Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

~*~TAGALOG POEMS~*~

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
TORPE

Napakatorpe mo talaga
Hindi mo yata alam na type kita
Dahil hindi mo ako pinapansin
At minsan sumasakit ang aking damdamin.

Nakikipagkaibigan ako sa iyo
Dahil nais ko na ako'y magustuhan mo
Ngunit dahil sa katorpehan mo,
Hindi mo pansin na ika'y gusto ko.

Sa gabi ikaw ang napapanaginipan
Sa panaginip 'di mo ako pansin kahit minsan
Akala mo yata gusto lang kita na kaibigan
Pero sa totoo lang mas matindi pa niyan.

Sana naman mapansin mo rin ako
Dahil ikaw ang laman ng puso ko
At sana naman malaman mo
Na ikaw ay tunay na mamahalin ko.

Andaming guwapo diyan na kasing torpe mo
Pero ikaw pa rin ang crush na crush ko
Marami mang mas guwapo ang makita ko
Ikaw pa rin ang gugustuhin ko.

Kaya tigilan ang iyong katorpehan
At pansinin ang aking kagandahan
Ako sana ay matutunan mong mahalin
At ikaw rin ay tunay kong mamahalin.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*


~*~home~*~(uwi na)

Email: pinaybeauties@hotmail.com