Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!


Isang gabi pa lamang tayong nagkakasama

- dahil isang gabi pa lang tyo nagka sama at nagkita. remember nun 2004?

 

Isang gabi ngunit para bang kay rami ng buwan ang nakalipas

- dahil mula nun nagka tagpo ulit tyo nito. para bang an-gaan ng pakiramdam ko syo at pakiramdam ko na talagang magka kilala na talaga tyo nun pa man na parang napaka komportable ko kausap ka. alam mo kung gano ako kasaya nun una tyo nag-usap sa telepono. alam mo kung gano ako kasaya diba? :)

 

Isang halik mo lamang sa mga labi kong sabik

- isang halik lang ang hinihingi ko... isang halik sa altar. alam mo kung gano ako kaseryoso syo na gusto talaga kita makasama habang buhay ko. alam mo, di pa sapat lahat ng pinapakita ko para lang sabihin ko syo at ipadama lahat ng nilalaman ng puso at isipan ko.

 

Isang halik sapat na para mahuli ko ang yong kiliti

- isang halik lang ang hinihintay ko para lang malaman mo kung gano ako kaligaya sa piling mo. kung gano ako ka-suerte na nakilala, nagkatagpo, at naka-sama ka sa buhay ko. kung gano ako kasaya na maging parte ka ng buhay ko. dito sa puso ko.

 

Refrain:

Sa pag uwi di pa rin malimot ang yong mga ngiti

- hindi ko nakakalimutan yung gabi na una at huli tyo nag-kita at nagka-kilala. alam ko nun pinakilala ako ni RJ, di ako maka tingin syo nun dahil meron ka pang boyfriend nun. alam ko di tyo nagka usap nun. pero di ko nakakalimutan yung gabi na yun. alam mo kung gano kita nagustuhan at naging crush nun. alam mo na patay na patay ako syo nun pero di ako maka-lapit. wala ako pagkaka taon na ma-kita ka ulit mula nun gabi na yun. ni maka-usap...

 

di na makatulog parang kaluluwang di matahimik

- bawat araw nun, mula nun gabi na yun, alam mo na palagi ako nagta-tanong kay RJ tungkol syo. alam mo na alam ko kung gano ako nalulungkot sa trato syo ng x mo nun. alam mo, palagi ko hinihiling nun sa sarili ko, sana ako na lang ang boyfriend mo nun. tuwing gabi, palagi ako naga-abang na mag message ka sa friendster. pero walang chansa at walang pagkakataon nun para mapansin mo ako... bawat gabi palagi kita iniisip nun. kung pano tyo nagka kilala. hanggang sa pag tulog ko. hanggang sa pag gising umaasa ako nun na sana ma-pansin mo ako sa friendster... pero wala. wala ako nagawa mula nun isang gabi na yun nun 2004.

 

naghihintay ng bukas

- naghihintay ako bawat araw. bawat gabi para lang sa pagkakataon na ma-kita ka ulit. palagi ko tina-tanong kay RJ, samahan naman nya ako sa school mo para ma-kita at magka-usap tyo nun. pero wala din nangyari... baway gabi naga-abang ako na sana mag-reply ka sa message ko nun. bawat gabi palagi ko tinitingnan yung picture mo na naka-upo ka sa isang open field. naa-alala ko pa nga, paligid na madamo yun. naka-yellow shirt ka. naka-indian sit ka at meron hawak na notebook. di ko makakalimutan yun picture na yun. palagi ako uma-asa na magkikita din tyo nun... ulit.

 

Chorus :

Isang muka na buhay sa aking alaala

- isang mukha na hindi ko mawa-wala sa isip ko. dahil ikaw ang isa sa pinaka nagustuhan ko na babae sa lahat. isang ngiti mo lang alam mo na sumasaya ako. kumpleto na araw ko ma-alala lang kita. kahit sa isip ko lang. natu-tuwa na ako. ma-saya na ako m-alala ko lang yun unang gabi na nagka-kilala at nag-kita tyo.

 

Isang paglimot na di ko magagawa

- hinding-hindi ko makakalimutan yun ngiti mo. lahat ng tungkol syo nun isang gabi na yun nun 2004. alam mo na kung bakit di ko nakaka-limutan ang pangalan mo. at kung bakit di ko nakaka-limutan kung pano tyo nagka-kilala. kung nasaan tyo nun oras na yun. nun gabi na yun. n-alala ko pa ang eksaktong lugar kung nasaan ka nun at kung san ako naka-tayo nun nagka-kilala tyo. naa-alala ko pa din yung mga ngiti mo sa akin nun gabi na yun. naa-alala ko kung pano ako ng-hi syo nun at kung gano ka ka-ganda nun gabi na yun.

 

Isang kahapon na para bang isang panaginip

- parang panaginip dahil kahit ako hindi maka-paniwala kung pano tyo nagka-tagpo ulit. sa pinaka-maganda, at pinaka-masayang paraan, at sa pinaka-di kapani-paniwalang paraan. parang panaginip. ni hindi ko man naiisip na magkaka-tagpo tyo ulit. na magkaka-kilala pa ulit tyo sa PANGALAWANG pagkakataon. lahat ng mga nangyari, buhay na buhay sa alala ko. lahat ng magagandang nakaraan, andito pa rin, naka-tabi sa isip at alala ko. isang kahapon na akala ko wala na at yun na ang una at huling araw na makikita kita. pero ngayon, andito ka sa piling ko. ngayon andito ka. isang panaginip na nagkatotoo... ngayon andito tyo... nagmamahalan...

 

Isang kahapon sana’y maulit muli

- isang kahapon na di ko makakalimutan kung pano tyo nagka-kilala. sana ma-ulit muli para lang m-alala mo kung ano talaga nangyari nun gabi na yun. kung meron lang ako magagawa para ipa-alala syo yung mga naa-alala ko. pero wala ako mapatunayan syo... n-alala mo lang yung pangalan na koreano. at ako yun... "type ka ni koreano". sana meron ako kakayahan ipa-alala syo lahat ng nangyari nun isang gabi na yun.

 

Chorus:

Dahil sa isang gabing kapiling ka ako ngayon naiinip sating muling pagkikita

- dahil sa isang gabi na yun, naiinip ako na magkita tyo ulit. ma-tagal na mula nun huling gabi na nagka-kilala at nag-kita tyo. alam mo na wala na talaga ako balak um-uwi. pero dahil syo... u-uwi ako para lang makapiling ka... para lang syo u-uwi ako para lang mahagkan ka at mayakap... mapadama ko syo ang nilalaman ng buong puso ko... para lang syo, u-uwi ako para lang ubusin ko ang buong oras ko kasama ka. na hinding-hindi ako bibitaw sa paghawak ng kamay mo. na kahit san ka mag-punta, hawak ko kamay mo. na alam mo na di ako bibitaw sa atin dalawa. di ko hahayaan mawala yung nasimulan natin. di ko hahayaan mawala 'to... na mawala ka pa...

 

Ng dahil sa isang gabing kapiling ka ako ngayon naiinip sating muling pagkikita

- dahil sa isang gabi na nagka-kilala tyo... di ako mapalagay sa buhay ko. ngayon ko lang naramdaman ang tunay at totoong pagmamahal na matagal ko ng hinahanap. alam mo na marami ako naging girlfriend, alam mo din na babaero ako at bolero. di ko tinatago ang katotohanan na masamang lalaki ako na halos lahat na ng katarantaduhan at kagaguhan, nagawa ko na. kilala mo na ang buong pagkatao sa maikling panahon lang. lahat ng pinaka sinesekreto ko, sinabi ko syo. lahat ng kinakahiya ko na nangyari sa pagka-tao ko, sinabi ko syo. dahil gusto ko magpaka-totoo syo. dahil seryoso na talaga ako sa buhay ko. mula ng nagka-tagpo tyo ulit sa PANGALAWANG PAGKAKATAON... sa lahat ng naging girlfriend ko, ikaw lang ang may kayang baguhin ako. ikaw lang ang may kakayahan na ipakita ko syo ang totoong pagkatao ko. ikaw lang ang nagturo sa akin kung pano umiyak dahil sa sobrang saya. ikaw lang nagmahal sa akin ng walang makakapantay na kahit sino pa. na kahit malayo ako syo, anjan ka pa rin para mahalin ako. na kahit minsan, di ka nawala sa tabi ko...

 

nina, mahal na mahal kita asawa ko... sa dinami-dami ng babae sa mundo, at alam mo na maraming babae dito. pero bakit ikaw nina? palagi mo tinatanong sa akin kung bakit ikaw... wala akong sagot talaga kung bakit ikaw. ang dahilan ko lang, dahil syo ko lang nahanap yung matagal ko ng hinahanap... pero ang totoo, hindi ko alam kung ano yung hinahanap ko... pero syo ko lang nakita... ngayon ko lang nalaman na "love" ang nakita ko syo. totoong pagmamahal...

 

hwag ka magtaka kung bakit ikaw, dahil ang sagot ko lang, mahal kita kasi mahal kita kasi ikaw yan at wala ng iba. mahal kita dahil mahal kita at tanggap kita ng buong-buo. at kahit kailan di ako magbabago para sa atin dalawa. habang buhay kita mamahalin... hindi pa sapat lahat ng pagmamahal na pinapadama ko syo para maniwala ka na mahal talaga kita... dahil habang buhay ko papatunayan syo na mamahalin kita ng buong puso ko. na ikaw lang ang gusto ko makasama hanggang sa huling hininga ko dito sa mundo. kung may pagkakataon man na mabuhay ako sa ikalawang buhay, pipiliin ko mabuhay na kasama ka... lahat ipagpapalit ko makasama ka lang... lahat gagawin ko para lang sa atin dalawa...

 

nina ko... mahal na mahal kita higit pa sa iniisip mo.

mahal na mahal kita habang buhay.

mahal na mahal kita ng buong puso ko.

mahal na mahal kita asawa ko...

 

i'm always here for you...

christian.