad sa kalye nang dating paaralan, nakasalubong nya ang mga kababata nya, nagtaklob sya sa kapa nya at tumuloy, nangnakalayo ay humarurot sya sa pagtakbo, buti nalang e di sya namukaan nung mga yon, napakalaki kasi nang utang nya. naglakad-lakad pa sya at nakapasok sa isang bahay aliwan. Nang nakarating naman si Rachia sa bahay ay sinalubong sya nang nanay nya, nagakapan ang dalawa, sabay palo, wala lang, trip lang. Pinasunod sya nang nanay nya sa Kwarto nang nakababatang kapatid nya. May problema. Dinapuan nang...sakit ang kapatid nya at kailangan nila nang kahit anong gamot. Naalala ni Rachia ang mga kaibigang whitemage, pero dinagdag nang nanay nya na pinatingin na daw nila ang kapatid sa isang white mage, munit wa-epek daw ang simpleng heal sa sakit. Kwinento sa kanya nang nanay nya ang tungkol sa Rejuvination well sa Aquaron, epektibo naman daw ang kapangyarihang magpagamot non kaya malaki ang tsansang mapagaling nito ang kapatid nya. Dahil kakagaling palang sa paginom nang LIPOVITAN, napaka energetic ang pakiramdam ni Rachia, nagbaon sya nang konting pera't chibog sabay lumarga, pinaalalahanan sya nang nanay nyang magingat. Nagwaypoint sya sa Aquaron at naghintay sa sakayan nang bus, este jeep...ay karwahe. Maya maya, bago sya makasakay...uminom muna sya nang bonamin, at nakasalubong nya si Goyoy. Inaya nya si goyoy na sumama, dahil wala naman ding ginagawa si goyoy(madalas walang ginagawa ang mga tao sa avelzar...wala masyadong mahirap at wala rin masyadong naneneryoso sa trabaho.) Sumakay sila nang bus, este jeep...ay karwahe at tumungo sa parang magubat na syudad ng "Cure"rast, gets nyo...Kurast! ha ha ha. winantutri nila ang karwahe, isang teknik na pinauso ni goyoy na tinuro sa kanya ng mga pirata. Nagpaikot-ikot sila sa gubat. ilang oras pa ay sumuko na sila at nagtanong doon sa guide na hinuhulugan nang isang Gil na coin. Tinuro sa kanila ang well. Nakadidiri ang well, parang may umihi na doon, ayos lang, di naman nila iinumin ang tubig, malamang ay ipapahid lang sa kapatid nya. ayos na atleast may gamot. naghanap sila nang mapaglalagyan. badtrip nakalimutan nilang magdala. naghanap si rachia nang kahit ano, munit ang dala lang nya ay, isang lata nang liverspread...no. 1 sa bread, dalawang tunaw na ice kandy at isang supot nang tasting tinapay. naisipan nilang ilagay nalang sa lata na Liverspread ang tubig na makukuha sa well... pero di nila kayang ubusin ang isang buong lata ng liverspread na walang sapat na tinapay at lalong di nila ito pwedeng itapon at isa pa, wala silang pambukas, wala pa kasing kan opener noon. nakita nila ang supot nang Tasty, pwede nilang doon ilagay ang tubig, pero saan naman nila ilalagay ang tinapay? nakaisip si goyoy ng paraan, pagsasamahin nila ang tasty at tubig sa isang supot! isang henyo nga naman, galing sa malilim na parte ay lumabas si Ramon Rapida, isang napaka sikat na...basta sikat, oo nalang tayo, nakipagshakehands sya at umalis na. Nagangkat na sila nang tubig at umalis na din. naghanap sila nang masasakyan at bumalik na sa tirahan, pagbaba sa karwahe ay nagulat ang dalawa, butas pala ang plastik, wala ng tubig ang supot nang tasty, natira nalang ang mamasamasang tinapay na pinagkasya sa iisang supot, pero ayos lang, pagpiniga ang tinapay ay may konting patak pa naman ng well. tumakbo ang dalawa pabalik sa bahay nila rachia, nakasalubong nila si Zetaro, nangamusta si Zetaro, dead ma, nagmamadali ang dalawa, nakigulo si Zetaro, muka kasing masaya ang dalawa, sumunod sya hanggang sa bahay, natuwa ang nanay ni Rachia nang nalamang andyan na sila. Pinakita ni Rachia ang tinapay at...tuyo na ang tinapay, wala nang natira ni isang patak. Nabali wala ang byahe. nalungkot ang apat. maya-maya ay nakahabol na si Zetaro at nagtanong kung ano ang nangyayari, dahil sa pagod, sinungaban nya gad ang nasilayang tinapay, nandiri si Rachia at goyoy, madumi kasi yung tubig na napagbabaran nang tinapay. Napansin pa ni Zetaro ang Liverspread...no.1 sa Bread, pahirapan nyang binuksan ang lata gamit ang ispada. Nagpahinga ang dalawang nanghihinayang, napansin nila ang malaking bukol ni Zetaro, kahit papaano ay natawa si rachia, maya maya, nagulat si goyoy, ang bukol ni Zetaro...unti-unting lumiliit, nagulat ang lahat, tumigil si Zetaro sa pagkain, nabitawan nya ang tinapay na may palamang liverspread...no.1 sa bread, unti-unti ay tuluyan nang nawala ang bukol ni Zetaro, it's a miracle, sabi na nga ni Zetaro, may healing powers ang LIVERSPREAD...no.1 sa bread at sa mga bukol! hindi, sagot ni goyoy, ang tinapay na nababad sa parang ihi na healing waters ng well! Agad pinakain ni Rachia ng tinapay na buhay ang kapatid nya, sa ilang segundo ay bumalik na ang lakas ng kapatid nya, hi tek, may bago nanaman silang nadiskubre. Inubos nila Zetaro ang tsibog sa bahay nila Rachia...nalugi ang negosyo. Pinagisipan nila kung ano ang magandang itawag sa tinapay, suggest ni Zetaro, Healingspread! suggest naman ni goyoy, Mau, nice! Desisyon ni Rachia, simple, Bread of life(tan tan nan tan tan tan!!!!) Doon nabuo ang mahiwagang pagkaing nagpapagaling.

Page 5