Maniwala Ka Sana


Nu'ng una kitang nakilala, di man lang kita napuna 
'Di ka naman kasi ganoon kaganda, di ba? 
Simpleng kabatak simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sa yo 
'Di ko talaga alam kung bakit ako nagkaganito 

Ako'y napaisip at biglang napatingin 
Di ko malaman kung ano'ng dapat gawin 

Dahan-dahan nag-iba ang pagtingin ko sa yo 
Gumanda ka bigla at ang mga kilos mo nakakapanibago 
Napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso 
Bad trip talaga na-iinlab ako sa 'yo 
 
Tuwing kita'y nakikita, ako ay napapangiti 
Para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi 

Minamahal kita, ba't di ka maniwala 
 
Anong kailangan kong gawin, Upang seryosohin mo 

Ang aking sinasabi, tungkol sa pag-ibig ko sa yo 
Maniwala ka sana, minamahal kita, aaahhhh 

Nasira na yata ang ulo ko kakaisip ko sa yo 
Kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko 
Pero bakit para kang naiilang, ako ay iyong iniiwasan 
Ako'y nahihirapan, uyy, wala namang ganyanan 

Pakiramdam ko ngayon ako ay namumukhang gago 
Ngayon ako'y nagsisi kung bakit ako nag "I love you" 
Kasi di na tayo tulad nang dati 
 
Ngayon sa akin ay diring-diri 


Parokya