NATUTULOG KONG MUNDO
WolfGang
At naglaho ang liwanag sa dilim
Walang ingay ngunit nakakabingi
Bote ng alak na hindi nabuksan
Mga sigarilyong ubos na ang apoy
Kaibigan saan ka na ngayon ako'y naghihintay dito
Sa pagdating ninyo
Kaibigan ilang oras ang lumipas na at wala pa
Ang anino ninyo lamang
Kaibigan tunay ka ba
Wala na ba ngayon ang samahan natin
Wala na bang kuwento ang tahimik naman dito
Tumatawag walang sumasagot
Nagsisisi
May kasalanan ba ako
Habang ikaw ay nandito
Tulungan niyo ako upang magising ang natutulog kong mundo
WolfGang