Pare Ko
Eraserheads
Pare ko, meron akong problema
'Wag mong sabihing "na naman?"
In-lab ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan
'Wag na nating idaan sa "maboteng" usapan
Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan
Anong sarap, kami'y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
'Yun pala hanggang dun lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa
Masakit mang isipin, kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso, saka ka niya
gagaguhin
chorus...
(Oh) Diyos ko, ano ba naman ito
'Di ba 'lang-hiya, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Letseng pag-ibig 'to
Diyos ko, ano ba naman ito, woh?
Sabi niya, ayaw niya munang magkasyota
Dehins ako naniwala
'Di nagtagal, naging ganun na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya
Ba't ba ang labo niya, di ko maipinta
Hanggang kelan maghihintay, ako ay naiinip na
bridge...
Pero, minamahal ko siya
'Di biro, TL ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo
O pare ko (o pare ko), meron ka bang maipapayo?
Kung wala ay okay lang (kung wala ay okay lang)
Kailangan lang ay (kailangan lang) ang iyong pakikiramay
Nandito ka ay ayos na (nandito ka ay ayos na)
Masakit mang isipin, kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin
chorus 2x...
Hoh hoh, woh hoh hoh...
~*~Go To M@iN P@gE~*~
Email: sweethonesty@angelfire.com