Kristine Hermosa
Ni Reggee Bonoan
EKSAKTONG birthday KRISTINE HERMOSA ORILLA ginanap ang
kanyang debut party sa main lounge ng Manila Polo Club sa
Forbes Park, Makati City nu'ng September 9, 2001.
Alas Dos ng hapon ay naka-check in na si Kristine sa Room
2101 ng Shangri-La Hotel sa Makati para doon magbihis.
Personal siyang binihisan ng fashion designer na si RANDY
ORTIZ at si ROMY TAN naman ang sa hair and make-up.
Simple lang ang ayos ng buhok na Kristine dahil itinaas
ito, hinati sa gitna at saka nilagyan ng mga ipit na may
batong Swarovski na mas lalong bumagay sa kasuotan niyang
white gown na spaghetti strap na may mga design ding
batong Swarovski.
Pababa pa lang ng hagdanan ng hotel si Kristine ay nakuha
na niya ang atensyon ng mga tao sa hotel dahil para
siyang beauty queen kasama ang buong pamilya.
White Limousine ang naghatid kina Kristine at sa pamilya
nito sa Manila Polo Club kung saan hinihintay na ang
dalaga ng kanyang mga guests.
Eksaktong 7:45 dumating si Kristine at nilibot muna
niyang isa-isa ang mga tables para batiin ang mga bisita.
Hang minuto lang ay dumating na ang kanyang escort na si
JERICHO ROSALES na naka-black suit at white polo and
necktie.
lisa ang comment na narinig namin sa mga bisita, bagay na
bagay daw sina Yna at Angelo.
Hindi halos magkandaugaga ang mga kumukuha ng videos at
photographers sa pagkuha ng litrato sa dalawa na akala
mo'y mga bagong kasal dahil sa kasuotan nilang puti.
Maging ang five-layered fondant cake na gawa ni KENNY
SISON ay pure white ang decoration with blue sapphire
Swarovski stones design.
Eksaktong 8:40 nagkainan ang mga bisita habang hinihintay
dumating ang mga kasama sa 18 roses and candles na pawang
mga late kaya nag-umpisa ang seremonyas sa ganap nang 10
p.m.
|
KRISTINE'S
DEBUT

Muling nagbihis si Kristine ng kanyang aqua blue gown na
petty coat style at spaghetti strap din na mas lalong
tumingkad dahil sa pagkamestisahin niya.
Maraming di dumating sa mga 18 roses and candles, tulad
nina MARK LAPID, DOMINIC OCHOA at ilang non-showbiz
friends ni Tintin. Wala rin si VANESSA DEL BIANCO na ayon
sa aming nalaman ay may lakad daw.
Very touching ang message ng mommy MAI HERMOSA ORRILA ni
Kristine dahil hindi raw niya sukat akalain na ang baby
na inaalagaan lang niya 18 years ago ay dalagang-dalaga
na at lumaking mabait at masunurin.
"I can't imagine my daughter who is mahiyain before
when she was just a kid is into showbiz na. Sana ay huwag
kang magbago at parati kang maging mabait at masunurin,
mahal na mahal ka naming lahat," walang tigil ang
pagpatak ng luha sa mga mata ni Kristine habang
nagsasalita ang kanyang mommy Mai.
Maging ang ate KATHLEEN HERMOSA ni Kristine ay touching
din ang message; "my baby sis, hope you won't
change, I'm still your ate at sana 'wag mong pansinin ang
mga negative comments sa atin, sana parati mo pa rin
akong konsultahin kapag may problema ka.
"I love my sister very much, kung puwede nga lang
ako ang mag-react sa mga negative write-ups niya, ginawa
ko na. Ako mismo ang nasasaktan kapag may nababasa at
naririnig ako against Tin. Di nila alam na sa akin
humihingi ng payo 'yan. Kaya nga deadma na lang siya
dahil 'yun ang advise ko at ng parents namin.
|
"Like this debut party,
ano'ng care nila kung gumastos si Tin, di naman siya
nanghingi sa ibang tao?" esplika pa ni Kathleen. At si
Jericho bilang escort ay, "grabe, ako ang
ninenerbyos, ako ang kabado, ako ang di makatulog for
Tin. It's my first time to be an escort sa debut at
sinuwerteng si Tin pa, e, labs ko 'yang taong 'yan.
"Pinag-ipunan ko 'long suot ko, it's my first suit,
it's my first shoes, lahat bago para di naman ako alangan
sa kanya. Excited ako, di ko nga alam ang gagawin
ko," pagtatapat ni Echo na halatang first timer
dahil naiiwanan siya minsan ni Kristine sa paglakad.
Well applauded sina PIOLO PASCUAL at Jericho habang
isinasayaw ang dalaga at sa mga candle sponsors ay halos
lahat pinalakpakan dahil karamihan sa kanila ay
taga-Talent Center.
Mga non-showbiz friends ni Kristine ang karamihan sa mga
dumalo at sa mga showbiz ay pawang mga kasamahan lang ni
Tintin sa trabaho ang dumalo tulad nina Mr. RONALDO
VALDEZ, EULA VALDEZ, EVANGELINE PASCUAL, ang bumubuo ng
18 roses and candles, director RORY QUINTOS, mga taga
promo group ng ABS-CBN. Hindi dumating ang mga big bosses
tulad nina Ms. CHARO SANTOS-CONCIO, Mr. FREDDIE GARCIA,
Mr. JOHNNY MANAHAN na nakita ang pangalan sa lamesa.
Nagtataka ang mga ibang bisita kung bakit di dumating si
Madame Claudia na si JEAN GARCIA, mukhang tinotoo raw ang
pagiging kontrabida sa dalaga tulad ni Vanessa.
Sa disco dancing ay muling nagpalit si Kristine ng
kanyang bluish gray gown at sumayaw ng konti habang ang
first circle band, ang tumugtog buong gabi.
Masasabing 'simple' lang ang debut party ng dalaga na
siya niyang gustong mangyan. pero bumawi naman sa pagkain
dahil masarap at talaga namang bongga.
Ni
Reggee Bonoan
|