Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

SINAKTAN MO ANG PUSO KO
Michael V.

Di ko akalaing magagawa mo sa 'kin ito
Matapos kong maibigay ang lahat-lahat sa 'yo
Iniwan mo akong nag-iisa't nagdurugo
Kinabukasan kaya'y mabubuhay pa ako

Pakinggan mo'ng aking awitin
Inaalay lamang sa 'yo
Sinaktan mo'ng aking damdamin
Ngunit 'di mo sana sinaktan ang puso ko

Sinaktan mo ang puso ko
Sinaksak mo ng kutsilyo
Binuhusan mo ng asido
Pinukpok ng martilyo
Sinaktan mo ang puso ko
Ngayon ako'y naghihingalo
Mauubusan na 'ko ng dugo
Sinaktan mo ang puso ko

Naaalala mo pa ba nu'ng nagsasama pa tayo
Nilalagyan mo ng bubog ang palaman ng tinapay ko
Manonood ng sine, isang linggong naghintay sa 'yo
Sabi mo na'traffic ka, naniwala naman ako

Pakinggan mo'ng aking awitin
Inaalay lamang sa 'yo
Sinaktan mo'ng aking damdamin
Ngunit 'di mo sana sinaktan ang puso ko

Sinaktan mo ang puso ko
Nilagyan mo ng turnilyo
Sinunog mo ng posporo
Hinampas mo ng tubo
Sinaktan mo ang puso ko
Ngayon ako'y naghihingalo
Mauubusan na 'ko ng dugo
Sinaktan mo ang puso ko

Ba't di mo ka'gad sinabi sa 'king di mo na ako gusto
Nakuha mo pa akong ipakagat sa aso n'yo
Sinisiraan mo 'ko sa harap ng magulang mo
Yung manananggal sa Sampaloc, ang sabi mo kapatid ko

Pakinggan mo'ng aking awitin
Inaalay lamang sa 'yo
Sinaktan mo'ng damdamin
Nguni't di mo na sana sinaktan ang puso ko

Sinaktan mo ang puso ko
Kinaskas mo ng sipilyo
Tinaktakan ng AjiNoMoto
Ipinakain sa aso
Sinaktan mo ang puso ko
Ngayon ako'y naghihingalo
Mauubusan na 'ko ng dugo
Sinaktan mo ang puso ko

Sinaktan mo ang puso ko
Tinagpas ng jungle bolo
Pinang-linis mo ng banyo
Dinikdik mo ng maso
Sinaktan mo ang puso ko
Ngayon ako'y naghihingalo
Mauubusan na 'ko ng dugo
Sinaktan mo ang puso ko

Sa nakakarinig nito
Please lang
Pakibalik ang puso ko...

bar

Jewel's Midi Collection Original Pilipino Music


Midi file sequenced by Jhunn Mejia