Binasa ni Joferon ang nakaukit. Kinakailangan daw nilang lutasin ang isang puzzle, pinagtulungan nang grupo ang pinahayag na puzzle, nakuha nila ang sagot at isa-isang nagkrack ang mga bato, naglayuan ang lahat, napuno nang usok ang gubat, nahalata nila arch ang kaguluhan, nagpuntahan ang lahat at nagkita-kita sa mga batuhan, pagkawala nang mga usok ay lumabas ang isang lagusan pababa, may apakan ito na parang elevator, tumuntong ang grupo, naiwan uli sila arch, nagpaiwan narin sila bebang at ella, di nakasi kasya sa elevator. nagdalawang isip si Zetaro, medyo closetropobic(di ko alam spelling) kasi sya, pero umandar na ang elevator at di na sya nakagalaw. medyo matagal ang sakay, umabot nang mga limang minuto, habang bumababa sa transparent na tube, nakita nila mani ang ilalim nang isla at ang ilang mga merfolk, kumaway ang iba, kumaway pabalik si goyoy na tila manghang-mangha sa mga nilalang, napatingin sa kanya si aluma na natutuwa sa kanyang pagkabilib. Lumubog ang elevator hanggang nabalutan nang kadiliman ang grupo, nagsindi ng 4-6 si aspollo at nakitang wala na sila sa tube na elevator, napadpad sila sa isang kwartong madilim na may gate sa harapan nila. nagmasid-masid pa ang grupo at kinatok ni gov. ang gate, bumukas ang pinto, at sinalubong sila nang isang malaking, maliwanag na metroployo, buhay na buhay, naglapitan ang mga residente sa kanila, pinagkaguluhan sila, nagbatian silang lahat at dinala sa pinaka parang city hall, doon nakausap nila ang namumuno, si Lord Owenshell, na nagwelcome din sa kanilang pagdating, nagpakilala si mani, ang hari nang buong kontinente nang WINDREA, nagulat si Owenshell at nagusap ang dalawa, namasyal naman ang iba. Sadyang kakaiba sa loob nang ATLANTIS, kulob, pero mahangin, masaya, at may mga halamang tumutubo, medyo pinagkaguluhan ang grupo nang lumabas sila sa city hall, nagkawatak-watak sila, napadpad sila goyoy, aluma at legaya sa isang parang palenke habang nagkasama sama naman sila Zetaro, _______(nice), insan, cellah at rachia, nahiwalay din sila Olops, jeffspike at teng. naiwan sila Gov, coco at si Mayka, nagpahabol si gov na subukang bumalik maya-maya, nagkaayusan ang grupo. namasyal sila Goyoy, Aluma at joie, nakipagusap sa mga residente, tinanong ni goyoy kung may nakakapasok daw ba sa Atlantis na taga labas, walang sumagot sa mga residente. Nagtingin-tingin sila sa mga palengke nang subenir, sakto nabigyan nang pera ni bebang si Aluma, bumili sila nang parang lapis na inukit sa puno. Sila Zetaro naman ay napadpad sa kung saan man nang atlantis, maraming tindahan kahit saan, nagtingin-tingin din sila, namili si _______ kasama sila insan at cellah, nakipaglaro sila Zetaro at rachia sa mga batang taga roon, no match si Zetaro sa sipa. Namasyal pa ang dalawang grupo, nagkausap si Cellah at Zetaro, naikwento ni cellah ang BF nyang nagskyknight din, taga Windrea din si cellah, Si Aiyan daw ang BF nya, nagulat si Zetaro at si cellah, sinabi ni Zetaro na ayos naman si Aiyan, pero matagal narin silang nagkita, kaya dehins nyang alam kung ano na ang nangyari sa BF ni cellah. Nagpahinga ang lima sa isang parang parke, nilalapitan parin sila nang mga residente at nagtatanong tunkol sa taas. Kwinento ni ______ ang mga nalalaman nya, maraming nagtatanong, sumagot din si Zetaro. nasabi nang isang residente na ang mga merfolk lang ang mga nakakasama nila sa ilalim, nagtaka rin ang grupo, alam nilang si SALBAKUTAH ang pinuno nang mga merfolk sa atlantean sea, sumang ayon ang isang residente at nabanggit na nagkokonsert nga daw ang mga heneral ni salbakuts minsan, may konsert daw yata bukas. Natuwa si Zetaro, gusto pa naman nyang mapanood yon nang live, nasira kasi noong sa laruna, may nagriot. Maya-maya ay nakasalubong nang lima sila Aspollo, nagkamustahan at nagkwentuhan, kakaiba talaga sa Atlantis. hinanap na nila sila goyoy. Sa City hall, napagusapan nila mani at Owenshell ang mga kaganapan, matagal nang nasa ilalim ang atlantis, may mga gustong umakyat, munit may mga di sigurado kaya lahat ay pumiling matira sa ilalim. Nabanggit din ni Owenshell ang tunkol kay Salbakuts, tinutulungan daw sila nito, kinukumbinsi rin daw sila na umakyat, munit buo nadaw kasi ang isip nila owenshell, kaya di nila tinatanggap ang alok, pero may mga iba daw na gustong umakyat, para narin sa ikabubuti nang Atlantis, may mga gustong magaral sa itaas, para madagdagan ang kaalaman nang mga Atlantean. Tinanong ni Owenshell si mani, bilang Hari nang Windrea, kung maaari ba o makabubuti kung magpapadala siya nang walong Atlantean wizard para mag aral sa taas, agad na pumayag si mani, pinatawag ni Owenshell ang walo, munit pito lang ang nakatugon, si Kals, Xakfin, Jeckel, Zendo, Waldo, Cid at si Bot. Maya maya ay may kumatok sa kwarto nila Owenshell, pinatuloy nila at pumasok si Joferon, tinanong ni Owenshell kung ano ang maitutulong, nagpaumanhin si jof at kwinento ang kanyang pagka dugong Atlantean, nagisip-isip si Owenshell at nabangit ang dating paglikas nang ilang mga atlantean, na umakyat sa taas, may mga balita daw na binawian lang sila na buhay sa kalupitan nang mga taga taas, munit matagal na daw yon at di sigurado, nilapitan ni Zendo si Joferon, ineksamen sya at nakita ang tatak nang atlantean sa may kanang palad nya, natuwa si Joferon, isa nga syang atlantean at natagpuan din nya ang lugar na lagi nyang napapagininipan. Natuwa rin si mani at Owenshell. Lumabas na nang kwarto sila mani, sa labas, naghihintay ang lahat, pinaalam ni mani na sasama sana ang pito, pumayag ang lahat. Nagkatinginan si Mayka at Bot, napansin ni Zetaro. Nagpaalam na sila, inalok ni Owenshell si Joferon kung gusto nyang manirahan sa atlantis, nagalak si Jof, pero may pamilya na daw syang naghihintay sa kanya sa taas, ang mga Wraith. nagpaalam muli ang grupo at nag pasalamat, nangnakalayo na ay naalala ni ________ ang Aqua shrine, tumabinge ang grupo, nakalimutan nila ang tunay na misyon, bumalik uli sila at tinanong kay Owenshell ang tunkol sa Seal, natawa si Owenshel at nabatukan, Wag na daw mag alala, sya na daw ang bahala munit di nya napigil na magtanong kung bakit, kwinento ni mani ang ang tungkol kay Exceres, nagulat si Owenshell, si Exceres nanaman, ang dahilan nang paglubog nang buong Atlantis, Nakaramdam nang matinding karangalan si Owenshell at nakilala nya ang mga taong balak pumigil sa isang halimaw na kagaya ni Exceres, nagbigay sya nang simpatya, at nagalok ng kung ano mang tulong ang maibibigay nya, pinaalalahanan sila mani na handang tumulong nang atlantis, lalo na sa mga bagay na tulad nang crisis kay Exceres, masayang tinangap nang grupo ang simpatya. Umalis na ang grupo gamit nang elevator, nagpasalamat uli sila. Sa taas ay kwinento nila mani ang mga nangyari at pinakilala ang pitong bagong kajamming, ayos na ang lahat, sumakay na ang grupo, munit siningil ni Arch nang 30gil ang pito, nilapitan sya ni Mani at nagbayad, solb si Arch, naghiwalay na ang Wraithship at Dragonwing, kwinento ni Joferon ang kila Skull ang nagyari, binatukan sya at nagtawanan uli ang mga pirata.
Sa barko ay napagusapan na nila na babalik muna sila sa Elderoth, para maghakot nang supplies. Medyo naging malungkot ang byahe, malapit na silang maghiwahiwalay, kwinento narin ni mani na ang susunod na lakad ay patungong Char pyres, kwinento narin ni mani ang tungkol kay exceres, nagkaliwanagan ang lahat. Sa Elderoth, nainteres ang pito sa mga nalalaman nang mga taga Marit, nagpasalamat sila kay mani, munit hanggang doon nalang daw sila, nagdalawang isip si Bot, balak pa sana nyang sumama, lalo nat maykakaiba syang nadadama kay Micah, pumayag si mani, sumama rin si Cid, hanggang laruna lang daw sya, pumayag din ang lahat, natuwa si bot, natuwa rin ata si Micah (natuwa ka ba?). Naglibot-libot muna ang grupo, habang namili sila Donna, bebang Trigger at giant nang mga Supplies, nangnakabalik ay nag ayos na uli ang grupo, pinuntahan na nila ang Skyship at nakitang nakikipag-usap si Arch kay Herertse na nakaparada rin sa isla, pinayuhan ni Arch na may lima pang posibleng pasaherong madagdag si Herartse (limang natirang atlantean Wizard) Kinamusta ni Herartse si Gov, inisnab sya ni gov, naalala ni gov ang PANAGINIP(panaginip lang yon, di totoong namatay si Herertse), natawa si gov, maya-maya ay tinitigan nya nang malalim si Herartse at mula sa kung saan man ay tinamaan nang METEOR si herartse, headshot, dead on arrival, totoong natuluyan si herartse, humalakhak uli si gov, HA! HA! HA!, nagtaka ang grupo, maya-maya ay bumangon uli si Herartse at nagkamot nang ulo, di pasya patay, walang namamatay sa kwentong to nang hindi dramatic. Nagayos na ang grupo, pagakyat nila ay nakita nila ang MAINIT NA TAGPUAN NINA GOB. AT HERARTSE SA CORRIDOR TAPAT NANG kwarto nang mga babae, nagulat si gov at umarteng walang ibig sabihin ang mga kaganapan. Tumuloy na ang grupo at lumarga pabalik sa Laruna. Ilang linggo rin ang byahe, medyo nagsawa ang lahat sa barko, hindi na sila masyadong nagrerelax dahil di naman sila pagod. Isang araw ay nagalit si Goyoy sa mga babae, ewan ko kung bakit (nabasa ko lang to kay M___h). Kinausap sya ni Neri, umiyak sila, pero oks lang, lasing naman ang lahat noon. Lumipas ang mga araw at nakarating din sila sa Laruna port, naglanding sila sa isang resort, nagswimming muna ang lahat sa beach, medyo inatake sila nang malaking pusit, lumipat sila sa Indoor Pool nang resort, di nagswimming si mani, Nabighani Si Zetaro kay _______, wag nanating pagusapan yon. Kinabukasan ay nagpaalam na sila Gov. para bumalik sa Paaralan nila(ang S.K.A.), Nagpaalam na ang lahat kila Arch, Emaron, Giant, Asero at lugia, munit nag alok si Mani na ihahatid na daw nila ang lahat sa SKA, tinangap ni Gov. ang alok, medyo mabigat nga naman ang mga bagahe, Naging Bellboy sila Zetaro, Aspollo, Rachia, goyoy at sapilitang si Trigger, di nila kinaya at tinulungan sila nila Giant, Emaron at Asero, pumayag si Arch, iikot lang daw ang tatlo at magpapahinga galing sa byahe, pumayag si arch, sumama si Lugia. Sa SKA, nagulat ang ibang mga babaeng studyante, superpogi, electro magnetic kasi si ZETARO, na flattered si loko, naingit ang iba (ha ha). Nakabalik na sa Kwarto sila Gov.(parang dorm kasi ang S.K.A, at all girlz school pa), nakilala ni Asero ang ka room mate ni teng nasi...tago nalang natin sya sa pangalang J@ck, medyo wala kasi tayong permit para gamitin sya sa kwento. Nagdate ang dalawa. Maya-maya ay kinongratulate nang mga estudyante si Ginara at Aluma, nanalo daw sila bilang Sage at ....treasurer? basta SCB!. Natuwa si Goyoy, di sya napansin ni Aluma, nagkongratulatan ang lahat. Nagpaalam na sila Mani, Nagpahabol si Gov, parang gusto daw nya kasing sumama, lalo na't Sage na si Ginara, sya na ang medyo mamamahala kaya libre na si Gov., nagisip-isip si Mani, maya-maya pa ay dumating si Ginara, Jeffspike at neri, gusto rin daw nilang sumama, payag naman daw ang Grand Sage nang paaralan, Di nakapagsalita si mani, Call na. Babalik nga lang daw muna sa Windrea bago uli lumarga, payag ang lahat. Namasyal muna ang lahat, binalikan nila Zetaro ang HQ. nila sa Laruna, Sarado na, di na daw kasi sila nagbabayad, hinanap nila ang mga nakaw nilang gamit na tinabi sa HQ., nanakaw na pabalik ang mga gamit. Badtrip. Bumalik sila sa Market, ang naging playground nila dati sa pagnanakaw, naninibago sila, ngayong may kaya na sila, di mo iisiping magna ang mga katulad nila...except kay Goyoy na gumamit nang mahika para maitakas ang isang panindang Davao Papaya, nakunsensya si Zetaro, medyo may pera na sila galing kay mani, binayaran nya ang papaya, pinagtulungan nang grupo ang papaya, kakaiba talaga ang papayang galing sa Davao. Si mani naman ay Bumalik Kay arch, Gusto nya sanang kontratahin si arch papunta nang Char pyres, nagulat si Arch, sadyang napakalayo nang Char pyres, di pa nya nagawang byumahe nang ganoon, lalo na't may Waypoint naman patungong Char pyres, sumang ayon sa kanya si Trigger. Pinaalam ni Mani na Balak nilang Pumunta rin nang Galbota, wala nga namang Waypoint patungo ron, tinanong ni Arch ang presyo, sakanalang daw nila paguusapan sabi ni mani, basta di daw bababa nang 1000gil per head, natuwa si Arch. Nagkita-kita ang walo(Mani, ______, Trigger,Butcher at ang apat), Nagpaalam na si Trigger, nagpasalamat si Mani sa mga naitulong ni Trigger, tinukso nila Zetaro ang taba ni trigger, nagtawanan ang lahat. Bumalik na si mani sa Avalon, Di alam nila Zetaro kung saan matutulog, binigyan sila ni Mani nang pera para maayos ang HQ., natuwa ang grupo, nagpaalam na sila, nagpaalam si Zetaro kay _______, tawanan ang lahat, sa makalawa na daw lakad papunta sa Char pyres, Kabisado ni Aspollo ang Pyres, Umalis na sila mani, inalok ni Zetaro kung gustong magpahatid nila mani, nagpasalamat si ________, munit mas mabuti daw na asikasuhin muna nila ang HQ. nila, paalam uli si Zetaro. Nang gabing yon di makatulog si Zetaro, lagi naman, pero mas senti sya nitong gabing to, Naiisip nya si ______ pero di nya magawang kausapin sya tungkol sa mga bagay na ganito, pagkaharap nya kasi si _______ ay na do-dont know what to say sya, lahat nang mga bagay ay nalilimot nya at...nagmumukang tanga, ang hirap talagang umibig, lalo na sa kagaya ni_________, Hininaan nalang ni Zetaro ang walkman para makatulog, maya maya ay naalala nyang wala pang walkman sa Avelzar.Kinabukasan ay naglibot ang apat, kwinento ni Aspollo ang mga ibat-ibang bagay na makikita sa Char pyres, medyo istrikto kasi don at mahigpit ang mga bantay kaya ni minsan ay di tinangkang magnakaw nila Zetaro sa Pyres. Kinabukasan ay pinatawag na sila ni Mani, pinuntahan nila ang mga taga SKA na gustong sumama, nakita nila si Emaron na may kasama, si Mavell, isang studyante sa SKA, pinakilala nya ito kay Arch, nakasalubong nang apat si Arch, balak din daw sumama nito, payag naman siguro si mani sagot ni rachia, tinanong ni Aspollo kung nasan ang dragonwing, binabatayan daw to ni Herartse, narinig ni Gov ang usapan, parang gusto nalang nyang magpaiwan. Lumarga ang grupo, kasama si Arch, Gov at ang ilang taga SKA, pumunta sila sa Kastilyo sa Avalon, Sinalubong sila ni mani, okey na, medyo madami uli sila pero oks lang, the more the merrier, di narin nya pinansin ang biglang pagsama ni Arch. Sakay nang karwahe, pumunta sila nang waypoint at nakarating sa Pyres, Hinanap nila si Magnarok, ang hari ng pyres, munit ang alalay lang nito ang nakausap nila sa City hall, nasa Atomo daw, ang lupain nang mga dugong bughaw, siguradong di makakapasok sila Zetaro sa Atomo, munit kailangan daw na makausap nila si Magnarok, Pumayag ang grupo na si mani na lang ang pupunta. Umalis na si Mani, habang gumala muna ang grupo. Nagikot-ikot ang grupo sa mga tindahan, napansin nila Arch na hindi makakarating si mani, napagplanuhan nilang matutulog nalang muna sila sa isang Inn, medyo kulang nga lang ang pera nila, lalo na't wala si mani, ok's lang kay arch, marami syang datong, kakabayad lang kasi sa kanya ni mani galing sa byahe nila. Naghanap-hanap ang grupo nang inn na may "vibrating beds", naalala ni Zetaro ang bronco. maya maya ay may nakabangga si Arch na maliit na goblin, nagpaumanhin agad ito at tumakbo, nagtaka si arch, naalala nya ang pera, kinapa nya, WALA! nanakaw ang pera, sumigaw sya, munit di sya pinansin nang mga nagpapatrolyang bantay, nabwisit si Zetaro, di nila aakalaing maiisahan sila, dapat sila ang nanlalamang, hinabol nang apat ang goblin, sumunod sila butcher, naiwan ang ibang babae, nagpaiwan din si arch (lakas mo!). Kung san-san pumasok ang goblin, ayos lang kay Zetaro, kabisado naman yata ni Aspollo ang daan, tumagal pa ang habulan, napakakulit nang goblin, di nag tagal at napad-pad sila na sila sa magubat na parte nang pyres, lalong di nakalayo ang Goblin, unti-unting bumagal ang takbo nang apat, naalalani Zetaro ang pakpak nya, obob talaga, lumipad sya at nahabol ang goblin, dinakma nya ang magna at naglanding, nakahabol na ang tatlo, hinanap nila ang pera, di nagsalita ang goblin, maya-maya ay kinagat nito ang kamay ni Zetaro, nabitawan nya, tuloy ang habulan, nakalayo uli ang goblin, tinanmad na si Zetaro, nagpahinga ang apat at sumuko, maya maya ay napansin nilang malayo na pala ang napuntahan nila, medyo madilim ang gubat at tahimik, naalala ni Aspollo ang anino sa AERO shrine, kinilabutan ang grupo, palakad silang bumalik, maya maya ay may naramdaman ang tatlo, nagtaka si Goyoy kung ano, binunot nila Zetaro at rachia ang ispada nila, sinindihan ni Aspollo ang 4-6, nagtaka si Goyoy at naghanda narin, may nadadama ang tatlo, galing sa mga dahon, maya maya ay biglang tumahimik, nawala ang nagpaparamdam, hinayaan na nila Zetaro, pagtalikod nila ay may mamang nakaabang, nakasuot sya nang parang armor na gawa mismo sa bato, umiilaw ang dibdib nito, tinanong ni Aspollo kung sino sya habang tinutok ang 4-6 nya, biglang nawala ang mama, naiwan nalang ang pouch ni Arch na naglalaman nang pera, Isang Dyumi, sagot ni Goyoy, mga immortal na kalahi nang mga dating ANCIENT na tumulong sa pagbuo nang pinaka Avelzar, nagulat sila Zetaro. Umalis na ang grupo, nagpasalamat si Aspollo. Binalikan na nang grupo sila Arch, wala na sila, narinig ni Rachia ang tawanan nang mga babae, sa isang kainan, pinasok nila Zetaro, nakita nilang kumakain sila butcher, nakikain narin sila at nagpahinga. Kinabukasan ay maagang nagising si Zetaro (himala), namasyal-masyal muna sya at nakarinig nang isang usapan, nakita ang dalawang babaeng Red mage na naguusap tungkol sa mga goblin na nagnanakaw at ang pinuno nila, na naghahanda sa isang labanan, nagulat si Zetaro, ang mortal na kaaway nang mga goblin, ang mga Dwarf, ay nakatira sa mga bulubundukin nang Pyres, kung magkakaron nang laban ay malamang madadamay ang pinaka Sorch, ang syudad na kinaroroonan nila, siguradong riot to! di mapipigilan nang mga bantay ang ganitong uri nang gulo, nilapitan nya ang dalawang red mage at nakipagusap, ang paaralan daw nila ay nasa Pommel, syudad na katabi nang Sorch, at kung magkakariot daw ay mapipilitang makigulo nang lahat, kasama na nang mga red mage, nagpakilala ang dalawa, si Kathleen at si Ynes, nagising si Aspollo at nakigulo, nakita ni Ynes ang kwintas ni Aspollo, inarbor nya ito, di nakatangi sa Aspollo. Tinanong ni Zetaro kung sino ang pinuno ng mga goblin, si Naob, isang dyumi, sagot ni Kathleen, nagulat ang dalawa, malamang ang nakaharap nila nong isang beses ay si naob na nga, pinagusapan nang dalawa ang plano, naisip ni Aspollo na malamang alam ni Naob kung nasan ang seal, tutal imortal sya at matagal na syang naninirahan sa Pyres, ginising nila ang iba, nagpakilala ang lahat sa dalawang redmage, inaya sila na bumisita sa paaralan nila sa Pommel, maraming mga Sorceress doon na makaka tulong,pumayag ang grupo, nagkwentuhan ang lahat sa daan. Sa Orca, ang paaralan sa pommel, sinalubong ni Olirya ang dalawang redmage, pinakilala nila ang grupo, napansin ni Olirya ang tatak ng white mage sa balikat ni _______ napansin din nya ang kasuotan ni goyoy na pang bluemage, pinapasok silang lahat. Naglibot-libot si gob, maraming mga bagay doon na kapupulutan nang aral, sumama si goyoy na interesado rin sa Red magic. Maya-maya ay pinakilala ni Olirya si Amaburns, isa pang Sorceress, nagtaka sila Zetaro kung bakit puro babae ang mga sorceress at walang sorcerer, dumating ang punong matriarch sorceress, si Kat Coronel, o mas kilala sa katawagang "ate kat"(napakaraming "kat" sa mundo) Nagusap ang grupo at nagpakilala, maya-maya ay dumating ang Retired na Patriarch? na SORCERER? si Kuya? Noli, nagets ni Zetaro kung bakit wala masyadong sorcerer. Natanong ni Aspollo ang tungkol kay Naob, wala masyadong alam si "Ate kat" tungkol dito, ineksplika ni Kathleen ang tungkol sa laban-laban, tinanong din ni Rachia ang planong paghanap kay naob para sa seal, naalala ni "Ate kat" ang tungkol sa seal, pero inamin din nyang walang nakakaalam kung nasan ang seal, malamang alam nga nang dyuming si naob kung nasan, napagplanuhan nang grupo na si naob ang target, naalala ni Jeffspike si Lazarus, kwinento rin nyang naging bes nya ito, pero wag na nating pagusapan, di ko rin alam ang mga tungkol dyan, baka magalit si spike.
Napagplanuhan nilang kailangan nilang puntahan si mani, di nga lang nila alam kung papaano makakapasok, naalala nila si (pahiram lang) "Knowell", isang Waverider na nagretiro? na at namamahinga sa kung san man ng Pyres, kakilala nya si Denver, na ka close ni Hannah, isang empleyado sa Pit coliseum, parang kuneta astrodome na pinaglalabanan nang mga Gladiator, barbarian o kahit ano pa na nasa Atomo, nainteres si butcher, naitanong nya kung pwede syang sumali doon, naitanong ni Aspollo kung sino si Hannah, naitanong ni Zetaro kung kay shawi ba ang kuneta astrodome...kay sharon nga ba yon?. Pinaliwanag ni Kathleen na kung sasali sila sa labanan sa pit, o magpapangap, malamang makakagala sila sa Atomo, nagets nang grupo ang plano...except ay goyoy, naki "Ahh" nalang sya. Hinatid nila Ynes, kathleen at olirya ang grupo, maya maya ay sumama narin si Amaburns, wala kasing aksyon sa Orca, at baka mautusan lang sya nila "Ate kat". Nagpunta ang grupo sa kung san man nang pyres(ang"kun san man nang pyres" ay matatagpuan sa gitna nang pyres at atomo, yung lupa na walang pangalan, kalahati nyan ay pyres, kalahati atomo, pahirapan nilang nakita si Knowell, sakto kasama nya si Denver, magkakapit bahay lang ang dalawa, tumambay muna ang grupo, nagkabiruan ang lahat. Kinabukasan (ginabi sila), hinatid na ni Denver sila Arch sa bahaging atomo nang kun-san-man-nang-pyres, nakausap nila si Hannah na kasama nito ang barkada nya, mga empleyado rin na recruiter, sila joan at si macky. Nailab nanaman si goyoy, nabighani sya kay macky, munit kumupas din at nalipat kay Hannah, pero nawala uli at bumalik kay mau, maynasabi sya na nagiba daw kasi ugali ni hannah...? Tinanong ni hannah kung sino ang mga sasali, inekplika ni gob. ang plano nila, naunawaan nila hannah, ayos lang daw, kunwari trainer ang iba, pero kailangan na may sumali sa palaro, pagkatopas nang isang laban eh makakagala na ang grupo, pumayag ang lahat, nasali si Zetaro, Aspollo, Rachia, Goyoy, butcher at si Arch, di nila akalain na manlalaro din pala sa pit si Denver, sya ang naging guide nang anim. Nagpaiwan na ang mga redmage at sorceress, bwumahe ang grupo sakay nang isang karwahe, papunta sa isang napakalaking gate, ang sikat na town gate nang Atomo. May nirentahan silang parang combat pit na pinagtre-treningan, kinabukasan ay tumungo sila sa Pit Coliseum, papalapit palang ay di na mapalagaw ang lahat sa pagkabighani, napakalaki nang pit, parang yung nasa GLADIATOR na palabas, medyo di ngalang ganoon kabrutal tong labanan na kwinekwento ko. Naglibot ang grupo sa coliseum, nagkwento si Denver, naglakad sila kasama nila hannah, binalaan sila ni hannah na may mga namamatay din sa labanan, kaya kailangang mag-ingat. Umuwi na ang grupo at nakitulog kanila Denver, ang ,mga babae naman ay nakitulog kanila Hannah, pahinga ang lahat. Kinabukasan ginising sila ng maaga ni Denver, badtrip si Zetaro, pinaalam ni denver na sa loob nang tatlong oras ay may laban silang gaganapan, nagulat ang anim, pinaghanda sila ni Denver, tumungo na sila sa Coliseum, nagkahiwalay ang mga babae't lalaki, tumuloy sila Gob. sa mga bangko nang mga manonood, napadpad sila arch sa parang kwartong may lagusan para sa labas. Medyo kabado ang grupo sa labanan, napakaraming nanonood, at pagnagkamali sila ay pwede silang matuluyan, maya-maya ay pinahayag pa na manonood daw ang reyna nang buong Char pyres, tinanong ni Arch kung sino ba ang reyna, si MAM Cecil, o madam Cecil, ang kinatatakutang reyna na madalas nanonood sa labanan, minsan, pagdi nya daw nagustuhan ang paglaban mo, kahit panalo ka, pwede ka nyang papatay, kinabahan lalo ang anim sa sinabi ni Denver, maya maya ay pinatawag na sila, parang gustong magbak-owt ni Goyoy, pinilit lang sya ni arch, ano nga naman ang pwedeng masamanang mangyari sa kanila. Lumabas na ang anim na bagong "Challeger", isa-isa silang naglabasan sa lagusan, tahimik ang mga manonood, nagchi-cheer sila gob., chinicheeran ni Neri si Tasyo...sadyang nakakapagduda... Maya-maya lumabas si Zetaro, nagtayuan lahat nang mga manonood at nagsigawan, porma palang parang champion na ang dating, naingit ang iba at binatukan si Zetaro, tinitigan sila ni Mam Cecil, nagulat ang anim. Sa kabilang Dulo nang coliseum ay may umangat na gate, nalepsi nila ang ilang mandirigma, pero sumara uli ang gate bago pa makalabas ang mga ito, sa kabila pang panig may bumukas uling gate, nagtakot ang mga manonood, miski si denver ay kinabahan, hindi pa todong bukas ang gate at may bumabangga na rito, maya maya ay nakawala ang isang malaking, nangangalit, naglalaway, nangangamoy at nagwawalang .....teletabi na mukang syokoy(napanood ko sa kool ka lang) naghiwa-hiwalay ang grupo, nagkahabulan, riot, naglabas sila nang kanya-kanyang armas, Nagpakawala si rachia nang isang bone spear na missle galing sa weidong ispada, wa-epek sa teletabi ang atake, ginamit ni butcher ang Dark ion na bato na naka dikit sa may balikat nya, nagawa nyang buhatin ang halimaw gamit ang isang itim na kuryente pero bago pa nya ito maihanpas sa pader eh bumitaw ang Dark ion, bumaksak sa sahig ang halimaw at lalong nagalit, napansin ni arch ang walang imik na si goyoy na parang nagiipon nang mana, napatingin din si Zetaro, malamang may plano si goyoy, maya-maya eh napansin nilang papalapit na ang di maintindihang halimaw, nagpapain sila Zetaro at Arch para di magambala si Goyoy, sa likod nang halimaw, sumabit si Denver at tinuhog nya ang halimaw, wa epek, parang kagat lang nang langam, nalaglag si Denver, naiwan ang ispada sya, binato nya nalang gamit ang mga nakatagong throwing knife, ginawitan ni Zetaro nang gust si loko, lalong wa epek, nag charge si Aspollo at nakaabot nang 2nd level pheonix strike, pinakawalan nya ang atake sa kalaban na nakailag, pero nadali rin ang kaliwang braso nito sa lakas nang kuryenteng atake. lalong nagwala ang halimaw, umilaw ang lalamunan nito, tumutok kay goyoy, napansin ni rachia, bumuga nang kuryente ang halimaw na kagaya nang 2nd level na ateke ni Aspollo, sakto nasangi ni Rachia ang atake gamit ang kalasag, badtrip, extra-crispy ang pinagkaingat-ingatan sheild. maya-maya, napadilat si goyoy, nagkast sya nang isang summoning spell, isang malaking 4/5 na alimango, natuwa ang grupo, maya-maya nagwala ang alimango, hinabol si arch, tumabinge ang lahat. na badtrip si Zetaro, hinampas nya na ispada nag likod nang alimango, barag ang Service blade nya, hinabol sya nang halimaw, nahagip sya nang malaking kamay nito, napatumba si Zetaro, naghanap sya nang armas at nabunot ang kalawanging ispada na pinahiram sa kanya ni Lazarus, tinutok nya ito sa pasugod na halimaw, bago pa sya mahampas nito ay umilaw ang kalawanging ispada, unti-unting bumalik ang kintab nang talim nito, umusok nang asul sa hangin ang nakaukit sa tagiliran nang ispada, maya-maya may maliit na pakpak na bumuka sa gilid, lumakas ang hingin sa buong kapaligiran, lumipad ang pakpak at namuo ang isang maliit na dragon, natahimik ang lahat, lumayo sa kalangitan ang namuong usok nang dragon, maya-maya ay naglaho ito, parang usok lang na nakawala, nabalik ang panganib kay Zetaro, nakatayo sya, pero hinabol uli nang malaking alimango, tumakbo sya at nakasalubong ang isang pang halimaw, nakaiwas sya at nagkaharap ang dalawang halimaw, nilapiatan nya ang grupo na nagpapainga, nagaway din sa wakas ang teletabi at ang alimangong sinummon ni goyoy, naghabol nang hininga si Zetaro, maya-maya, galing sa langit, may bumaksak na kung ano may, nadaganan ang nagaaway na halimaw at nadurog sa lakas ng impak, nabalutan nang usok ang Pit, nagtaka ang lahat, pati na si Mam cecil. Kumalma ang alikabok at lumitaw ang isang maliit na asul na dragon, namay pakpak na kagaya ni Zetaro, nagtaka ang lahat, nilapitan ito ni Zetaro, pero nagwala ito, panibago nanamang kalaban, pinagtulungan ito nang grupo, pero nakakailag lang ito at tuloy ang pagatake kay Zetaro, di nito pinapansin ang iba, lumipad si Zetaro, hinabol paring sya, gamit ang ispada, inatake nya nang tornado wing ang dragon, tinamaan ito at nawala, naging usok at bumalik sa pormang hangin, bumaba si Zetaro, maya maya ay bumalik ang dragon at inatake si Zetaro, nabadtrip si zetaro, pagod nasya, bakit ba sya pinagtritripan nang dragon to, nakita nya sa malayo si _________ na nanonood, tinitigan nya ang palusob na dragon, di nasya gumalaw, nagkatitigan sila nang dragon, maya maya ay natigil ang dragon at bumaba, nakatitigan ang dalawa, nabasa nang dragon ang naiisip ni Zetaro, si ________, nawalan nang lakas nang loob ang dragon, ito ay nagpormang hangin uli, naging usok at pumasok sa Ispada ni Zetaro, naghiyawan ang mga manonood, napatayo si mam cecil, nagtaka ang iba, kahit papaano na tapos nila ang laban, nagkausap si Goyoy at si Zetaro, nasabi nya na baka ang dragong yon ay si...Malory, sagot ni Zetaro, kaya pala binigay ni mani ang ispadang yon, nagulat ang grupo, nakuha na nila ang isa sa doseng dragon, di panila nabubuksan yung seal, Natuwa ang grupo at nagbow kay mam cecil, sumenyas ito na makaaalis na sila, mission accomplished ang grupo. Lumabas na sila sa lagusan at nakasalubong ang iba, nagkapurian. Nakatangap sila nang isang imbitasyon galing kay mam cecil, isang obernayt sa kastilyo ng Atomo. Tumungo ang grupo sa nasabing lugar. may dalawang magkahiwalay na kwarto, nagpahinga ang grupo, nagpaalam sila Hannah, macky at joan, inaya sila ni Gob, nagdalawang isip si Hannah, may trabaho pa kasi sya, pero kinalimutan nya rin yon. nakatulog ang grupo sa pagod, lalo na si Zetaro na hindi nakaligo nong hapon, naligo rin sila sa malaking Swimming pool kinabukasan. Pagkatapos nang lahat ay pinatawag sila ni Mam Cecil sa kwarto nya, nandoon na pala sa kastilyo ang reyna, sinamahan sila nang alalay ni mam at pinapasok sa kwarto, kinamusta sila ni mam cecil at pinuri, nagpasalamat ang grupo, tinong ni mam cecil kung bakit naman napasok sila sa labanan sa pit, nagusap ang grupo, naging si Gob. ang spokeperson, sinabi nya ang pakay na si mani, nagulat si Mam cecil, nasa flux daw kasi si mani, pinapunta sya doon ng hari ng flux dahil sa isang alok tungkol daw sa kapangyarihan nang Tesla orb, isang bato na nagpapalakas sa kapangyarihang pangkuryente nang isang nilalang, nagulat ang grupo, iniwan sila ni loko, nagpaumanhin si Mam cecil, medyo sya rin daw kasi ang nagkumbinsi kay mani na magpalakas gamit ang bato, medyo napapabayaan na daw kasi nang batang hari ang kayang tungkulin bilang hari nang buong Windrea, nagkaunawaan ang grupo, maya maya ay dumating ang batang anak ni mam Cecil, si Prinsesang Anya. Inalok pa nang kainan ni Mam sila Gob, pero tumangi rin ang grupo, ewan ko kung bakit, nalungkot lahat nang mga lalaki, nagpaalam ang lahat at tumuloy na. sa labas, napagplanuhan nang grupo na sila na lang muna ang bahala sa pyro seal, hahanapin nila ang dyuming si Naob at dito hihingi nang tulong, nagtaka si Hannah kung ano ang pinaguusapan nang grupo, pinaliwanag ito nila Aspollo at goyoy. Inalok ni Arch kung gustong sumama nila Hannah sa misyong pagbukas nang mga seal, hinikayat din sila ni Gob, ika nga ni mani, "the more the merrier", nagusap ang apat (hannah, joan, macky at denver) pumayag ang tatlo, pero tumangi si Denver, may aasikasuhin daw kasi sya sa bahay. Nakarating na sa Kung-san-man-ng-pyres ang grupo, sa bahay ni Denver, nagpasalamat na ang lahat at nagpaalam, tumungo naman sila pabalik sa paaralang Orca para makakuha nang impormasyon kay naob.