Kahabaan ng Istorya
Lumarga na ang grupo para hanapin ang misteryosong isla, sa Skyship, napagisip-isip ni Zetaro na hindi pala masayang magrelax kung hindi ka pagod, kaya medyo weirdo yung feeling, parang pagnakatulog ka mula 8:00 ng gabi at nagising ng 6:00 ng gabi kinabukasan, parang gustong pumutok ng katawan mo at sumakit ng ulo mo. Okey, thought of the day muna "No Rest For The Wicked". Habang bumabyahe si Arch ay napasok ang Skyship sa maulap na bahagi ng kalangitan, nagpakast sya kay goyoy ng spell at nawala ang Fog, kagaya nang dati, Nakita nya ang dalawang barko ng mga pirata, nabwisit sya at pinababa ang lipad ng skyship, nakita nya ang Dalawang Barko ni Skull, ang Wraithship(yung kanina) at ang bagong SKULLSHIP na sadyang napakalaki, masmalaki pa sa pinagsamang Armory, Wraithship at Dragonwing, pinababa pa nya ang lipad at nasilayan si Skull, Kumaway si kolokoy at nagkawayan ang dalawang panig, maya maya ay sumenyas si Skull at pinalapit ang Dragonwing, sumakay si Skull sa Dragonwing at nangamusta, di daw sya naghahanap nang nang away, munit halata namang di rin uubra ang pinagsamang atake ng apat laban sa malatrosong Skullship. Tinanong kung saan ang punta nila arch, sa Kung saan mang isla sagot ni Zetaro, nabalitaan na daw ni Skull ang nasabing isla at pinaalam na hindi ganoon kadaling hanapin ang misteryosong lugar na tila nagpephase in at nagpephase out tuwing Monday, Wednesday at friday, mula 7:00am hanggang 6:00pm, rush hour daw kasi, munit matutulungan daw sila ni Skull sa paghahanap sa isla, tinanong nya kung bakit hinahanap nang grupo ang isla at kung ano ang nakaukit sa may kalasag ni rachia, di pala kalasag yon kundi braso mismo ni loko, Ang atlantis, sagot ni mani at Virgie naman ang sagot ni Rachia, sakto, isa sa mga krew nya ay may alam sa..., virgie? tanong ni rachia, hindi, tungkol sa ATLANTIS, pinatawag agad ni Skull si tabobo...bigay nga kayong masmabuting pangalan. Si...Joferon, na may halong dugo nang malaking pamilya nang atlantean, ang may nalalaman daw tungkol sa misteryosong lupain, kiniwento ni joferon ang konting impormasyong nalalaman nya tungkol sa isla, kinwento rin nya ang mga kakaibang panaginip nya tungkol sa mga dialect ng mga atlantean at ang sagot sa seal sa gate ng isla patunggo sa atlantis, nakinig ang lahat, guto ko sanang gawan ng puzzle to kunwari para kayo magsasagot, tapos kung magegets nyo, padala nyo sa email at maitutuloy natin ang kwento, i email nyo muna kung gusto nyo nga nang puzzle, kung ayaw nyo ay...basta email nyo nalang ako. Lumarga ang grupo, kasama ang wraithship at skullship ni skull, patunggo sa isang parte nang atlantean sea na tinatawag na BERMUDA GRASS TATSHULOK, na nabalitaang pinaglilitawan nang isla, malas, wednesday kasi ngayon(sa kwento) kaya hintay ang grupo hanggang 6:00, natulog ang iba, ,maya maya ay bumula ang tubig sa dakong ilalim, ang mapagmasid na si goyoy ay nagulat, ginising nya ang mga katropa, pagtinggin ng grupo sa gilid nang skyship ay....wala, utot lang siguro nang malaking kung ano man ang bulang iyon, 3:00 palang, natulog uli ang iba, nagtakip nang ilong si goyoy. Ilang oras pa ay nakita ni goyoy ang isang BABAENG merfolk, parang sirena, kinawayan sya nito at kinamusta naman sya ni goyoy, HI GIRZ sagot ni goyoy, Napabangon sila Zetaro, lepsi lahat nang mga lalaki, nakatopless si sugarmama, ay hindi, rated PG...11 dapat ang kwento natin, naka sweater pala ang sirena, napasimangot ang lahat. Tinuro ni sugarmama este ng desenteng merfolk ang isang ayong lupa na di napansin ng grupo, ang misteryosong isla ay naglitaw, nagisingan ang lahat at tumunggo sa isla. Naglanding ang grupo, sumama si Skull at si joferon, sumama narin si Huitzilopoochtili, Joven, Madman at ang kinatatakutang si (tan dan tan!!!!) Dumo, aka. Dumovolver, onse, at iba pang katawagan na may kinalaman sa pagdumi. Lumayo na ang skullship para magpatrolya, naiwan ang wraithship. sa Isla, napansin ni giant ang mga kakaibang Lifeform na naninirahan sa misteryosong isla, napansin din ni goyoy ang mga merfolk na nagbabantay sa kanila sa di kalayuan, napansin ni Aspollo ang blue mana na makakapagpalakas sa pangalawang charge nang kanyang pheonix strike, napansin ni Asero ang mga parang kawayan na pwede nilang gamitin para sa pamimingwit, napansin naman ni Butcher ang mga illusyon na gumagala sa isla, napansin naman ni ________ na sadyang hindi kasya ang page three para sabihin kung ano ang mga napansin nang lahat nang mga tauhan, sadyang napakarami kasi ng mga characters, pati ako nalilimot kona kung sino ang mga kasama, sa huli ay napansin naman ni Zetaro na wala masyadong lamok, perpekto para mag party kung kailangan man. nagtayo ng parang "encampment" ang grupo at ang iba naman ay naglibot, napakaganda, liit at saya ng isla, parang private resort, may mga de rentang cottage pa sa gilid at may maliit na "bar" sa di kalayuan, walang ibang nakatira, walang ibang bumibisita, di nauubusan nang supplies, para talagang resort, may j@Ck-uzi pa (di ko alam spelling). Nagpahinga muna ang grupo, bukas nalang sila maglilibot pa, maaga pa ang gabi, naibaba nila ang pinagmamalaking stereo ni arch, at na set up ang surround sound, party muna ang lahat. Kinabukasan, huli nanamang nagising si Zetaro, habang sila Teng, Legaya, Aluma, jeffspike, Gov, Aspollo, Goyoy at si Joferon ay namasyal kanina(tulog pa si Zetaro) at nakatuklas nang isang weirdong straktura nang mga bato (parang stonehenge) na may parang puzzle. Nagligpit na ang lahat, bumangon na si Zetaro, habang ginigising palang ni bebang sila Ginara, neri at ______, heavy kasi magparty ang tatlo. Sinabi ni Skull na malamang ang mga batong yon ang "GATE" para sa atlantis, obyus naman din dahil may brief ni galon na nakasampay sa labas. Nagrupo ang...grupo, nagpatira si Skull at ang mga kasama nya, habang sasama naman si Joferon, nagtaka si Arch at nagpaiwan na din kasama ang crew(sila bata, emaron at iba pa)., kasama pa ang ilang tinamad, sila Ginara(antok pa), neri, Hessel, at donna(magliligpit pa daw). Magpapaiwan din sana si Mayka, pero nakadama sya nang kakaibang aura na parang nagsasabing may matatagpuan sya sa ilalim. Umalis na ang lahat eksep sa mga nabangit, naghike sila sa magubat na isla hanggang narating ang...bar?, naglakad lakad pa sila at narating na ang kakaibang straktura, ineksamen nang lahat ang mga bato, gamit ang stick, tinapon ni goyoy ang brief ni galon na nakaharang, NATAWA SI ALUMA, nagkatitigan ang dalawa, at maya-maya ay pinatugtog ang GETTING TO KNOW EACH OTHER, nagtaka ang grupo kung saan nanggaling ang kanta, nagtawanan sila goyoy at Aluma, kinilig si goyoy, pati narin si Bogarts na nasa malayong lupain pa kaya wag muna natin silang banggitin. Pinagaralan pa nila Gov. ang mga bato, di magets nila Zetaro at Mani ang mga nakasulat, Sinubukang basahin ni Bebang ang mga nakatala, dumating si Joferon at pinalayo si Babes, sya lang daw ang makababasa ng mga nakasulat dahil nasa isang ATLANTEAN LETTERS ang mensahe, kailangan daw nang matinding konsentrasyon, binatukan sya ni Butcher. Binasa ni Joferon ang nakaukit: "ISA ITONG PALARO, PARANG PUZZLE KUNG BAGA, MAY MGA PICTURE KAMING IPAPAKITA, TAPOS HUHULAAN NYO KUNG ANO ANG MGA LITRATO, PILIIN NYO LANG SA PILIAN ANG TAMANG SAGOT, BABALA, MAAARI KAYONG MADALA SA IBANG "SCENARIO" KUNG MALI ANG ILAN SA MGA SAGOT NYO, PARANG GOOSEBUMPS, MARAMING IBAT IBANG PWEDENG MANYARI KAYA SUBUKAN NYONG ITAMA, ISANG CLUE, PANSIN NYO PAG TINATAPAT NYO YUONG "CURSOR" NG MOUSE SA ISANG LINK AY SA MAY BABA NANG SCREEN, SA TAAS NANG BUTTON NANG "START", MAY LUMALABAS NA ADRESS KUNG SAAN KAYO ULI PUPUNTA, EXAMPLE, PAGTINURO NYO SA "Pahina Four(WALA PANG LAMAN)" AY LALABAS SA BABA, TAAS NG "START" ANG "https://www.angelfire.com/apes/siga", GAMITIN NYO YAN BILANG CLUE, OKS LANG KUNG DI NYO MAGETS. KUNG GAME NA KAYO AY I CLICK NYO NA YOUNG BUTTON SA BABA AT SIMULAN NA NATIN." Nabilib ang grupo sa kakayahan ni joferong magbasa nang Atlatean, sinimulan na nang grupong sagutan ang puzzle. (click nyo na yuong nasa baba)
Puzzle, click here!
Pahina Four