|
Filipino Lyric
Kailan 
Eraserheads
Kailan mo ako
hahagkan?
Matagal na akong naghihintay.
Nakadungaw sa bintana,
Mga dahon lang ang kumakaway.
Kailan ko mararamdaman
Ang pagdampi ng iyong labi?
Tinatanaw ko ang mga bituin,
Mga luha humahalik sa aking pisngi.
Kailan ako tatahan?
Higpit ng yakap ng 'yong dibdib.
Nakatingin ako sa salamin.
May guhit ang noo't mapait ang ngiti.
Kailan ko masisilayan
Sa araw-araw aking mahal?
Mula paggising hanggang sa pag-idlip,
Kagandahan mong walang patid.
Kailan ako lalaya sa anino ng pag-iisa?
Mga rehas lang ang tanaw.
Nanginginig sa seldang maginaw.
Home

Cecille aka Blu 07/26/03
|