Kung Tayo'y Magkakalayo
(Rey Valera)
Kung tayo'y magkakalayo
Ang tanging iisipin ko'y
Walang masayang na sandali
Habang kita'y kasama
Kung tayo'y magkakalayo
Maging tapat ka pa kaya?
Ibigin mo pa kaya ako
Kahit ako'y malayo na?
Aking nadarama
Pagsasama nati'y di magtatagal
Kay laki ng hadlang
Sa ating pag-ibig
Kung tayo'y magkakalayo
Mapapatawad mo ba ako
Sa paghihirap na dulot ko
Sa buhay mo
Aking nadarama
Pagsasama nati'y di magtatagal
Kay laki ng hadlang
Sa ating pag-ibig
Kung tayo'y magkakalayo
At kahit di ka na magbalik pa
Ikaw pa rin ang buhay ko
Kahit ika'y malayo na
Ikaw pa rin ang buhay ko
Kahit ika'y malayo na
BACK
HOME