Ang
Liliw

Simbahan ng Liliw
Malapit sa munisipyo makikita ang simbahan
ng Liliw

Patron ng Liliw
Isang larawan ng patron ng Liliw

Tanawin sa Liliw
Makikita ang kagandahan ng Liliw
|
|
Lambanog
by: Pauline Donna Dizon
Nang pumunta kami sa Liliw, Laguna ay pinapili kami kung saan
namin gustong pumunta: sa munisipyo upang makausap ang alkalde, sa simbahan ng Liliw, o sa
pagawaan ng lambanog. Siyempre, pinili kong pumunta dun sa pangatlo. Hindi kalayuan sa
munisipyo ang kariton(bansag sa distilerya ng lambanog) at maari itong lakarin mula doon.
Ang kariton ay malapit sa batis at sa malayo ay matatanaw mo ang napakaraming puno ng
niyog. Ang paggawa ng lambanog ay di biro. Hindi pala gawa ang inumin mula sa sabaw ng
niyog tulad ng aking iniisip, ngunit mula sa dagta ng puso(bulaklak) ng niyog.Inaakyat ang
mga puno ng niyog at sinasabitan ng bote para masalo a maputing dagta. Ang maninipis na
kahoy na nagdudug tong sa mga puno ang nagsisilbing tulayan para sa mangungulekta ng
dagta.Dahil sa matatangkad ang mga puno, may panganib na mahulog an umaakyat dito, at
mayroon na nga daw namatay dahil bumagsak mula sa itaas ng puno, ayon sa aming "tour
guide". Ang nakuhang dagta ay nilalagay sa tapayan at pag sapat na ang dami nito ay
"niluluto" ito sa isang pugon. Ang singaw nito ay aakyat sa isang tubo na
dumadaan naman sa isang sementong lababo na inaagusan ng tubig mula sa batis na nabanggit,
at pagpatak ng lambanog sa lalagyan ay malamig na ito. Sa yugtong ito ay malalanghap mo na
ang "alcohol" na nilalaman ng lambanog, pero hindi pa tapos ang proseso dahil
ang lambanog na ito ay "madumi" pa at kailangang lutuin muli bago ilagay sa
tapayan. Pagkatapos ay maari na itong isalin sa bote o itabi na lamang. Ang lambanog ay
tatagal nang maraming taon na hindi nasisira.Nagmagandang-loob ang may-ari ng kariton na
ipatikim sa amin ang handang lambanog. Dalawang beses lang raw sila gumagawa nito sa isang
linggo. Maaring bilhin nang puro o di kaya'y pasas-flavored ang lambanog.Hmmm...masampulan
nga. Glugg...! Waw, lambanog nga! Dahil sa tapang nito, nilalagyan daw ni Mike ng lambanog
ang ngipin niya pag masakit. At dahil sa alcohol na taglay nito, pwedeng gamitin
panglingas ang lambanog kapag gumagawa ng apoy. Kaya sa mga umiinom ng lambanog diyan,
sana pag tumagay kayo ay maalala niya ang mapanganib at matagal na proseso ng paggawa ng
inuming ito na naging bahagi na ng samahan at nagpapainit ng tiyan. Ito ang inuming Pinoy!
Drink moderately.... |
|
Lambanog

Paggawa ng Lambanog
Ang paraan ng paggawa ng lambanog

Ang paggawa ng lambanog

Si blockhead umiinom ng
lambanog
Ating saksihan ang aming blobkhead habang
umiinom ng lambanog!!
|