| Jericho Rosales Ni Chanchan Torres
|
"Every week ko siyang
nakakasama sa tapings ng Pangako Sa 'Yo, plus nagkakasama
pa kami sa ibang out of town shows namin kaya naroon na
talaga ang special bond na somehow, nag-uugnay sa amin.
Kumportable na kami sa isa't isa, sobra," bungad pa
ni Jericho nu'ng makausap namin kailan lang. Matagal-tagal
na rin ang samahan nila as a love team at heto nga't
naging escort pa siya sa debut ng magandang dalaga. Hindi
rin naman maipagkakailang sobrang bagay sila dahil their
physical features complement each other. Sa ngayon ba,
masasabi niyang may special feelings na rin siya for
Tintin? |
"Saka, hindi pa
pinapayagan si Tin na makipag-boyfriend ng seryoso kahit
sabihin pa nating nag-debut na siya. Siyempre baby pa rin
siya sa family niya. And I respect that. Good friends
kami, kaya I also want kung ano ang makakabuti para sa
kanya. Huwag nating madaliin, dahil 'yang love nandiyan
lang 'yan eh," makahulugang sabi pa ni Echo sa amin. So, if ever lang, willing ba siyang maghintay ng right time na 'yon 'for Tintin to have a boyfriend? "Siyempre. Kapag mahal mo ang isang tao, dapat handa kang maghintay, di ba?" seryosong sabi pa niya sabay super smile sa amin. Things really seem to flow smoothly para sa bagets na ito. Numero uno sa primetime ang Pangako Sa 'Yo at maganda rin ang response ng tao sa THE HUNKS, na tinitilian ng fans sa ASAP.' Yun nga lang nanghihinayang daw itong si Echo dahil di siya nakasama sa pelikulang Dekada '70. Ni Chanchan Torres |
PRESS THE BACK BUTTON TO GO BACK