Pagtawid


May isang araw na bago tayo pumanaw 
Lahat ng ating pinangarap, atin nang matatanaw 
Hintay-hintayin, ito'y maaabot na rin 
Sa pagbubuhos ng lakas at paggugugol ng galing 
Isulong ang mga likha 
Ipunin ang mga salita 
Sa pagsasakop ng dilim 
Ito'y maririnig pa rin. 

Isang araw, isang kulay 
Isang hangarin na tunay 
Ipagbigkis mga kamay 
Sa pagtawid nitong tulay. 

Di magtatagal at mumutawi ring lahat 
Sa mga labi ang likas at katutubong salita 
Tuunan ng pansin at liliwanag ang paningin 
Sa mga kulay na ngayon ay bumabalot sa atin 
Ibaling ang mga mata 
Sa ulap at mga tala 
Sa pagsasabog ng ningning 
Ito'y maaabot na rin. 

...tulay. 


AfterImage