Ang Kwento ni Locke...
Si locke ay isang magnanakaw na nakatira sa isang syudad na tinatawag na Kolinghen... Doon ay nakilala nya si rachel, ang kanyang mahal, dahil sa isang nagwawalang lasingero. tumagal ang kwento at naging masaya ang dalawa (si locke at si rachel, di kasama ung lasingero) dumating ung araw at inalok na ng kasal ni locke si rachel, natuwa ang dalagita at pumayag... medyo me rated na parte dun sa nabasa ko, pro iba tong kwento natin... basta nagmamahalan sila... Binalita rin ni rachel sa kanyang mga magulang ang pagpropropose ni locke, di natuwa ang kanyang ama. Galit nitong sinumbat na "Magnanakaw lang yan! ni wala ngang bahay yang mokong na yan eh!" naluha si rachel, at hinabol ng kanyang ama ng pagalit "kung mabibigyan ka nya ng bahay, sige papayag ako!" tumakbo si rachel pabalik sa tent ni locke habang umiiyak, kwinento nya ang nangyari, at ang galit nya kung bakit napaka "un fair" ng kanyang ama, kwinento rin ni locke ang kanyang galit sa kanyang sariling ama, duon lang nalaman ni rachel ang pinagdaanan ni locke, at ang galit nito sa mga "ama-amahan". inamin din ni rachel na mahal nya ang kanyang ama (di tulad ni locke na galit sa kanyang ama... inalipusta kasi sha dati tapos lumayas sha, mahaba storya. Dinagdag ni rachel ang sumbat ng kanyang ama, at ung tungkol dun sa "kelangan ng bahay". Agad nakaisip si locke ng plano, bahay, pera, madali lang yan, natuwa si rachel at nakwento ni locke ang spesyal na batong nandun sa bundok na malapit sa konlinghen. kinabukasan ay nilakbay nila ang bundok (adventure kumbaga...) nang naabot nila ang taas ay nasilayan nila ang isang kweba, nagsindi si locke ng TORCH at pinasok nila ang kweba. Mukang abandonadong minahan ang kweba, maraming mga bulok na kagamitang pantao sa loob. Nagikot-ikot sila at di nagtagal ay nakaagaw ng pansin sa kinala ang isang makinang na bagay sa di kalayuan... munit me bridge. maluma-luma narin ang bridge, pinagaralan ito ni locke at nakumbinsing pwede pa naman. Dahan-dahan nyang tinawid ang naglolokong bridge, maikli lang naman, pro mageywang lang sha talaga. bali di ko alam kung bakit pro naaksidente sila, medyo malabo, pro muntik ng malaglag si locke dahil bumigay yung brigde, pro bago pa sha malaglag ay maagang napansin ni rachel ang pagbigay ng brigde, at natulak nya si locke ng kaunti, sapat na pra makatungtong sa kabilang panig si locke. nalaglag si rachel, na shock (hhhaa!!!) si locke at umaksyon agad, naghanap sha ng mabababaan at nagdasal na sana ayos lang si rachel, pagkatagpo nya ay buhay pa naman si rachel, munit me mga baling buto sha at sugat-sugat... me dugo rin sa kanyang ulo. nagmadali shang umakyat at luambas sa kweba, tinakbo nya ng walang pagod ang bundok at lumipas ang ilang oras ay narating din nya ang kolinghen, nagtawag sha ng tulong at nadala sa prang ospital si rachel, napansin ng ama ni rachel ang kaguluhan, sinamahan nila si rachel sa ospital at nang nagtagal ay nilipat narin sha sa bahay nila (nung ama) munit di parin sha nagkakamalay. naghintay si locke sa pagising ni rachel sa kanyang tabi, hinayaan lang sha ng ama ni rachel, dahil alam nyang mahal ni rachel si locke, pro sa loob galit na galit din sha sa binatilyo. Sa paghihintay ay nagkaroon ng oras... maraming oras si locke para makapagisip, magsisi... at iba pang meditasyon. ilang ulit nyang hiniling na sana sha nalang ang nalaglag, sana sha nalang ang naaksidente... munit si rachel parin naman ang nakahiga, at sha parin ang nagaalala. kinabukasan ay nagising si locke sa paggalaw ng kamay ni rachel na kanyang hinahawakan. Nagulat sha at nagpasalamat, bumalik na ang malay ni rachel, narinig ng ama ni rachel ang pagkausap ni locke kay rachel at napapasok sa kwarto. habang dumidilat si rachel ay kinamusta agad sha ni locke, halos maluha-luha ang binatilyo, munit di nagtagal nagbago ang pakiramdam ni locke, sa pamamaraan ng pagtingin ni rachel sa kanya... prang me hindi tama. Maya-maya ay nilapitan din ng ama ni rachel si...rachel, at kinamusta. napasmile si rachel, munit ng kakausapin na sha ni locke ay biglang nagtanong si rachel... "pa, sino sha?" nagdilim ang mundo ni locke, at agad binanat, si Locke! ang mahal mo! ikakasal na tayo diba? bakas sa muka ni rachel ang pagtataka, ilang segundo pa ay nadigest na ng mga utak nila ang nangyayari ke rachel, mukang na amnesia sha... ng konti, pro naaalala pa nya ang kanyang ama... pero walang natitira tungkol ke locke. Sinubukan pang ipaalala ni locke ke rachel ang nagdaan, munit lalong lang nalito ang dalagita at sinabing "Pasensha na... pro kung sino ka man talaga, pede umalis ka na... epal ka... sino ka ba pra tumayo pa dito..." Agad napik-up ng ama ni rachel ang que, ito na ang panahon pra mapalayas na ang magnanakaw na yan, ginamitan nya ng dahas (bbbaaaa!) si locke para mapaalis ang binata, sinubukan paring kausapin ni locke si rachel... munit pra lang shang nakikipagusap sa hangin... nakita nya sa mata ni rachel ang kalamigang nagpahina sa kanya... nalimot na sha at tila wala ng pake sa kanya ang dalaga. Tinapon sha sa labas ng ama ni rachel, sinubukan parin nyang kausapin si rachel, munit sinapak na sha at madali shang napatumba sa lupa... di na sha makabangon sa sakit, di dahil sa suntok, kundi dahil sa mga nakita nya sa mata ni rachel. sinarado na ng ama ni rachel ang pinto... at kinandado. nahiga si locke sa sahig ng ilang minuto... at nagisip-isip. Sabi nila mapalad daw ang mga magnanakaw... napakaraming ibig sabihin nun... pro isa dun ay dahil nagagawa nilang kalimutan ang mga bagay, di tablan ng konsensha, mawalan ng pake sa kahit ano mang nangyayari, kahit gano kasaklap, tuloy parin ang buhay nila... dahil yun lang naman ang misyon nila... mabuhay. munit matagal nang nagbago si locke, di na sha kagaya ng mga ibang magnanakaw, sa kanya eh me nagmahal, at buong puso nya ring minahal, dahil ke rachel ay nagkasilbi ang maliwag nyang buhay, munit ngayon nawala iyon... at di nya alam kung san sha magsisimula para makatayo, para makabalik sa pagliliwalig... munit pag iniisip nya, para san pa ang pagliliwalig... nagliliwalig ang tao para me mahanap na bagay na pagkakainteresan... pro nakita na ni locke ang taong iniikutan ng kanyang mundo, di sha maaaring sumuko, dahil wala nang ibang silbi ang buhay nya, kundi ang makasama si rachel. sa mga naisip nya ay nagliyab uli ang pag-asa, di sha susuko ke rachel... (sa totoo lang lumayo muna sha nun eh, kasi wala naman na shang magagawa... pro kunwari lang...) sinubukan parin nyang kausapin si rachel, ilang beses din sha nagulpi ng ama ni rachel, munit wala shang pake, pero sa bawat pagiwas sa kanya ni rachel, unti-unting nadunaw ang pag-asa, hanggang dumating ang araw na nalaman nyang may mahal na si rachel... at si rachel pa mismo ang nagsabi sa kanya, napalibutan ng yebe ang mundo ni locke, at kusang napalayo... wala na shang pwesto sa puso na pinakamamahal nya, para kay rachel ay para nalang shang... wala... di sha nabubuhay... lumayas si locke sa kolinghen, naiwan nya rin ang kanyang tent, paglipas ng ilang oras na paglalakad ay napdpad sha sa isang maliit na kubo sa gitna ng kagubatan, di nya alam kung nasan sha, kung ano mang makakain, wala shang pake. Di nya lubos maisip kung bakit, bakit kailangang mangyari ang mga nangyari, mahal na mahal nya si rachel, at nung kasama nya si rachel ay napaniwala shang basta mahal mo ung tao, kahit ano magagawa nyo... pro ngaun nagdadalawang isip narin sha kung me bagay nga bang tinatawag na pagibig, di nya alam kung ano ang nadadama ni rachel, gusto nayang malaman, kahit gano pa talaga kasakit, at least pede pa magbago, kung talagang masmalamig pa sa kelvinator ang pagtingin sa kanya ni rachel... wala na shang magagawa, mamatay na sana sha, pero kung meron pang kahit konting natitirang apoy... napamura si locke. alam nyang niloloko nanaman nya ang sarili nya, pag-asa, Bullshit ang pag-asa, walang saysay ang managinip na meron pang mangyayari sa mundong to kesa dumeretso sa impyerno... nasabi ni locke sa kanyang sarili, nadama sha ng galit, sa sarili, sa mundo... pero pagnaiisip nya si rachel... kumakalma parin ang lahat... oo Bullshit ang mundo, bullshit sha (dami ng bullshit nito) pero sa kabilang ng mga kabullshitang to... andun parin si rachel... ang mahal nya... at si rachel lang ang katapat ng lahat ng kasamaang dinadala ng mundo, sa lahat ng problema, sa lahat ng di pagkapatas... basta ba kasama nya si rachel, lampas langit pa ang tuwa... pro ngayun nga wala na si rachel... paikot-ikot na ang mga naiisip ni locke, sa mga nadama, wala na shang silbi... wala nang saysay ang paghinga, wala shang karapatan para mabuhay pa, wala shang karapatan para gawan pa ng kwentong to... o kaya basahin nyo pa tong kwentong to... walang wala sha... tumawa man sha, blanko. si P... rachel lang ang mahalaga... sya lang ang dahilan para mabuhay pa, at dahil di sha pwede magpakasuiside ay di nya pwede isuko si rachel... at sa haba-haba ng pagiisip, kinabukasan, nakaipon uli sha ng "pag-asa" at kagaya ng zombieng walang tigil sa pag regenerate, tinungo nya uli ang kolinghen para kausapin si rachel. Malapit palang ay may nadama shang parang di tama... sa kalayuan ay may nakita shang usok... agad nyang tinakbo ang mabatong kalsada at nagulat sa naabutan... sinugod ng imperyo (oo, kalaban) ang kolinghen, sunog lahat ng bahay, me mga survivors na nagliligpit ng mga bangkay... hinanap nya agad si rachel, pinuntahan nya ang bahay nila... pero sunog na, naluha si locke at nagsisigaw, tinatawag nya si rachel, maya-maya ay may lumapit sa kanya... inabutan sha ng sampung piso... binulsa nya ito at nagsisigaw uli, maya-maya ay may lumapit uli ( siryoso ung kwento... di ko lang talgang mapigilang di isama ung tungkol sa sampu...) Ang parang katulong dun sa bahay nila rachel nun, namukaan ni locke, tinanong agad ni locke kung nasan si rachel... tumungo ang katulong... at sinabing... hinuli daw lahat ng mga residente at kinulong dun sa townhall... isa isa daw silang pinaslang... takot na takot daw sha (ung katulong) nakasama daw nya si rachel, matapang daw si rachel at pinagmumura pa ung mga taga imperyo... nagalit daw ung heneral at binaril daw si rachel... pero bago daw sha namatay nakalong pa nya si rachel... at nadinig nyang binulong nang dalaga..."locke"... kelan nga kaya naging mapalad ang mga magnanakaw...
Pabalik...