Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
P.A.G.A.S.A.
Fatal Posporos

Umuulan 
Nag-iisip kung naririnig mo ring 
Bumubulong ang malambing na ihip ng hangin 
O kailan ba muling masisinagan 
Ng araw na nagkukubli sa ulap? 

Tuloy pa rin 
Walang patid na dumadaloy 
Ang mga luhang puno ng pait. 
O kailan ba muling masisinagan 
Ng araw na nagkukubli sa ulap? 

Naghihintay, 
Nagbabakasakaling sa bukas na darating 
Ngingiti ang mga bituin 
Nagtatanong, nasa'n ang kahapon 
Na kay saya, maibabalik pa ba? 
Umuulan 
Aaraw 
Daraan ang panahon 
Iikot ang mundo 
Ngunit walang... 
Umaasa 
Na sa pagbuhos ng ulan 
Ay lulunurin ang lungkot 
At takot ng damdamin 
O kailan ba muling masisinagan 
Ng araw na nagkukubli sa ulap? 
O kailan ba muling masisilayan 
Ang araw na nagkukubli sa ulap? 
Pawiin ang lungkot 
Na dulot ng ulan 


Fatal Posporos