DOON LANG
Song by: Nonoy Zuniga
Kung natapos ko ang aking pag-aaral
Disin sana'y mayroon na akong dangal
Na ihaharap sa `yo at ipagyayabang
Sa panaginip lang ako may
ipagdiriwang
Yaman at katanyagan sa akin ay wala
Kakisigan ko ay bunga ng isang sumpa
Ang aking inay ang tangi
kong tagahanga
Sa panaginip lang ako may nagagawa
Doon ay kaya kong
ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip
ng hangin
Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang
kita
nahahagkan t'wina doon lang
Kung di dahil sa barkada ay tapos ko
na
Ang pag-aaral na nagbibigay ng halaga
Sa awitin kong ito mo lang madarama
Mga pangarap kong walang
pangangamba
Doon ay kaya kong
ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip
ng hangin
Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang
kita
nahahagkan t'wina doon lang
Doon ay kaya
kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos
ihip ng hangin
Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang
kita
nahahagkan t'wina doon lang
Sa panaginip lang kita
nahahagkan t'wina doon
lang doon lang
Cecille aka Blu 07/26/03