Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

PAGBABALIK
Asin
(L. Carbon)

Sa gitna ng dilim ako ay nakatanaw
Ng ilaw na kay panglaw, halos di ko makita
Tulungan mo ako, ituro ang daan
Sapagkat ako'y sabik sa aking pinagmulan

Bayan ko, nahan ka, ako ngayo'y nag-iisa
Nais kong magbalik sa iyo, bayan ko
Patawarin mo ako kung ako'y nagkamali
Sa landas na aking tinahak

Sa pagsibol ng araw hanggang dapit-hapon
Malamig na hangin ang aking kayakap
Huwag sanang hadlangan ang aking nilalandas
Sapagkat ako'y sabik sa aking sinilangan

Bayan ko, nahan ka, ako ngayo'y nag-iisa
Nais kong magbalik sa iyo, bayan ko
Patawarin mo ako kung ako'y nagkamali
Sa landas na aking tinahak

Patawarin mo ako kung ako'y nagkamali
Sa landas na aking tinahak

bar

Jewel's Midi Collection Original Pilipino Music