Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Sa Isip Ko

Agot Isidro

Alam kong mayroon nang iba
Sa kilos mo'y nadarama
Mukhang ako ay kinalimutan mo na
Wala nang masasabi 'di ba?

Kapit mo'y kay lamig na
Pati halik mo'y wala nang gana
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag-ibig ko'y patuloy pa rin

Sa isip ko'y yakap ka pa
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko lamang

Alam kong mayroon nang iba
Ang init ay nanglamig na
Ba't di aminin ang 'di malilihim
Ikaw at ako'y tapos na

Bawat hakbang palayo ka
Walang linaw na babalik pa
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag-ibig ko'y patuloy pa rin

~*~Go 2 NeXt P@gE~*~
~*~Go B@cK 2 NeXt P@gE~*~

Email: sweethonesty@angelfire.com