~*~FILIPINO SONGS~*~

SA ISIP KO by Agot Isidro
Alam kong mayroon nang iba
Sa kilos mo'y nadarama
Mukhang ako ay kinalimutan mo na
Wala nang masasabi, di ba
Ang kapit mo'y kay lamig na
Pati halik mo'y wala nang gana
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag-ibig ko'y patuloy pa rin
Sa isip ko'y yakap ka pa
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko na lamang
Alam kong mayroon nang iba
Ang init ay nanlamig na
Ba't 'di aminin nang 'di malilihis
Ikaw at ako'y tapos na
Bawat hakbang palayo ka
Walang linaw na babalik ka
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag-ibig ko'y patuloy pa rin
Sa isip ko'y yakap ka pa
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko na lamang
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko na lamang
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
SANA AY MAHALIN MO RIN AKO by Apirl boys
Kapag nakita ka, ako'y nahihiya
At pag kausap ka, ako'y namumula
Sabi ng puso ko, ako'y in love sa'yo
Sana ay mahalin mo rin ako
Pag kasama ka, wala nang pangamba
Nais kong sabihing minamahal kita
Di sinasadya biglang nasabi mo
Sana ay mahalin mo rin ako
Kay sarap pala ng ibigin mo
Para bang ulap ang nilalakaran ko
Simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo
Nagsasabing mahal mo rin ako
Bakit ba tayo'y nagkatagpo
Wala na sanang wakas, ang pag-ibig nating ito
Marami mang hadlang ang dumating sa isipan mo
Sana ay mahalin mo rin ako
Simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo
Nagsasabing mahal mo rin ako
Bakit ba tayo'y nagkatagpo
Wala na sanang wakas, ang pag-ibig nating ito
Marami mang hadlang ang dumating sa isipan mo
Sana ay mahalin mo pa rin ako
Mahalin mo pa rin ako, hanggang wakas
Mahalin mo pa rin ako, kay dami mang hadlang
Mahalin mo pa rin ako
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
PAALAM NA by Rachel Alejandro
Nais ko lang malaman mo
Laman ng aking puso
Baka 'di na mabigyan ng ibang pagkakataon
Na sabihin ito sa'yo
'Di ko ito ginusto, na tayo'y magkalayo
Ngunit 'di magkasundo, damdamin laging 'di magtagpo, ohh
Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa
Sana'y huwag mong isipin
Na pag-ibig ko'y di tunay
Dahil sa'yo lang nadama
Ang isang pag-ibig na walang kapantay
Ngunit masasaktan lang ang puso ang pagbibigyan
Kahit pamamaalam ang siyang bulong ng isipan
Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa
Darating sa buhay mo
Pag-ibig na laan sa'yo
At mamahalin ka niya
Nang higit sa maibibigay ko, wohhhh
Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
SANA'Y LAGING MAGKAPILING by April boys
Nalimutan mo na ba ang mga pangako mo
Ang sabi mo'y ako ang tanging nasa puso mo
Hanggang wakas 'di maglalaho, pangako mo'y di magbabago
Naaalala mo pa ba, mahal ko
Kapag ako'y nag-iisa, aking nadarama
Kalungkutan sa buhay ko, nais ko'y makasama ka
Hanggang sa panaginip ko, ikaw ang aking nakikita
Hinding-hindi magagawang limutin ka
Awit ko'y pakinggan at laging tatandaan
Mahal kita, pagi-ibig ko'y tanging sa'yo, sinta
Ikaw ang lahat sa akin at pakamamahalin
Ikaw at ako, sana'y laging magkapiling
Nalimutan mo na ba ang mga pangako mo
Ang sabi mo'y ako ang tanging nasa puso mo
Hanggang wakas 'di maglalaho, pangako mo'y di magbabago
Naaalala mo pa ba, mahal ko
Ako'y iyong-iyo ngayon at kailanman
At sa piling mo, ligaya ko'y natagpuan
Nagdulot ka ng pag-asa, tanging ikaw ang ligaya
At magpakailan pa man, tayong dalawa
Awit ko'y pakinggan at laging tatandaan
Mahal kita, pagi-ibig ko'y tanging sa'yo, sinta
Ikaw ang lahat sa akin at pakamamahalin
Ikaw at ako, sana'y laging magkapiling
Awit ko'y pakinggan at laging tatandaan
Mahal kita, pagi-ibig ko'y tanging sa'yo, sinta
Ikaw ang lahat sa akin at pakamamahalin
Ikaw at ako, sana'y laging magkapiling
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Email: pinaybeauties@hotmail.com