Ulan
Hiwaga ng panahon
Akbay ng ambon
Sa piyesta ng dahon
Ako'y sumilong
Daan-daang larawan
Ang nagdaraan sa aking paningin
Daan-daang nakaraan
Ibinabalik ng simoy ng hangin
Tatawa na lamang
At ba't hihikbi
Ang aking damdamin
Pinaglalaruan ng baliw at ng ulan
At sino'ng 'di mapapasayaw
Ng ulan
At sino'ng 'di mababaliw sa ulan
Hinulog ng langit
Na siyang nag-ampon
Libu-lubong alaalang
Dala ng ambon
Daan-daang larawan
Ang nagdaraan sa aking paningin
Daan-daang nakaraan
Ibinabalik ng simoy ng hangin
Tatawa na lamang
At bakit hindi
Ang aking damdamin
Pinaglalaruan ng baliw at ng ulan
At sino'ng 'di mapapasayaw
Ng ulan
At sino'ng 'di mababaliw sa ulan
Tatawa na lamang
At bakit hindi
Ang aking damdamin
Pinaglalaruan ng baliw at ng ulan
At sino'ng 'di mapapasayaw
Ng ulan
At sino'ng 'di mababaliw sa ulan
At sino'ng 'di aawit kapag umulan
At sino'ng 'di mababaliw
Ulan
At sino'ng 'di mapapasayaw sa ulan
At sino'ng 'di mababaliw sa ulan
Ulan ulan ulan
Sa ulan
RiverMaya