MULA SA KAMANDAG
WolfGang
Sanggol ka nang isinilang
Walang bahid ng kasalanan
Inosente sa lahat ng bagay
At walang kamalay-malay
Ngunit... may aninong palapit
Puno ng galit, poot at pait
Chorus:
Ilawan ang daan
Ng ligaw na nilalang
Nasaan ang liwanag
Mula sa kamandag...
Mabilis lumipas ang panahon
Ang ngayo'y biglang kahapon
Sundin man ang tamang landasin
Pilit kang lilinlangin
Ang dugo mo'y nilalason
Lumalapot sa bawat taon
Repeat Chorus:
Sa paglubog ng iyong araw
Nabuksan ang mga mata
Sa mundo'y ika'y nasilaw
Pagsisisi'y huli na
Pag-asa mo'y nalulunod
Isip mo'y naging tuod
Repeat Chorus:
WolfGang