Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Paalam Na
Rachel Alejandro

Nais ko lang malaman mo
Laman ng aking puso
Baka di na mabigyan ng ibang pagkakataon
Na sabihin ito sa `yo
`Di ko ito ginusto
Na tayo'y magkalayo
Nguni't di magkasundo
Damdamin laging `di magtagpo ohh

Chorus:
Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
Na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring `di lang laan sa isa't isa

Sana'y huwag mong isipin na
Pag-ibig ko'y di tunay
Dahil sa `yo lang nadama
Ang isang pag-ibig na walang kapantay
Nguni't masasaktan lang kung puso ang pagbibigyan
Kahit pamamaalam ang siyang bulong ng isipan

(Repeat Chorus)

Darating sa buhay mo
Pag-ibig na laan sa `yo
At mamahalin ka niya
Nang higit sa maibibigay ko wohhhh

(Repeat Chorus)
<bgsound src="PaalamNa.mp3" loop=infinite>