Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Paalam Na

Rachel Alejandro

Nais ko lang malaman mo
Ang laman ng aking puso
Baka 'di mabigyan
Ng ibang pagkakataon na sabihin
Ito sa'yo

'Di ko ito ginusto
Na tayo'y magkalayo
Ngunit 'di magkasundo
Damdami'y laging 'di magtagpo

koro:

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
Na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa

Sana'y huwag mong isipin na
Pag-ibig ko'y 'di tunay
Dahil sa'yo lang nadama ang isang
Pag-ibig na walang kapantay

Ngunit masasaktan lang
Kung puso ang pagbibigyan
Kahit pamamaalam
Ang siyang bulong ng isipan

koro...

tulay...
Darating sa buhay mo
Pag-ibig na laan sa'yo
At mamahalin ka niya
Nang higit sa maibibigay ko

koro...

~*~Go 2 NeXt P@gE~*~
~*~Go B@cK 2 M@iN P@Ge~*~

Email: sweethonesty@angelfire.com