Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

KUMUSTA KA
Nonoy Zuniga
(W. Cruz & B. Gil)

Kumusta ka ikaw ay walang pinag-iba
Ganyan ka rin nang tayo ay huling magkita
Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo
Tinitingnan kita hanggang wala ka na

Kumusta ka may ibang kislap ang 'yong mata
Halata na'ng daigdig mo ngayon ay kay saya
Siguro ay nagmamahal ka na ng totoo
S'ya ba'y katulad ko nung tayong dalawa

O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan
Nguni't ngayong nangyari na ako ay nauutal
Walang masabi kundi kumusta ka

Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo
Tinitingnan kita hanggang wala ka na

Kumusta ka ano ba'ng dapat sabihin pa
Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba
Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago
Hanggang ngayon sinta mahal pa rin kita

O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan
Nguni't ngayong nangyari na ako ay nauutal
Walang masabi kundi kumusta ka

O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
Makita ka mayakap at muli pang mahagkan
Nguni't ngayong nangyari na ako ay nauutal
Walang masabi kundi kumusta ka

Kumusta ka 'di ka ba sa 'kin natatawa
Walang masabi kundi kumusta ka

bar

Jewel's Midi Collection Original Pilipino Music