Nag-iisang Ikaw
Louie Heredia
Araw-araw na lang
Ay naghihintay sa'yo
Nananabik na mahagkan at mayakap ka
Iniwan mong alaala
Ang syang lagi kong kasama
Bakit kapag wala ka
Sadya bang kulang pa?
Bakit kaya ganon
Ang syang nadarama?
Sa bawat sandali'y hanap ka ng aking mata
Marahil ay ikaw na nga
Sa aking puso ang ligaya
Dahil sa'yo ako'y wala ng hahanapin pa
Ikaw ang pag-ibig ko
Ang tawag ng damdamin
Ang mabuhay ng wala ka
Ay hindi sapat
Dahil kailangan ko
Ay laging ikaw
Na sa twina'y natatanaw
Sa aking puso'y may tinatangi
Ang nag-iisang ikaw
Bakit kaya ganon
Ang syang nadarama?
Sa bawat sandali'y hanap ka ng aking mata
Marahil ay ikaw na nga
Sa aking puso ang ligaya
Dahil sa'yo ako'y wala ng hahanapin pa
Ikaw ang pag-ibig ko
Ang tawag ng damdamin
Ang mabuhay ng wala ka
Ay hindi sapat
Dahil kailangan ko
Ay laging ikaw
Na sa twina'y natatanaw
Sa aking puso'y may tinatangi
Ang nag-iisang ikaw
Kahit na ano'ng mangyari
Magmamahal pa rin sa'yo
At ang lagi kong iisipin
Mahal mo rin ako
~*~Go 2 NeXt P@gE~*~
~*~Go B@cK 2 M@iN P@gE~*~
Email: sweethonesty@angelfire.com