Nerbiyoso


Isang gabing kasama ka 
Walang ginagawang iba kundi mag-usap sa mata 
Bigla akong tinawag 
Uwian na pala 

Paglingon ko'y wala ka na 
Ilang gabi na akong lubhang nagdaramdam 
Kahit pangalan mo'y hindi ko pa alam 

Sasabihin ko na sana 
Aaminin sa 'yo 
Lahat-lahat ng itinatago 
Ng puso kong alipin ng kaba 
Alam mo naman tayo 
Walang magawa 
Nerbyoso 

Nais ko sanang makapiling kang muli 
Kahit saglit lang 
Kahit lamang sandali 
Pagka't ilang gabi na akong nagdaramdam 
Pa'no kung hindi ka na muling matagpuan 

Ilang gabi na akong lubhang nagdaramdam 
Kasi mahal kita hindi mo lang alam 


RiverMaya