Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Tanda Mo Pa Ba?
Fatal Posporos

Bigla na lang akong nagulat 
Nang ikaw ay magtapat 
Natatandaan mo pa ba? 
Yung una nating pagkikita 
Ako, hindi 
Hindi ka naman kasi maporma 
Natatandaan mo pa ba? 
Yung sunod nating pagkikita 
Alam ko hindi 
Nakatingin ka kasi doon sa maganda 
Nung minsan ulit na magkatagpo 
Ano ba yung naramdaman ko? 
Nung tayo'y magkatabi 
At parehong walang masabi 
Natatandaan mo pa ba? (4x) 
(Tanda mo pa ba?) 

Napapansin mo rin pala 
Na meron nang nag-iba 
'Di ka na makatingin 
Meron ka bang inililihim? 
Masaya ka palang kasama 
Lagi mo akong napapatawa 
Baliw ka rin pala 
Hindi ka lang nagsasalita 
Natatandaan mo pa ba? (4x) 
(Tanda mo pa ba?) 

Kelan nga ba nagsimula? 
Kelan mo naalala 
Na sa mga unang pagkikita 
May pag-ibig na pala. 
Natatandaan mo pa ba? (8x) 
(Tanda mo pa ba?) 


Fatal Posporos