Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Magdalena Church
isinulat ni Mike Lester Rosales

              “Magdalena!, ikaw ay sawimpalad…” ‘Di gaya ng sinansabi ng kantang ito ni Freddie Ahuilar, ang bayan ng Magdalena sa Laguna ay di kakikitaan ng kasawiang-palad. Nang pumunta kami dito sa simbahan ng Magdalena, parang nakakita kami ng isang kapiraso ng langit. Ange berde-berde ng mga damo at kaygagangda pa ng arkitektura dito. Sa loob naman ay may nakabungad pang kotse! Pero ‘di iyon ang ipinunta namin dito.

                                Ang Magdalena tulad ng ibang mga bayan ng Laguna ay di lang mayaman sa likas na yaman kundi pati na rin sa kasaysayan ng ating bansang Pilipinas. Nakadispley dito ang larawan ni Emilio Jacinto at mga relika ng bolo at sumbrero na ginamit noon. Maaaring di masyadong marami ang aming nakita pero pag lumingon ka sa iyong paligid masisilayan mo na agad ang panahon ni Jacinto. Bato-bato sa paligid at mukhang napagiiwanan na ng panahon. Subalit dahil na rin sa mga nag-aalaga rito ay masasabing maganda pa rin ang Magdalena church siyempre pangalawa lang sa Majayjay church. Kayrami naming nakita gaya ng mga batang naglalaro ng saker at rebulto pero, ika nga ng Batibot , “wag kayong aalis bablik agad ang …,” bablik at babalik pa rin ang mga taong tulad naming sa simbahan ng Magdalena, Laguna.

Pindutin upang mapalaki!
Ang Simbahan ng Magdalena
Maksaysayang Simbahan ng Magedalena na kung saan may mga nakipaglaban na Katipunero

Pindutin upang mapalaki!
Emilio Jacinto
Ilang impormasyong tungkol kay Hen. Emilio Jacinto

Pindutin upang mapalaki!
Jacinto Shrine
Sa lugar na ito nasabing nabuwal si Hen . Emilo Jacinto